Habang papalapit na ang finale ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, naglabas ng kanyang prankang reaksyon at mensahe ng suporta si Benedict Cua para sa kaibigan niyang si Mika Salamanca, na lumalaban para makapasok sa Big Four kasama ang kanyang duo na si Brent Manalo.
YOU DID WELL MAHIKAAAA!!!”
Sa kanyang social media post, ipinakita ni Benedict ang kanyang pagmamalaki at paghanga sa katatagan ni Mika sa loob ng Bahay ni Kuya.
“I’m not much of a words-of-affirmation guy, but I’m so proud of you! Nakita namin yung kindness, selflessness, maturity, and compassion mo.”
Aminado rin si Benedict na hindi siya sanay mag-post ng ganitong klaseng suporta publicly, kaya biro pa niya:
“In hindsight, you’ve always been expressive when it comes to supporting your friends in public. I’m sorry kung weakness ko yun ~ medyo cringe kasi HAHAHA. Archive ko na lang siguro bago ka lumabas.”
“You entered to show your real self.”
Ibinahagi rin niya na si Mika ay pumasok sa PBB house para ipakilala ang kanyang tunay na pagkatao, hindi para magpanggap o patunayan ang sarili.
“We know all too well that you entered the house for people to get to know the real you — that’s it!!! You didn’t even have to prove anything, but hell yeah you diddd.”
Manifesting Big 4 Spot
Sa huli, nag-manifest si Benedict na makapasok sa Big 4 sina Mika at Brent at sana ay maging Big Winner, ngunit aniya:
“Regardless of any title, you’ve already won the hearts of people outside. I love you!!!”
Kasalukuyang naglalaban sina Mika at Brent laban kina Bianca de Vera at Dustin Yun para sa huling slot sa Big Four na iaanunsyo ngayong final week ng season.
No comments:
Post a Comment