Nagluluksa ngayon ang Its Showtime host na si Teddy Curpoz sa pagpanaw ng kanyang Lola.
Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang Lola kalakip ang tribute nito.
Sabi ni Teddy:
"I will miss you Nanay, may super pretty and bait lola. Last time I saw and hugged you was just last Thursday. Lagi mo sinasabi sakin na di mo makakalimutan when I drew a pencil portait of you back when I was in highschool.
"Lagi moko pinapag luto, lagi maganda at malinis bahay natin, lagi kang nakabihis at always kang maganda. I remember nung elementary ako, na prank kita ng paputok pag bukas mo ng pintuan tapos nagulat ka.
"Mama’s boy ako pero lola’s boy din ako. Tinuruan moko gumawa ng lumpiyang sariwa and the sauce for my T.H.E subject nung highschool ako.
"Gumagawa tayo ng ube, chicharon, at taba ng talangka na alige nung bata ako. Kumukupit ako sa wallet mo ng pang bili ko ng GI Joe nung maliit ako, pero alam ko na alam mo yun and you just let me.
"Dami ko pa kwento and I will cherish every moment I have with you. Lahat masasayang memories. Malulungkot ako pero sandali lang. I know kasama mo na si Jesus and knowing that, I know im going to be okay. I will forever miss you. I love you nanay."
Si Theodore M. Corpuz Sr. o mas kilala bilang Teddy Corpuz ay isang Filipino singer, television presenter, actor at comedian. Siya ay isang regular host ng ABS-CBN's noontime variety show It's Showtime.
No comments:
Post a Comment