Friday 30 September 2022

Vice Ganda nagreact sa Jeep na may portrait nila ni Vhong at Anne

 

Di mapigilang magreact ng komedyante at TV host na si Vice Ganda sa nagviral na Jeep na may Portrait nila ni Anne Curtis at Vhong Navarro.

Sa kanyang twitter, niretweet ng komedyante ang post ng isang netizen tungkol sa Jeep na may portrait nila.

Labis naman na natuwa si Vice sa ginawa ng may-ari ng Jeep.

"Awwwwww!!! Katuwa naman yan!" sabi ni Vice sa kanyang tweet 

Samantala ang nasabing Jeep ay nakita raw ng netizen sa Roxas Boulevard papuntang Marikina.


Si Vice Ganda ay isang sikat na komedyante at TV Host sa Pilipinas. Sumikat si Vice dahil sa kanyang galing sa pagpapatawa bilang Hurado sa Its Showtime na kalaonan ay kinuha narin siya para maging host.

Matatandaan na kinasal na sina Vice at Ion Perez sa US kamakailan lang.

Taguig City Trial Court dineny ang apela ng kampo ni Vhong na manatili sa NBI Detention Center

 Dineny ng Taguig City Trial Court ang apela ng kampo ni Vhong Navarro na manatili ito sa NBI Detention Center.

Sa tweet post ng ABSCBN News Reporter na si Mike Navallo ibinahagi nito ang 3 page order na inilabas ni Judge Lorelie Cruz Datahan ng Taguig City Jail na kailangang mailipat kaagad ni Vhong sa custody ng Taguig City Jail dahil hindi napatunayan ng kampo ng tv host ang mga sapat na ebidensya na may panganib sa kanyang buhay sakaling mailipat siya sa city jail.

"A Taguig court denies comedian-host Vhong Navarro’s plea to stay under NBI custody.

Navarro’s wife presented a text message which seemingly threatened Navarro but court said fear for life, security was not substantiated. Says city jail bound to care for his rights."sabi sa tweet post ni Navallo 

Tingnan dito:


Cryptic post ng ex-husband ni Moira dela Torre usap-usapan sa social media

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic post ng dating asawa ni Moira dela Torre na si Jason Marvin Hernandez.

Ibinahagi niya sa kanyang post sa facebook ang kanyang larawan at tila malayo ang paningin nito.

Kasabay ng kanyang larawan ang makahulugan niyang caption na: “You know I truly love you, even though I wasn’t true,”

Ilang buwan na ang makalipas nang maghiwalay si Hernandez at ang kanyang dating asawa na si Moira Dela Torre.

Matapos nilang maghiwalay, matatandaan na inamin ni Jason na naging "unfaithful" umano siya kay Moira. 

Para kanino kaya ang post na ito ni Marvin?


Thursday 29 September 2022

Netizens nawindang sa init ng eksena sa Music Video nina James Reid at Kelsey Merrit

 

Nawindang ang maraming netizens ang init ng eksena sa bagong release na Music Video ng kapamilya actor na si James Reid kasama ang model na si Kelsey Merritt.

Nito lamang September 29, inilabas ng YouTube channel ng independent record label ni James na Careless Music ang music video na may pamagat na “u & i”.

Sa pagkakasulat na ito, ay number 2 trending ang nasabing Music Video nina James at Kelsey.

Samantala umani naman ito ng 408k views mula sa pagkakasulat na ito at mayroong 37k likes.

Marami namang humanga sa actor na si James base sa komento ng ilang netizens sa nasabing Music Video.

"JAMES REID IS SUCH AN AMAZING ARTIST!! He deserves to be recognized locally & internationally" 

"JAMES REID VOCALS never disappoint! He's so underrated but he keeps on thriving! Cheers to more success James Reid! I hope people will appreciate you more." 

"This is such a vibe. This sounds and feels expensive. This deserves international attention. Congrats James Reid!"

"One day James will make it to mainstream music and I will not be surprised how far his passion has got him. Will always be proud of him." 

Panoorin dito ang video:



Vhong Navarro humahagulgol umano sa piitan ani source ni Cristy Fermin

 

Humahagulgol diumano ang actor na si Vhong Navarro sa loon ng piitan ayon sa source ng beteranang entertainment columnist na si Cristy Fermin.

