Thursday, 18 June 2026

Kris Lawrence kinakiligan matapos magbigay ng nakakaantig na Mensaha para kay Karina Halili

Kinilig ang fans sa naging mensahe ng singer na si Kris Lawrence para sa aktres na si Katrina Halili matapos niyang ibahagi sa social media ang isang espesyal na video ng aktres.

$ads={1}

Sa post ni Kris, makikita ang cinematic video ni Katrina habang sila ay nasa Hong Kong kasama ang kanilang anak na si Katie. Simple man ang mga kuha, ramdam naman dito ang saya, lambing, at magandang samahan nila bilang pamilya.

Mas lalo pang napansin ng netizens ang caption ni Kris kung saan nagbigay siya ng mensahe para kay Katrina. Marami ang nagsabing ramdam sa kanyang mga salita ang respeto, pag-aalaga, at pagpapahalaga niya sa aktres. Kahit hindi man direktang sinabi kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon, hindi maikakaila na may espesyal pa ring koneksyon sa pagitan nilang dalawa.

Dahil dito, hindi naiwasan ng ilang fans na umasa na baka may pagkakataon pang magkabalikan sina Kris at Katrina. May ilan ding nagsabi na masaya na silang makita na maayos ang samahan ng dalawa, lalo na para sa kanilang anak na si Katie.

$ads={2}

Matatandaang sina Kris at Katrina ay matagal nang naging bahagi ng buhay ng isa’t isa. Bagama’t nagkaroon sila ng hiwalayan noon, nanatili pa rin silang magulang na parehong present para sa kanilang anak. At ngayon, makikita sa kanilang mga bonding moments na maganda ang kanilang relasyon bilang co-parents.

Para sa maraming netizens, nakakatuwa raw makita na kahit may pinagdaanan ang dalawa, pinili pa rin nilang maging maayos, mature, at supportive sa isa’t isa. Hindi man malinaw kung may romantic comeback na mangyayari, sapat na sa fans na makita silang masaya at komportable kapag magkakasama.

Sa ngayon, patuloy na umaani ng positibong reaksyon ang mensahe ni Kris para kay Katrina. Para sa ilan, isa itong patunay na may mga relasyon na kahit hindi man nagtagumpay noon, maaari pa ring mauwi sa respeto, pagkakaibigan, at magandang samahan sa tamang panahon.


Tuesday, 16 June 2026

Ahtisha Manalo may prangkang sagot sa netizen na nagkomento tungkol sa kanyang balikat

Source: Ma. Ahtisha Manalo/Facebook

Prangkahang sinagot ni Miss Universe 2025 3rd Runner-Up Atisha Manaloot komento ng isang netizen  tungkol sa kaniyang balikat. 

$ads={1}

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Atisha ang isang video na kung saan makikitang rumampa siya sa isang room. 

Suot niya ang pink na gown na talaga namang bagay sa kanya. Sulat pa niya sa kanyang caption: "2018 feels"

Ngunit may isang netizen ang biglang nagkomento tungkol sa kanyang balikat. Sabi ng netizen: "Ang taas naman ng balikat. May TV ba siya?"

$ads={2}

Agad naman itong sinagot ni Atisha na tila may pang-aasar: "Meron, 65". Ikaw ba?"

Si Ahtisha Manalo ay isang Filipino beauty pageant titleholder na nanalo bilang Miss Universe Philippines 2025. Siya ang nagrepresenta sa Pilipinas sa naganap na Miss Universe 2025 at siya umuwi bilang third runner-up.



Suzzette Doctolero pinagtanggol si Kiko Pangilinan laban sa alegasyong nakatanggap ito ng maleta.


 Pinagtanggol ng Screenwriter na si Suzzette Doctolero si Senator Kiko Pangilinan laban sa alegasyon na umanoy nakatanggap ito ng maleta na may lamang pera. 

$ads={1}

Sa isang pressconference kasi, nitong Martes, June 16, inakusahan ng ng nagpakilalang "ex-bagmen" ang senador na tumanggap ng pera. Ipinakita nila ang ilang larawan ng pamilya ni Pangilinan para suportahan ang umano'y akusasyon nila.

Kaya naman sa kanyang post sa Facebook, inilahad ni Suzzette na mahirap umanong paniwalaan ang naturang paratang.

$ads={2}

"Mahirap paniwalaan yung alegasyon kay Sen. Kiko P.   Walang bahid corruption ang repu nung tao.  Unless may mas matibay silang ebidensya kaysa isang picture na wala namang halaga." sabi ni Suzzette

Matatandaan na pinabulaan na ni Senator Kiko Pangilinan ang isyung ito: "STATEMENT ON SUITCASES. Puro pasaring. Puro alegasyon. Puro palabas. Gusto lang mantsahan ang naiulat na pag-upo ko bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na mag-iimbestiga sa flood-control scam. Wala ni katiting na basehan ang mga tangkang pagdungis sa aking pagkatao ng mga nagpa-presscon tungkol sa mga maletang kaugnay sa bilyon-bilyong pisong ninakaw sa kaban ng bayan. At dahil dinamay niyo pa ang pamilya ko, makakatikim kayo ng hindi pasaring, alegasyon, o palabas na kaso sa korte. Pananagutan ninyo ang paninirang ginagawa niyo."






Sharon Cuneta pumalag sa alegasyong nakatanggap ng Maleta ang asawa niyang si Kiko Pangilinan

 

Pinalagan ni Megastar Sharon Cuneta ang alegasyon ng nagpakilalang "ex-bagmen" laban sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan at kanilang pamilya.

