Wednesday 15 March 2023

Sa wakas! Ogie Diaz isa-isang sinagot ang pahayag ni Liza Soberano

Nagsalita narin sa wakas si Ogie Diaz kaugnay sa mga naging pahayag ni Liza Soberano kamakailan lang sa "Fast Talk" ni Boy Abunda.

Sa wakas! Ogie Diaz isa-isang sinagot ang pahayag ni Liza Soberano 

Si Ogie Diaz na may tunay na pangalan na Roger Diaz Pandaan ay isang kilalang Filipino comedian, actor, entertainment reporter, at talent manager. Kilala bilang "Pekto" sa kanyang character sa long-running former television show na "Palibhasa Lalake". Sa ngayon ay isa si Ogie sa mga vlogger na inaabangan dahil sa kanyang showbiz content. 

Samantala sa kanyang latest vlog ay isa-isang sinagot ni Ogie ang mga naging pahayag ni Liza Soberano kamakailan lang.

Tungkol sa commission 

Nilapag na ni Ogie ang totoong hatian ng commission sa Talent Fee ni Liza.

Ogie Diaz - 20%
Star Magic - 10%
Tita Joni - 7% 
Liza - 63%
Sinabi rin ni Ogie na may sariling road manager su Liza na binabayan raw mismo ni Ogie sa sariling niyang pera.

Sinagot rin ni Ogie ang tungkol sa umanoy hindi siya pumupunta sa set.

"Di ko rin alam… Anak, saan ka galing na hindi ako nagpupunta sa set?"sabi Ogie

Bumibisita sa taping si Ogie Diaz, ang ilan sa nabanggit niya ay ang Forevermore na ang taping pa ay sa Benguet at ang huling teleserye ni Liza sa ABS-CBN na Make It With You.

Ayon pa kay Ogie wala din raw siyang sinabi na hindi siya tumatanggap ng commission.

"Wala ho akong sinasabi na hindi na ako tumatanggap ng commission. Ang sinasabi ko po ay hindi na tumatanggap si Liza ng mga project dahil nga papunta na siya ng ibang direksyon, na naghihintay na lang siya na matapos ang kontrata."sey ni Ogie

Nagpadala rin si Ogie ng mensahe kay Liza nung akala niya ay nahack ang instagram account nito.

“Nak, me tumutulong na ba sa yo to get back your ig?” text ni Liza kay Ogie

Ngunit hindi na nakatanggap si Ogie ng reply mula kay Liza. Base sa ipinakitang convo ni Ogie at huling text ni Lizaay noong binati niya ng Happy Birthday ang dati niyang manager.

Narito ang buong video:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

No comments:

Post a Comment

Doc Willie Ong ibinahagi ang pagkakaroon niya ng cancer

  Ibinahagi ng Doctor na si Doc Willie Ong na na-diagnose siya ng isang rare na sakit na cancer. Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng kan...