Inilahad niya ang balitang ito sa kanyang online show na "Showbiz Now Na". 

“Merong isang nagkwento sa akin na kaibigan na humahagulgol si Vhong Navarro sa loob ng piitan,” sabi ni Fermin 

Pagpatuloy pa ni Fermin: "Sabi ko nga, wala pong kasong maliit at kasong malaki. Basta kaso, dalahin po natin 'yan sa ating dibdib, sa ating puso. Ito 'yung mga gabi na gustong matulog ni Vhong Navarro pero hindi po siya dinadalaw ng antok. Totoo 'yan, diba?”  

Nagreact naman ang kasama ni Fermin na si Rommel at sinabi nitong: "Oo Nay, kasi 'yung lungkot at pag-iisa mo na may kaso ka sa labas na hindi mo alam kung anong mangyayari." 

Sabi naman ni Fermin: "At 'yung pag-iintindi mo sa pamilya mo. Sa iyong ina na hindi nagpapa-interview dahil baka kung ano raw ang kanyang masabi, sa kanyang mga anak, mga anak nila ni Bianca Lapus, sa kanyang misis na si Tanya, sa kanyang mga kaibigan, sa kanyang mga tagahanga,”  

Hirit naman ng kasama ni Fermin na si Morly Alinio: "Nga naman, pagka ikaw ay nakakulong, hindi 'yung iniisip mo 'yung sarili mo, kung hindi 'yung paano na 'yung mga taong nagmamahal sa'yo,” 

Panoorin dito ang buong chika ni Fermin at kanyang mga kasamahan.



Jaime Fabregas binura ang shoppe account kasunod ng pag-layoff ng ilang empleyado sa kumpanya

 

Binura na ng beteranong actor na si Jaime Fabregas ang kanyang account sa kilalang e-commerce platform na Shoppe. 

Kasunod ito ng pagbabawas ng nasabing platform ng kanilang mga empleyado. 

"I have deleted my Shopee account"sabi ni Jaime sa kanyang tweet post 

"Matagal ko nang gustong gawin dahil sa gastos pero ngayon nagkaroon ng mas malalim na dahilan."dagdag pa niya 

Hindi naman tinutukoy ni Jaime ang sinasabi niyang malalim na dahilan sa kanyang pagbura sa nasabing platform.

Samantala ipinakilala na ng Shoppe ang kanilang bagong Ambassador na walang iba kundi ang controversial actress at host na si Toni Gonzaga.

Anong masasabi niyo dito?


Wednesday 28 September 2022

Ogie Diaz nagreact na sa tsismis na umanoy nakalaya na si Vhong Navarro

 

Binasag narin sa wakas ng komedyanteng si Ogie Diaz ang kanyang katahimikan kaugnay sa nagsilabasang tsismis na umanoy nakalaya na si Vhong Navarro.

Sa kanyang youtube vlog, ay pinabulaan niya na nakalaya na si Vhong.

"Nga pala. Para pabulaananan din natin itong chika na ito, 'no? Kasi maraming nagko-comment sa ating comment section sa YouTube na bakit daw hindi pa natin alam na si Vhong Navarro ay nakalaya na,” sabi ni Ogie

“Yun nga ang sinasabi, na si Vhong ay nakalaya na at nakatakda nang bumalik sa ‘It's Showtime.’ Tapos, ang daming lumabas sa YouTube, 'yun ang kanilang mga title. Na nakalaya na si Vhong. Alam niyo, kahit hindi ako magtanong to verify, malalaman po natin 'yan kung 'yun ay lumabas sa Inquirer, sa ABS-CBN News, sa Manila Bulletin.” paliwanag pa ni Ogie 

Ayon pa kay Ogie, sana totoo nalang daw ang fakenews na ito: “Diyos ko, sana nga lang, diba? Sana nga totoo na 'yung balita ninyo na si Vhong ay nakalaya na.”  

Panoorin dito ang video sa tatak na 10:26 na kung saan tinalakay ni Ogie ang nasabing isyu. 



Tuesday 27 September 2022

Video kung saan aksidenteng nahulog si Jhong Hilario sa Its Showtime viral na


Viral ngayon sa social media ang video ni Jhong Hilario na kung saan aksidente siyang nahulog sa stage ng Its Showtime.

