Friday 30 August 2024

Maris Racal di mapigilang maging emosyonal habang pinanood ang trailer ng bagong niyang pelikula

 

Talagang di mapigilang naging emosyonal ng actress na si Maris Racal matapos niyang mapanood ang full trailer ng kanyang bagong pelikula.

$ads={1}

Ang kanyang bagong pelikula ay mayroong pamagat na "Sunshine" under direktor Antoinette Jadaone at pinagbibidahan nina Maris Racal, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Jennica Garcia, Annika Co, at Meryll Soriano na kung saan ang story nito at tungkol sa isang young gymnast na natuklasan niyang siya ay buntis sa linggo ng kanyang national tryouts.

Sa darating naman na September 13, 2024 ang premiere nito sa Toronto International Film Festival.

$ads={2}

"Di ako makapaniwala na natapos na namin ang pelikulang ‘Sunshine’ pagkatapos ng halos isang taon. Saludo sa mga bumubuo ng pelikulang ito, lalo na kay Direk Tonet na ilang taon itong trinabaho. Hanga ako sa dedikasyon at puso ng mga kasama ko rito. Para ito sa kababaihan at sa kanilang karapatang magpasya para sa sarili at sa kanilang katawan." sabi ni Maris

"Nakakaproud na ang world premiere ng pelikulang ito ay sa TIFF 2024. Isang malaking karangalan ang magkaroon ng pagkakataong ibahagi ang pelikulang Pilipino sa buong mundo." dagdag pa niya 


No comments:

Post a Comment

Doc Willie Ong ibinahagi ang pagkakaroon niya ng cancer

  Ibinahagi ng Doctor na si Doc Willie Ong na na-diagnose siya ng isang rare na sakit na cancer. Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng kan...