Friday, 27 June 2025

Shuvee Etrata, Nasaktan sa Tawag na “Starlet”

“Shuvee Etrata naiiyak sa bansag na starlet – Fast Talk interview June 2025”

Hindi ikinatuwa ni Shuvee Etrata, dating housemate ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, ang bansag sa kanya na “starlet.”

$ads={1}

Sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, Hunyo 26, inamin ni Shuvee na nasasaktan siya sa tawag na starlet, kahit alam niyang marami pa siyang dapat matutunan at pagbutihin sa kanyang career.

“Hindi po ako pinabayaan ng GMA. I'm very grateful hindi po ako nawalan ng trabaho. Nasasaktan lang po akong tawaging starlet,” saad niya.

$ads={2} 

Matatandaang bumuhos ang suporta para kay Shuvee nang siya ay ma-evict sa Bahay ni Kuya, kasama ang kanyang ka-duo na si Kapamilya singer Klarisse De Guzman

Ayon kay Shuvee, tatlong taon pa lamang siya sa industriya, at marami pa siyang kailangang i-improve na skills.

“I'm not in that position to say na I've been here na for years… marami pa po akong i-improve na skills,”sabi niya.

Ngunit sa kabila nito, aminado siyang masakit marinig ang bansag na starlet, lalo na’t nakikita niya ang pagsisikap ng GMA para i-push ang kanilang mga artista.

“'Yong word lang po na 'starlet' medyo masakit lang po siya. Kasi parang 'pag kinonek mo siya sa GMA, parang I've seen how GMA do their best para i-push mo po kaming mga artist,”dagdag niya. 

No comments:

Post a Comment

Shuvee Etrata, Nasaktan sa Tawag na “Starlet”

Hindi ikinatuwa ni Shuvee Etrata , dating housemate ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition , ang bansag sa kanya na “starlet.” $ad...