Saturday 31 August 2024

Studyanteng nagpa-uso sa sayaw na "Maybe This Time" sumayaw sa Its Showtime

 


Mabilis na nagviral ang video ng isang studyante na nagpa-uso sa sayaw na Maybe This Time by Sarah Geronimo.

$ads={1}

Sa August 31 episode kasi ng Its Showtime ay sumayaw ang naturang studyante na si Ralp Xyriel Villaruz.

Si Ralp ay isang studyante na mula pa sa Zamboanga at inimbitahan ng Its Showtime para sumayaw sa opening number ng naturang programa.

$ads={2}

Nang makapanayam siya ng host ay aminado si Ralp na masaya siya sa kanyang narating: “Masaya po dahil na-experience ko po ito sa buhay ko. Once in a lifetime lang po 'to,” aniya 

Pwede mong panoorin dito ang video: 


Friday 30 August 2024

Maris Racal di mapigilang maging emosyonal habang pinanood ang trailer ng bagong niyang pelikula

 

Talagang di mapigilang naging emosyonal ng actress na si Maris Racal matapos niyang mapanood ang full trailer ng kanyang bagong pelikula.

$ads={1}

Ang kanyang bagong pelikula ay mayroong pamagat na "Sunshine" under direktor Antoinette Jadaone at pinagbibidahan nina Maris Racal, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Jennica Garcia, Annika Co, at Meryll Soriano na kung saan ang story nito at tungkol sa isang young gymnast na natuklasan niyang siya ay buntis sa linggo ng kanyang national tryouts.

Sa darating naman na September 13, 2024 ang premiere nito sa Toronto International Film Festival.

$ads={2}

"Di ako makapaniwala na natapos na namin ang pelikulang ‘Sunshine’ pagkatapos ng halos isang taon. Saludo sa mga bumubuo ng pelikulang ito, lalo na kay Direk Tonet na ilang taon itong trinabaho. Hanga ako sa dedikasyon at puso ng mga kasama ko rito. Para ito sa kababaihan at sa kanilang karapatang magpasya para sa sarili at sa kanilang katawan." sabi ni Maris

"Nakakaproud na ang world premiere ng pelikulang ito ay sa TIFF 2024. Isang malaking karangalan ang magkaroon ng pagkakataong ibahagi ang pelikulang Pilipino sa buong mundo." dagdag pa niya 


Wednesday 28 August 2024

Kate Valdez tapat na inaming inlove siya kay Fumiya Sankai


 Tapat na inamin ni Kate Valdez sa isang panayam na siya in love at masaya sa piling ni Fumiya Sankai.

$ads={1}

 "Ano, Tito Lhar, sobrang happy kami sa isa't isa, sa presence ng isa't isa." sabi ni Kate ng matanong siya ng 24 oras kung nagde-date ba sila ni Fumiya

"Sobra. And I'm happy, and I'm grateful for him," sabi pa ni Kate ng matanong siya kung siya ay inlove 

Samantala tungkol naman sa viral nilang larawan ni Fumiya na pumunta sila sa Disneyland ay inamin ni Kate na special gift umano ito sa kanya ni Fumiya.

$ads={2}

"'Yung trip na 'yun, it was a gift for me from him. Gusto niyang i-spend 'yung special day ko with me. So tinanong niya ko kung ano 'yung gusto ko, and then I told him na 'Parang gusto kong ma-experience 'yung Disneyland,'" aniya 

Panoorin dito ang buong interview: 


Ang cute! Anak ni Jhong Hilario na si Sarina all smile habang nagpa-gupit

 

Mabilis na nagviral sa social media ang video ng anak ni Jhong Hilario na si Sarina Hilario dahil sa sobrang ka-kyutan nito.

$ads={1}

Nagpagupit kasi si Sarina at si Jhong muna ang unang pumutol sa buhok ng bata. Ito ang unang pagkakataon na nagpagupit si Sarina.

Ang naturang video ay ibinahagi sa instagram account ni Sarina. “SARINA’S FIRST HAIRCUT! πŸ’‡‍♀️” saad sa caption ng post.

$ads={2}

Marami namang netizens ang di mapigilang matuwa dahil sa ka-kyutan ni Sarina.

“so adorable πŸ₯°”

“Someone is slaying with new hair style 😍πŸ₯°πŸ₯°”

“Wow bob cut look, looks good on you Sarina!!!”

“Love it! Beautiful Sari!😍”

“so pretty naman nyan!😍😍😍”

Narito ang video: 


Tuesday 27 August 2024

Jericho Rosales spotted na hinarana ang lola ni Janine na si Pilita Corales

 

Mabilis na nagviral sa social media ang video kung saan spotted ang actor na si Jericho Rosales na hinarana ang lola ni Janine Gutierrez na si Pilata Corralles.