Nangyari ito matapos nang habulin ni Vice si Jhong dahil sa pagiging inattentive nito sa laro nilang "Palarong Pang-madla: Vest in Spelling".

Nagulat naman si Vice sa nangyari kay Jhong at tila kinabahan ito.

Agad naman si Jhong na inalalayan ni Vice kasama ang mga staff ng nasabing show.

Nang makatayo na ay tawang-tawa si Jhong sa nangyari.

"Buti na lang nadulas ako. Tignan mo, hindi mo ako nasaktan."sabi ni Jhong kay Vice

"Alam mo kung bakit ka nadulas?" tanong ni Vice kay Jhong

"Bakit?" tanong naman ni Jhong kay Vice

"Kasi sa maling reseller mo binili' yung rubber shoes mo," nakakalokang sagot ni Vice kay Jhong

 "Original 'yan." sabi naman ni Jhong  

Panoorin dito ang nakakaaliw na video:


Kahit na may iniindang sakit! Kris tinulungan parin si Lolit sa dialysis nito

 

Kahit may iniindang sakit ay taos puso paring tinulungan ni Kris Aquino ang beteranang columnist na si Lolit Solis sa dialysis treatment nito.

Ito ang ibinunyag ni Lolit sa kanyang post sa Instagram.

"Dahil nasabi sa kanya ni Ronite @dpersonalshopperph na nagda dialysis ako kaagad niyang pinatawag si Alvin para alamin kung ano kailangan ko at ibibigay niya agad. To think na meron siyang sakit at nasa abroad siya. Talagang kahit love/hate ang relationship namin dalawa, hindi talaga nalimutan ni Kris Aquino ang naging friendship namin." pagbubunyag ni Lolit 

Ani pa ni Lolit na kahit tactless at naughty raw si Kris ay handa itong tumutulong sa nangangailangan.

"Kahit kelan sasabihin ko na walang mean bone si Kris, puwede na naughty siya, tactless pero magaan at bukas palad siya dahil mabait ang puso niya." sabi ni Lolit 

Nagwish din si Lolit na sana ay maging maayos na ang kalusugan ngayon ni Kris para sa kanyang mga anak.



Monday 26 September 2022

Moira dela Torre usap-usapan dahil sa kanyang bagong post sa social media

 

Umani ng samut-saring komento ang panibagong post ng singer at isa sa mga hurado ng Idol Philippines na si Moira dela Torre.

Ito ay matapos magpost siya sa kanyang instagram ng kanyang larawan na lutang na lutang ang ganda nito.

Bukod sa pagiging maganda ay marami ring netizens ang nakapansin na tila pumapayat ang singer.

Ayon sa komento ng ilang netizens: 

"Lalong gumaganda pag niloloko nasasaktan din nakamove.on." 

"Lalo kamg gumanda moira" 

"Iba tlg pag nasaktan,nagbu bloom.." 

"lalong gumaganda tlga ang mga babae pag nagiging single" 

"Oh no!! Baka kailangan ko na makipag break sa jowa ko para Lalo mag glow up" 

Narito ang kanyang post:


Video kung saan biglaang nagbrown-out sa Its Showtime sa kalagitnaan ng live show viral na

 

Viral ngayon sa social media ang video ng biglaang nagbrown-out sa Its Showtime Studio habang umeere ito ng live.

Ang nasabing pagbrown-out ay nangyari sa segment na Miss Q & A.

Kina-usap nina Vice, Jhong at Anne ang isang contestant ng biglaan itong magbrown-out.

Habang nagdilim ay patuloy parin sa pagsasalita si Vice.

Nang bumalik na ang ilaw ay nagbigay ng nakakalokang reaksyon si Vice.

"Iba talaga ang ABS-CBN,” sabi ni Vice

“Bakit?” tanong naman ni Anne

Sabi naman ni Vice: “Kung kailan papaalis na ang ulan, saka nawawalan ng kuryente Read more: https://ift.tt/Q0W4UOX



Saturday 24 September 2022

Congrats! Angeline Quinto engage na sa kanyang non-showbiz boyfriend

 

Proud na ibinahagi ni Angeline Quinto na engaged na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina.

