Pinili ng kampo ni Vhong Navarro na hindi na magpasok ng "Plea" sa arraignment ng kasong r@pe na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Navarro.
Ngayong araw October 11, naganap ang arraignment sa nasabing kaso ni Vhong sa Taguig RTC Branch 69.
Ang abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga ang personal na pumunta sa RTC samantalang si Vhong ay umattend via "videoconferencing".
Dahil sa hindi pagpapasok ng "plea" ni Vhong, automatic na nagpasok ang korte ng "not guilty plea" para sa aktor.
Samantala, hindi naman pinayagan na dumalo si Deniece Cornejo sa arraignment sa pamamagitan ng videoconferencing habang hindi rin siya nagpakita sa korte ng personal.
Kasalukuyan naman ngayong naka-detain si Vhong sa NBI Detention Center sa Manila.
Just in: Navarro did not enter a plea as advised by his counsel, while they have a pending petition for review which they filed in the Supreme Court. Since he did not give a plea, the court entered a “not guilty” plea.
— Niko Baua (@Nikobaua) October 11, 2022
No comments:
Post a Comment