Muling naging sentro ng usapan si Vice Ganda matapos niyang magbigay ng tapat na saloobin tungkol sa desisyon ng kanyang partner na si Ion Perez na i-withdraw ang kanyang COC noong 2024 elections.
$ads={1}
“Thankful ako pero hindi ko siya pinakialaman.”
Sa pinakabagong episode ng 'KC After Hours' ni Karmina Constantino-Torres sa YouTube, naupo si Vice para sa isang makahulugang panayam kung saan tinanong siya tungkol sa naging desisyon ni Ion na umatras sa pagtakbo noong November 2024.
“When Ion decided to go into politics, but kalaunan he withdrew. Ano yung fear mo nung time na yun? And were you thankful na he didn't push through?” tanong ni Karmina.
$ads={2}
Agad namang sumagot si Vice at inamin na thankful siya, pero hindi niya pinilit si Ion sa kahit anong desisyon.
“Yeah, I was thankful na he didn't pursue but I did not convince him not to pursue it, and I also did not convince him to do it, to file for a candidacy.”
May respeto sa desisyon ng bawat isa
Ipinaliwanag ni Vice ang dynamics nila ni Ion bilang mag-partner:
“Ganun yung dynamics namin eh. Hindi ko pakikialaman si Ion, hindi ko i-aayon yung kagustuhan ni Ion sa kagustuhan ko. Yung kailangan yung buhay mo eh nakaayon sa kung anong kagustuhan ko, sa ikaliligaya ko, at kung ano ang pabor sa akin. Ayoko yung, 'Si Ion, asawa ni Vice' o 'partner ni Vice' kasi si Ion ay si Ion. May sarili siyang life.”
Hindi lahat alam ang leadership background ni Ion Perez
Bumalik din si Vice sa dahilan kung bakit nagsumite ng COC si Ion sa una bago ito umatras:
“Si Ion kasi, leader ng mga SK sa Tarlac. Hindi alam ng karamihan yun, siya ay leader at active talaga siya sa public service nung bata pa lang siya sa Tarlac. Even before I met him. At kinukwento yun ng mga taga-Tarlac, yung para siyang youth leader. Noon pa siya kinukumbinsi na tumakbo bilang konsehal.”
Marami sa netizens ang humanga sa pagiging supportive at understanding partner ni Vice kay Ion Perez, na patuloy niyang pinapakita sa kanilang relasyon sa kabila ng mga intriga sa showbiz.
No comments:
Post a Comment