Sa kanyang instagram story post ibinahagi ni Angeline ang ilang mga post.

Sa unang post ay may nakasulat na "Its time to write a new story".

Sa pangalawa naman ay tungkol sa fiancee at fiance.

"Boyfriend fiance, Girlfriend fiancee" mababasa sa post ni Angeline sa kanyang instagram story 

Samanta sa isang video naman ay ibinahagi na mismo ni Angeline na siya ay engage na.

Ayon kay Angeline sa nasabing video ay nanonood raw ang soon to be mother in law niya na nanay ng kanyang fiance.

"Special ang gabing ito ngayon for me para sa akin dahil nandito po sa audience ang soon to be mother in law ko .. ang nanay po ng aking fiance nandiyan. " sabi ni Angeline

Panoorin dito:


Thursday 22 September 2022

Willie Revillame handa umanong tulungan si Vhong sa kinahinatnan nito

 

Ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanyang show na handa umanong tulungan ni Willie Revillame si Vhong Navarro na nahaharap ngayon sa kasong isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.

Ayon kay Cristy may napapanood umano siyang vlogs at may nabasang reports na handang tulungan ni Willie si Vhong.

"Tapos meron pang napanood ako kanina sa isang vlog, tapos nabasa ko rin sa pahayagan, handa raw tulungan ni Willie Revillame si Vhong Navarro sa kanyang kinahihinatnan."sabi ni Cristy 

Matapos nito ay inalala rin ni Cristy ang umanoy pagtulong noon ni Willie kay Vhong noong itoy na-ospital.

Nagbigay umano si Willie ng isang milyong cheque.

"Alam niyo po, hindi lang ngayon. Eto po ah, hindi na ako magpapaalam kay Willie Revillame pero totoo at alam ko po ang katotohanan. Dumalaw po sa Willie Revillame noon sa ospital, kay Vhong Navarro, nag-iwan siya ng P1 million na tseke."sabi pa ni Fermin 

“Ang sabi niya kay Vhong, 'Lipat ka ng kwarto, 'yung mas malaki. Kasi napakaliit nito, kapag sabay-sabay na dumalaw ang mga kasamahan at kaibigan mo, mapupuno.' Tapos 'yung mga doktor, parang magkakapalitan na sila ng mukha. Nag-iwan ng isang milyon na tseke si Willie Revillame, hindi lang po ngayon. Noon pa man po.” dagdag pa nito 



Wednesday 21 September 2022

Asawa ni Vhong Navarro nagsalita, emosyonal na humarap sa media

 

Di mapigilang maging emosyonal ng asawa ni Vhong Navarro na si Tanya na humarap sa media para ilahad ang kanyang saloobin kaugnay sa nangyari sa kanyang asawa.

“Gusto ko lang sabihin alam naman nila yung totoo. Nakita ko kung gaano siya nagsasabi ng totoo kaya pinakasalan ko parin siya so lalaban ako!”sabi ni Tanya 

Nagpapasalamat din si Tanya sa publiko na naniniwala na walang maging kasalanan si Vhong na kasalukuyan ngayon nakadetain sa NBI.

“Thank you i don’t read hindi ako ganun ka strong hindi ako strong uhmm…………………..

“Pero thank you pero yung friends siguro kasi alam ko na meron akong mga ilang messages na makikita rin na siympre, hindi rin naman lahat naniniwala kay vhong so takot ako dun takot ako sa messages, i’d rather not to read pero yung mga friends send me screenshots sobrang nagbibigay ng strength thank you hindi ako ganun ka strong i just being strong for vhong hindi ako pumasok dun sa commitment na magpakasal sa kanya or makasama siya for nothing nung nangyari to mag boyfriend and girlfriend palang kami nakita ko gaano siya nagsasabi ng totoo kaya pinakasalan ko parin siya so lalaban ako.

“Gusto ko lang sabihin alam naman nila yung totoo. Sa akin may kasalanan si vhong inamin niya nun mula noon sa akin siya may atraso pinatawad ko yung tao and for the last 8 years bumabawi siya we got married yun yung ano akala ko yung 8 years na yun na parang patapos na yung kaso uhm tapos nagpakasal pa kami sobrang importante nun sa akin kasi bumabawi siya as in super and then this happen.”