$ads={1}

Nagcelebrate kasi si Pilita kamakailan ng kanyang ika-85th birthday at spotted si Jericho na umattend sa naturang selebrasyon.

Sa X ay ibinahagi ni @ayca_lui ang mga larawan at video na kung saan makikita si Jericho katabi si Janine.

$ads={2}

Makikita rin ang pagharana ng actor sa birthday celebrant.

"Jericho "Matapang" Rosales. Echo with Corrales-Gutierrez Family to celebrate Pilita's 85th birthday. Galing manghanara ni Papi Echo," mababasa sa caption ng naturang post 

Pwede mong panoorin dito ang video: 


Monday 26 August 2024

Kobe Paras at Kyline Alcantara spotted ang pagiging sweet sa isat-isa

 

Photos: rhiannalorain0/Tiktok

Mabilis na nagviral sa social media ang video kung saan spotted basketball player na si Kobe Paras kasama ang actress na si Kyline Alcanta.

$ads={1}

Sa naturang video ay makikita ang dalawa na sobrang sweet sa isat-isa. Kumanta si Kobe ng kantang "Hinahanap-hanap Kita" habang kinakandong si Kyline.

Kaya naman di mapigilan ng maraming netizens na kiligin sa dalawa sa video na ipinost ng Tiktok user na may username na "@rhiannalorain0"

$ads={2}

As of this writing ang naturang video ay pumalo na ng 2.7 million views at 263.7K reactions. Wala itong komento dahil naka-turn-off ang comment  section ng post.

Narito ang video: 

@rhiannalorain0 Omggggg so kiligπŸ₯°πŸ₯°#kylinealcantara #fyp #kobeparas ♬ original sound - Rhianneyks

Saturday 24 August 2024

Vice kay Regine: "Wag mo akong ma-hoy hoy hoy. Bakit? Porket Songbird ka"

Photos: ABSCBN Entertainment/Youtube 

 "Wag mo akong ma-hoy hoy hoy. Bakit? Porket Songbird ka"

$ads={1}

Ito ang biro ng Its Showtime host na si Vice Ganda sa Asia's Songbird na si Regine Velasquez ng bumisita ito kamakailan sa Its Showtime.

Habang kinausap kasi ni Vice ang  "Expecially For You" searcher ay biglang nabaling ang atensyon ng komedyante kay Regine na naka-upo katabi ng asawa nitong si Ogie Alcasid.

“Ano ba 'yon? Regine, nag-uusap kami. Lakad ka nang lakad,” sabi ni Vice 

$ads={2}

Kaya naman biniro ni Vice si Regine na sa isang linya na naging usap-usapan ngayon sa social media: “Eh ano? ‘Wag mo akong ma-hoy hoy hoy. Bakit? Porket Songbird ka,” 

Panoorin dito ang video: 


Friday 23 August 2024

Willie Revillame binabaan ng telepono ang tinawagan niya na sa Family Feud pala nanood

 


Nagviral ngayon sa social media ang video na kung saan binabaan ni ng Wil to Win host na si Willie Revillame ang tinawagan niya na hindi pala sa kanyang program nanood kundi sa katapat pala niyang programa na Family Feud.

$ads={1}

Ang show kasi ni Willie na Wil To Win ay mapapanood sa TV5.

Sa isang episode ng naturang program sa segment na "Dear Willie" ay tumawag siya ng isang contestant para manalo ng papremsyo.

Ngunit nang tawagan ito ni Willie ay tila walang idea ang natawagan ng host sa program ni Willie.

$ads={2}

“Ano ba kasing programa ‘to?” sabi ng tinawagan ni Willie

“Programa… ‘e ano bang pinapanood niyong programa?” tanong naman ni Willie

“Sa GMA po, Family Feud,” sabi ng tinawagan ni Willie

“Ah ganon ba, ‘e sayang po Wil to Win to, salamat po. Sayang no? Sana magwi-Wil-to-Win kayo, sige po enjoy watching Family Feud, ba-bye,” sabi naman ni Willie 

Sinabihan naman ni Willie ang kanyang mga viewers na ito ang patunay na hindi scripted ang kanilang tinatawagan.

Binasa rin ni Willie ang hiling ng kanyang natawagan na nangangailan umano ng suporta para sa pag-aaral ng kanyang anak.

Nagpaliwanag naman si Willie kung bakit hindi na niya pinasali ang kanyang natawagan: “Family Feud pala pinapanood niyo tapos bibigyan ko pa siya ng P50,000,”

Pwede mong panoorin dito ang video: 


Very good ka caller, inisin niyo pa yan si koya wil
byu/Consistent-Vast3646 inChikaPH

Doc Willie Ong ibinahagi ang pagkakaroon niya ng cancer

  Ibinahagi ng Doctor na si Doc Willie Ong na na-diagnose siya ng isang rare na sakit na cancer. Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng kan...