Tuesday, 21 December 2021

Vilma Santos nagreact sa relasyon ng kanyang ex- husband Edu Manzano kay Cherry Pie Picache

 

Nagbigay na ng kanyang prankang reaksyon si Vilma Santos kaugnay sa relasyon ng kanyang ex-husband na si Edu Manzano kay Cherry Pie Picache.

Sa latest vlog ni Luis Manzano, ay tinanong niya ang kanyang Mommy V: “Ano ang iyong reaksiyon sa pagmamahalan ni Daddy O at ni Tita Pie?” 

Tila na shock si Vilma sa tanong ni Luis ngunit ayon kay Vilma happy raw siya para sa kanila.

“Grabe ka! Ang dami-daming tumatawag sa akin, nag-iinterbyu, hindi ko sinasagot, anak. Ang sabi ko, I don’t want… ayokong makialam sa isyu na ‘yan… 

“It’s just that… what’s important, I guess is, puwede ko lang i-share, I’m happy. I’m happy, I’m happy. 

“You know naman si Eduardo, your dad, and Pie is a very close friend of mine. 

"At this point in time ng buhay natin, ang pinakaimportante lang is nandiyan ang respeto at pagmamahal, so I wish them all the best" ani Vilma kay Luis 


No comments:

Post a Comment

Coco Martin at Julia Montes nagsalita tungkol sa kanilang relasyon

  Nagsalita sina Coco Martin at Julia Montes patungkol sa kanilang relasyon. Sa isang panayam ay inilarawan ng dalawa kung gaano nila kama...