Panoorin dito:


Tuesday 20 September 2022

NBI naglabas na ng pahayag kaugnay sa pagsuko ni Vhong sa NBI

 

Naglabas na ng pahayag ang NBI kaugnay sa buluntaryong pagsuko ng actor na si Vhong Navarro kaugnay sa kasong isinampa ni Deniece Cornejo laban sa actor.

 Basahin dito ang buong pahayag ng NBI mula sa kanyang official Facebook page.

"Actor Vhong Navarro, on September 19, 2022, surrendered to National Bureau of Investigation (NBI) after a Warrant of Arrest was issued against him.

Through his legal counsel, Vhong Navarro coordinated with the NBI expressing his intent to voluntarily surrender in relation to the Warrant of Arrest issued against him for Acts of Lasciviousness by the Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 116, Taguig City on September 15, 2022. The bail for the said case was fixed at Php 36,000.00. 

In the morning of September 19, 2022, the actor, together with his counsels appeared before the NBI, Vtech Tower, G. Araneta Avenue, Quezon City to voluntarily submit himself to the custody of the NBI. He was thereafter processed as per the Bureau’s standard operating procedure. 

In the afternoon of the same day, another Warrant of Arrest for Rape, with no bail recommended, was issued against Vhong Navarro by the Regional Trial Court Branch 69, Taguig City. 

Accordingly, he was subjected to antigen test where he tested negative and was turned over to NBI-Security and Management Section (NBI-SMS) today, September 20, 2022 for detention."


Monday 19 September 2022

Vhong di maaring magpiyansa sa inilabas na 2nd warrant of arrest laban sa kanya

 

Inilabas na ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ang pangalawang warrant of arrest sa kasong r@pe laban kay Vhong Navarro.

Ibinahagi ng ABSCBN Reporter na si Nikko Baua ang kopya ng ng nasabing warrant of arrest laban kay Vhong.

Sa nasabing kopya ay mababasa na not bailable ito o hindi maaring makapagpiyansa ang actor.

Samantala ang unang warrant of arrest na inilabas laban kay Vhong ay bailable sa halagang 36,000. Ibang Taguig court ang nag-isyu ng nasabing warrant.

Matatandaang taong 2014 ng naging laman ng balita ang kasong ito, sa huli ay napatunayan naman na ng CCTV na 2minutes lamang ang inilagi ni Vhong Navarro sa loob ng condo ni Deniece kung saan itinuturo niyang na-rape siya. 

Sa mga nauna pang salaysay noon ni Deniece ay dalawang beses siyang ni-rape ni Vhong, unang beses ng magkita sila at pangalawang beses ng muli niyang itong imbitahan sa condo niya (na ayon sa CCTV ay dalawang minuto lamang ang inilagi ni Vhong).


Sunday 18 September 2022

Vhong Navarro sumuko na sa NBI kasunod ng paglabas ng warran of arrest

 

Inilabas na ang warrant of arrest ngayong araw Sept 19 mula sa isang korte sa Taguig laban sa host at komedyanteng si Vhong Navarro may kaugnayan sa kasong isinampa ni Denice Cornejo.

Ngunit bago paman inaresto si Vhong ay kusa na itong sumuko sa NBI.

Bailable naman ang naturang kaso ni Vhong sa halagang 36,000 para sa pansamantalang kalayaan ng host.

Matatandaang taong 2014 ng naging laman ng balita ang kasong ito, sa huli ay napatunayan naman na ng CCTV na 2minutes lamang ang inilagi ni Vhong Navarro sa loob ng condo ni Deniece kung saan itinuturo niyang na-rape siya. 

Sa mga nauna pang salaysay noon ni Deniece ay dalawang beses siyang ni-rape ni Vhong, unang beses ng magkita sila at pangalawang beses ng muli niyang itong imbitahan sa condo niya (na ayon sa CCTV ay dalawang minuto lamang ang inilagi ni Vhong).

Panoorin dito:


Anne Curtis inulan ng paghangga matapos personal na binigyan ng tulong ang nagbebenta ng isda

 

Inulan ng paghangga ang actress na si Anne Curtis matapos siyang maispatang nagbigay ng tulong pinansyal sa isang tindero ng isda.

