Friday 23 August 2024

Willie Revillame binabaan ng telepono ang tinawagan niya na sa Family Feud pala nanood

 


Nagviral ngayon sa social media ang video na kung saan binabaan ni ng Wil to Win host na si Willie Revillame ang tinawagan niya na hindi pala sa kanyang program nanood kundi sa katapat pala niyang programa na Family Feud.

$ads={1}

Ang show kasi ni Willie na Wil To Win ay mapapanood sa TV5.

Sa isang episode ng naturang program sa segment na "Dear Willie" ay tumawag siya ng isang contestant para manalo ng papremsyo.

Ngunit nang tawagan ito ni Willie ay tila walang idea ang natawagan ng host sa program ni Willie.

$ads={2}

“Ano ba kasing programa ‘to?” sabi ng tinawagan ni Willie

“Programa… ‘e ano bang pinapanood niyong programa?” tanong naman ni Willie

“Sa GMA po, Family Feud,” sabi ng tinawagan ni Willie

“Ah ganon ba, ‘e sayang po Wil to Win to, salamat po. Sayang no? Sana magwi-Wil-to-Win kayo, sige po enjoy watching Family Feud, ba-bye,” sabi naman ni Willie 

Sinabihan naman ni Willie ang kanyang mga viewers na ito ang patunay na hindi scripted ang kanilang tinatawagan.

Binasa rin ni Willie ang hiling ng kanyang natawagan na nangangailan umano ng suporta para sa pag-aaral ng kanyang anak.

Nagpaliwanag naman si Willie kung bakit hindi na niya pinasali ang kanyang natawagan: “Family Feud pala pinapanood niyo tapos bibigyan ko pa siya ng P50,000,”

Pwede mong panoorin dito ang video: 


Very good ka caller, inisin niyo pa yan si koya wil
byu/Consistent-Vast3646 inChikaPH

No comments:

Post a Comment

Doc Willie Ong ibinahagi ang pagkakaroon niya ng cancer

  Ibinahagi ng Doctor na si Doc Willie Ong na na-diagnose siya ng isang rare na sakit na cancer. Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng kan...