Binanatan ng talent manager na si Ogie Diaz ang dating broadcaster na si Jay Sonza dahil sa umanoy pagpakalat nito ng pekeng balita.
Nito kasing January 12 ay nagpost si Sonza sa kanyang facebook na kung saan binanatan niya ang ‘Angat Buhay’ program ni Vice President Leni Robredo kung saan sinita niya ang pamimigay ng mga water filtration buckets sa pamamagitan ng Project H20 na naipamahagi ng OVP sa mga mamamayan ng Marawi City noong 2017.
Ayon sa facebook post ni Sonza: "ANGAT BUHAY?
I wonder if you have even drunk water from a PLASTIK NA TIMBA for a period of 1 year on a daily basis.
Umangat ba ang Buhay mo?
Tell us your story.
Because if you have not, then shut up and mind your own account and post your thoughts on your own wall.
My wall, my rules.
Sigurado ako, you wont even dare do it (drink everyday from a plastic paIL) for a week.
* i do not own this picture. it came from the campaign camp of Mrs. robredo."
Ano na nangyari kay Jay Sonza? Nakakalungkot. Wala na sa hulog. Tumatanda na ba siyang paurong? #AskingForAFriend.
— ogie diaz (@ogiediaz) January 15, 2022
Hindi naman siguro nagkulang ng aruga ang mga anak at apo ni jay Sonza sa kanya, no? Masyado nang desperado ang lolo n'yo. Lagi na lang fake news. Kawawa naman. https://t.co/zi86it3jbi
— ogie diaz (@ogiediaz) January 15, 2022
No comments:
Post a Comment