Sa video ay personal na kina-usap ni Anne Curtis ang nasabing tindero at binigyan niya ito ng cash assistance na galing sa napanalunan nila ng kasamahan niya sa Showtime tuwing naglalaro sila ng Vest in Spelling. 

Ang nasabing video ay kuha ng isang netizen na nakasaksi mismo sa pagbaba ni Anne sa sasakyan para kausapin ang nasabing tindero na kanyang napili para bigyan ng tulong.

Kapansin-pansin din sa nasabing video na pinahkaguluhan si Anne ng mga tao na nakasaksi at humiling na magpapicture.

Game na game naman si Anne at hindi tinanggihan ang kanyang mga fans.

Panoorin dito:


Saturday 17 September 2022

Julia Barretto naglabas na ng hinaing laban sa amang si Dennis Padilla

 

Naglabas narin ng kanyang saloobin ang actress si Julia Barretto sa kauna-unahang pagkakataon laban sa kanyang amang si Dennis Padilla.

Sa interview ni Karen Davila kay Julia ay tinanong siya nito tungkol sa relasyon nila ng kanyang amang si Dennis.

Ayon kay Julia hindi pa raw sila nagka-usap ng kanyang ama dahil sa takot.

"I'll be very honest, we have not spoken and it's because there's just so much fear inside me now if I'm being very open," she began. Julia then continued, "You know, I kinda just want to... huminga lang muna from that cycle and I've just been praying also na... I don't know, maybe in God's time and way, you know, na mag-meet kami in the middle without having to get hurt again." sabi ni Julia 

Nang tanungin naman si Karen kung napatawad na niya ang kanyang ama. Sabi niya ay madali naman raw magpatawad ngunit ang hindi madali para kay Julia ay ang magtiwala.

"I think, it's not difficult for us to forgive but it's difficult to really trust. It's not the forgiveness, Tita, it's to forget. But I think, it's also just, there's just a lot of fear because I don't know what's gonna happen. But forgiveness, of course, definitely. That's for my own peace of mind diba? Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I'm just not ready," sabi ni Julia 

Dagdag pa ni Julia: "I just need more love from him, I think. I just need more love, more protection. I just feel like, he should be my number one protector and that's not really what I'm getting right now from him so it does hurt. It does hurt because dapat siya yung tinatakbuhan ko diba? But, it's sad that I can't," 

Panoorin dito:


Friday 16 September 2022

Markus Paterson matapang na inaming mas gusto raw niyang GF ay Morena at may Island Vibe"

 

Matapang na inamin ng actor na si Markus Paterson na gusto raw niyang Girlfriend ay isang morena na may “island girl vibe!”.

Ini-reveal din ni Markus na ang kanyang ex-girlfriend ay isang British National. 

“Para sa akin kasi, ang trip ko, ‘yung type ko kasi morena na island girl. ‘Yung British ko kasi na ex (had) blonde hair (and) blue eyes. Pero she’s Greek, so tan siya,” sabi ni Markus 

Inilahad din ni Markus na bago raw siya umuwi ng Pilipinas ay mayroon raw siyang girlfriend for three years na tinatawag niyang highschool love.

Kaya raw sila naghiwalay ay dahil di raw nila kayang i-handle ang long distance relationship.

Peru iginiit rin ni Markus na mas gwapo pa raw siya kaysa bagong boyfriend ng kanyang ex.

"High school love, three years. Lumipat ako dito. Di ko kaya ang long distance. Pagbalik ko may bago na, pero carry lang kasi noong pagbalik ko, mas guwapo rin ako, eh. May bago rin ako,” sabi ni Markus 



Thursday 15 September 2022

Ogie Diaz napabungisngis sa performance ni Toni Gonzaga sa ALL TV

Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon ang komedyanteng si Ogie Diaz sa production number ni Toni Gonzaga sa All TV. 

Sa kanyang post sa facebook, ay tahasang sinabi ni Ogie na napabungisngis raw siya habang pinanood ang nasabing prod ni Toni. 

"Nangiti lang ako nu'ng una, eh. Hanggang sa mapabungisngis na ako kalaunan habang pinanonood ang prod ng aking kumareng Toni. Ganitong-ganito 'yung mga napapanood ko sa GMA Supershow ni Kuya Germs nu'ng araw."

