Saturday 12 October 2024

Roxanne Ginoo masayang inalagaan ang ama niyang may sakit

 

Masayang inalagaan ng actress na si Roxanne Ginoo ang kanyang amang may sakit. Nadiagnose kasi ang kanyang ama sa sakit na na may cellulitis, isang impeksyong bacterial na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon kung mapapabayaan.

$ads={1}

Makikita sa kanyang post sa instagram ang video na kung saan todo asikaso ang actress sa kanyang ama. Sey pa ng actress nakaranas ang kanyang ama ng pamamaga at matinding kirot sa binti na nagdulot ng sugat at impeksyon pagkatapos ng dalawang linggo. 

Pinahayag din ni Roxanne na kung hindi maagapan, maaaring umabot ang impeksyon sa buto na posibleng magdulot ng pagputol sa apektadong bahagi.

$ads={2}

 Nagbigay siya ng paalala sa mga followers na agad gamutin ang kahit maliliit na sugat upang maiwasan ang komplikasyon ng cellulitis. "Kung sakali po tayo ay magka sugat, agarin po natin na gamutin dahil pwede po itong mangyari,” 

Narito ang post ng actress: 


No comments:

Post a Comment

JK Labajo napatigil sa pagkanta dahil sa ginawa ng isang audience

  Mabilis na nagviral sa social media ang video kung saan napatigil sa pagkanta ang singer na si JK Labajo sa pagkanta dahil sa ginawa ng ...