Monday 19 September 2022

Vhong di maaring magpiyansa sa inilabas na 2nd warrant of arrest laban sa kanya

 

Inilabas na ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ang pangalawang warrant of arrest sa kasong r@pe laban kay Vhong Navarro.

Ibinahagi ng ABSCBN Reporter na si Nikko Baua ang kopya ng ng nasabing warrant of arrest laban kay Vhong.

Sa nasabing kopya ay mababasa na not bailable ito o hindi maaring makapagpiyansa ang actor.

Samantala ang unang warrant of arrest na inilabas laban kay Vhong ay bailable sa halagang 36,000. Ibang Taguig court ang nag-isyu ng nasabing warrant.

Matatandaang taong 2014 ng naging laman ng balita ang kasong ito, sa huli ay napatunayan naman na ng CCTV na 2minutes lamang ang inilagi ni Vhong Navarro sa loob ng condo ni Deniece kung saan itinuturo niyang na-rape siya. 

Sa mga nauna pang salaysay noon ni Deniece ay dalawang beses siyang ni-rape ni Vhong, unang beses ng magkita sila at pangalawang beses ng muli niyang itong imbitahan sa condo niya (na ayon sa CCTV ay dalawang minuto lamang ang inilagi ni Vhong).


No comments:

Post a Comment

Doc Willie Ong ibinahagi ang pagkakaroon niya ng cancer

  Ibinahagi ng Doctor na si Doc Willie Ong na na-diagnose siya ng isang rare na sakit na cancer. Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng kan...