$ads={1}

Sa kanilang press conference ngayong Martes, June 16, inakusahan ng "ex-bagmen" ang senador na tumanggap ng pera. Ipinakita nila ang ilang larawan ng pamilya ni Pangilinan para suportahan ang umano'y akusasyon nila.

Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Mega ang sumusunond:

"MGA SINUNGAAAALING!!!!!!! SOBRA TALAGA KAYO!!!!! I vlogged about this visit my family and I made to Marawi to thank the Governor, Mayor, and other officials and their families for their support for Kiko. Talaga ba, magbibigay kayo ng maleta sa amin SA MARAWI PA???!!! Ang kakapal ng mukha ninyo talaga sukdulan!!! Eto nagtetaping pa ako ngayon-nagbabanat pa rin ng buto at lumalaban ng patas, dahil lahat ng meron kami, PINAGHIHIRAPAN NAMIN!!! Hindi kami tulad ninyong mga sinungaling!!! Kaya sabi nga nila, KAPATID NG SINUNGALING ANG MAGNANAKAW!!! Bahala na ang PANGINOONG Diyos sa inyo. ALAM NIYA KUNG SINO ANG TOTOONG SUMUSUNOD AT SUMASAMBA SA KANYA!!! WALA KAYONG KWENTANG TAO!!! @kiko.pangilinan"

$ads={2}

Nagreact rin si Kiko Pangilinan sa naturang isyu. Sabi niya:

"STATEMENT ON SUITCASES. Puro pasaring. Puro alegasyon. Puro palabas. Gusto lang mantsahan ang naiulat na pag-upo ko bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na mag-iimbestiga sa flood-control scam. Wala ni katiting na basehan ang mga tangkang pagdungis sa aking pagkatao ng mga nagpa-presscon tungkol sa mga maletang kaugnay sa bilyon-bilyong pisong ninakaw sa kaban ng bayan. At dahil dinamay niyo pa ang pamilya ko, makakatikim kayo ng hindi pasaring, alegasyon, o palabas na kaso sa korte. Pananagutan ninyo ang paninirang ginagawa niyo."


Vice Ganda nagreact sa nagsasabing kamukha niya ang contestant ng Its Showtime

 


Nagbagahi ng kanyang prangkang reaksyon ang Unkablogable Star na si Vice Ganda sa mga netizen na nagsasabing kamukha niya raw ang contestant ngayong araw June 16, 2026 sa Its Showtime.

$ads={1}

Naglabasan kasi sa Twitter ang mga dating larawan ni Vice na kung saan kinumpara nila ang larawan nito sa larawan ng contestant ng Miss Q&A contestant.

Kaya hirit ni Vice sa kanyang post: "Hooooooy grabe kayo sa mga old pics ko!!!!! Nasan ang pagmamahal nyo sakeeeeeennnnn!!!! Waaaahhhhhh!!!!!" 

Si Vice Ganda na may tunay na pangalan na José Marie Borja Viceral na ipinanganak noong Marso 31, 1976 ay isa ngayon sa pinakasikat na aktor, komedyante at TV host sa Pilipinas.

$ads={2}

Siya ay kilalang-kilala bilang isa sa mga pangunahing host ng noontime variety show na Its Showtime at sa kanyang mga blockbuster na pelikula.

Monday, 15 June 2026

Melai ibinunyag na nagpadala ng relief si Angel Locsin para sa GenSan Quake Victims



Ibinahagi ng Kapamilya comedienne-host na si Melai Cantiveros na nagpadala ng tulong ang A-list actress na si Angel Locsin para sa mga naapektuhan ng lindol sa General Santos City.

$ads={1}

Noong Lunes, June 8, 2026, niyanig ng 7.8 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao. Isa sa mga grabeng naapektuhan ay ang GenSan, ang hometown ni Melai.

Kasunod ng sakuna, maraming celebrities ang agad na nagpaabot ng tulong at pakikiramay. Si Melai mismo ay nagpakita ng pakikiramay para sa kanyang mga kababayan sa Mindanao.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Melai na bumiyahe siya papuntang GenSan para alamin ang kalagayan ng kanyang pamilya at para na rin mag-abot ng tulong sa abot ng kanilang makakaya.

$ads={2}

Ibinahagi rin niya na may ilang celebrities na nagpadala na ng assistance tulad nina Kim Chiu, Robi Domingo, at Bianca Gonzalez. Maging ang kanyang glam team ay tumulong din sa relief efforts.

Ayon pa kay Melai, nagulat siya nang tawagan siya ng kanyang manager at ipaalam na magpapadala rin ng tulong si Angel Locsin. Dahil dito, taos-puso ang kanyang pasasalamat.

“Miss Angel Locsin, thank you so much!” ayon kay Melai.

Melai Cantiveros thanks Angel Locsin for sending help to Gen. San earthquake victims
by u/Anxious-Highway-9485 in ChikaPH

Umani rin ng reaksyon mula sa netizens ang balita, kung saan marami ang pumuri kay Angel Locsin dahil sa kanyang patuloy na pagtulong sa panahon ng kalamidad, kahit hindi ito palaging ipinapahayag o ina-announce.


Kris Lawrence kinakiligan matapos magbigay ng nakakaantig na Mensaha para kay Karina Halili

Kinilig ang fans sa naging mensahe ng singer na si Kris Lawrence para sa aktres na si Katrina Halili matapos niyang ibahagi sa social media ...