Ayon pa kay Ogie kahit si Toni raw ay hindi magustuhan ang kanyang performance pag napanood niya ito.

"Pero sana, mag-invest nang bongga sa sound system o sa recording. Baka kahit si Toni kung panonoorin uli ito, hindi niya ipagmamalaki yung performance niya, eh. Lalo na yung audio niya."

Dagdag pa ni Ogie: "Di bale, nag-uumpisa pa lang naman. Pasasaan ba't maaayos din ito. Na-bother lang talaga ako nang slight. Kasi, sa mga singers, big deal talaga sa kanila ang audio at sound system, eh. Baka gusto lang talagang mag-perform ni Toni at magbigay-saya."




Wednesday 14 September 2022

Gary Valenciano masayang ibinahagi na magiging "Pappy" na siya ulit

 

Masayang ibinahagi ng kapamilya singer na si Mr. Pure Energy Gary Valenciano na magiging "Pappy" na siya ulit.

Sa kanyang post sa instagram nito lamang September 9, ay di maipaliwanag ni Gary ang kanyang saya na ibinalita sa publiko na magiging lolo na siya ulit.

Kalakip ng kanyang post ay ang larawan ng na nirepost niya mula sa kanyang anak na si Paolo at asawa nitong si Samantha.

“Can’t believe I’m going to be a Pappy once again!!!!! Yyyyyippe!!!!!!” simulang pahayag ng Kapamilya Singer 

Dagdag pa niyang mensahe, “I can’t say anything except how thankful I am for the gift of life, and the way God moved in revealing all this to us. 

“It can’t get any more heartwarming than this. Thank you @paolovalenciano @yosameti and @nataleiamartine for sharing this with everyone. I love you,” sabi pa ni Mr. Pure Energy. 

Samantala, sina Paolo at Samantha ay ikinasal noong February 2013 sa isang Christian Ceremony.


Tuesday 13 September 2022

Netizens hindi ikinatuwa ang insensitive na tanong sa isang segment ng Tropang LOL

 

Hindi ikinatuwa ng ilang netizens ang umanoy insensitive na tanong ng isang segment sa Tropang Lol na Maritest.

Mababasa kasi sa katanongan na kung sino raw ang naging 3rd party sa hiwalayan nina Gelli de Belen at Ariel Rivera na naging magjowa noong 90's.

Ang pinagpipilian naman sa choices ay sina Agot Isidro, Lea Salonga, Regine Velasquez at Jean Garcia.

Ilang netizens ang napareact sa nasabing katanunang at ayon sa ilan ay hindi na raw ito nakakatuwa.

Ayon sa ilang netizens na mula sa Fashion Pulis website.

"nakakadiri ang show na to. Isang malaking YUCK! Ang desperate naman ng producers nito para lang pag-usapan ang show nila." 

"napanood ko sa youtube ang segment na to. totoo ngang below d belt na tng program na to. d sila amusing nor entertaining. more of annoying.." 

"May "daw" naman ang sensitive lang talaga ng mga tard ng isang network jan" 

"i think sinasadya nila to for publicity and to gain interest sa mga intrigang nacreate nla pg nag viral. pro sna nman wag yng nakakasakit at ikakapahiya ng tao. wala nmang nakakatuwa don"


Gerald Anderson binasag ang katahimikan sa tsismis na umanoy binuntis niya si Kylie Padilla

 

Binasag narin sa wakas ni Gerald Anderson ang kanyang katahimikan kaugnay sa tsismis na umanoy binuntis raw niya ang kapuso actress na si Kylie Padilla.

Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz nito lamang September 12 ay ibinahagi ni Gerald ang kanyang saloobin kaugnay sa nasabing tsismis.

Sinabihan ni Gerald si Ogie na sana raw ay pumutok ang nasabing tsismis sa paglabas ng kanilang Movie ni Kylie na Un-ravel.

Ayon pa kay Gerald, dapat raw maghintay ng siyam na buwan ang publiko para malaman kung totoo ba ang tsismis o hindi.

“Ikaw yata gumawa ng publicity no’n e. Sana nga pinalabas na agad ‘yung pelikula para sumabay do’n e. Hintayin natin nine months from now…

 “Tingnan natin nga nine months from now. ‘Yun ang sinasabi ko,” 

Samantala sa mga nakaraang interview, nilinaw ni Kylie na walang katotohanan ang tsismis na umanoy buntis siya kay Gerald Anderson.

Panoorin dito ang buong interview ni Gerald:



Monday 12 September 2022

Dina Bonnevie may madamdaming birthday message kay Kristine Hermosa

 

Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ng beteranang actress na si Dina Bonnevie para sa kanyang daughter-in-law na si Kristine Hermosa na nagcelebrate ng kanyang birthday nito lamang Biyernes, September 9 2022.

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Kristine ang isang clip ng kanyang masayang birthday celebration.

Sa comment section ng post ni Kristine ay maraming bumati sa kanya isa na rito ang kanyang manugang na si Dina.

Pinasalamatan ni Dina si Kristine dahil sa pagiging mabuti nito.

""Hi Tin! I thank God for a beautiful daughter-in-law inside out. I thank Him for you; being a hands-on loving mom and wife. I thank God for your life and your gift of love and care for my son and my grandchildren. I wish that God continues to shower your love tanks abundantly, so you can continue to spread that love, care and understanding to all us. Happy Birthday Tin! We love you so much," sabi ni Dina 



Monday 5 September 2022

Markus Paterson si Janella Salvador nga ba ang pinasaringan sa kanyang viral na sinabi?

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang viral na video kung saan inilahad ni Markus ang ilan sa mga natutunan niya sa kanyang mga nakaraang relasyon.

Sa vlog na  in-upload ng Rise Artists Studio na may pamagat na "Boys After Dark" nito lamang September 3, 2022 ay inilahad ni Markus ang kanyang seryosong saloobin kaugnay sa past niyang karelasyon.

Ayon kay Markus, kung may natutunan raw siya sa isang relasyon yun ay wag raw makipag-relasyon sa kasama sa industriya.

"Kung may lessons akong natutunan sa relationships ko is never to f*cking date someone in the industry. Wag niyo i-cut yan, seryoso ako diyan,” sabi ni Markus habang kumikindat pa sa kamera 

Samantala sa isang vlog ni Bernadette Sembrano, ay kinompirma ni Janella na isa na siya ngayong single mom.

Sa mga hindi rin nakaka-alam si Markus at Janella ay dating magkarelasyon ay mayroon ring isang anak.

Kaya tanong ng ilang netizens, si Janella nga ba ang kanyang pinasaringan?


Sunday 4 September 2022

Seth Fedelin nagreact sa nagsasabing ginaya raw niya si Daniel Padilla

 

Nagsalita narin sa wakas ang actor na si Seth Fedelin kaugnay sa nagsasabing ginaya raw niya ang pormahan ni Daniel Padilla.

Sa interview ni Ogie Diaz kay Seth ay ibinahagi niyang ganoon raw talaga siya.

 “Sabi naman sa akin ng management, ‘Seth maintain mo ‘yan, maintain mo ‘yang pang-masa (look) mo. Ang inaano ko po kasi ay gusto kong maka-relate sa akin ang tao, mga bata na kahit ito lang suot ko, okay ‘yan. 

“Bakit ako magsusuot ng mamahaling sapatos, e, ayaw ko nga ng ganu’n. Isang beses mo lang masusuot tapos wala na (hindi na puwedeng ulitin) tapos ang mahal-mahal pati ‘yun nakikita nila pati buhok, kabuhok ko raw si kuya DJ. Anong gusto ninyo, magpakalbo ako?” 

“Minsan gusto ko na po silang sagutin na hindi ko sila ginagaya, minsan pag nasa loob ako ng bahay, kapag nagba-vlog ako, eto ako. Pag kausap ako ng mga tao, eto ako hindi ko ginagaya. 

“Actually nga po pag nakita ninyo si kuya DJ at tumayo sa harapan n’yo, napaka-manly niya po tingnan at ako po ay hindi ganu’n. Pag tumayo ako sa inyo para akong totoy, promise po ‘yan. Kapag nagsalita at nakipagkulitan ako mukha akong totoy, mukha akong lumaki sa kanal.” 

Panoorin dito ang buong interview:



Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...