Nagbigay na ng kanyang reaksyon si Cristy Fermin kaugnay sa napipintong paglipat kay Vhong sa Taguig City Jail.
Maalala na kamakailan lang ay dineny ng korte ang apela ng kampo ni Vhong na manatili sa NBI Detention Center ang actor.
“Denied po, denied po 'yung MR nila na kung sana ay 'wag na pong ilipat pa si Vhong Navarro sa Taguig City jail. Ayon po du'n sa nagdesisyon na huwes, hindi po nila naipaliwanag nang maayos kung bakit hindi dapat ilipat." sabi ni Fermin
"Ikalawa, meron daw kasing nananakot sa kanila, nakatatanggap sila ng mga text messages na, 'Ang tagal-tagal naman ng asawa mo,' sabi raw kay Tanya. 'Ang tagal na namin siyang inaantay dito.'" dagdag pa niya
"Hindi nasangkapan o nalangkapan, hindi po nakambalan ng patotoo 'yung kanilang sinabi na nakakatakot 'pag inilipat si Vhong Navarro sa Taguig City jail" sey pa ni Fermin
"Hindi natin alam kung kailan siya ibabiyahe. Maaaring habang magkausap tayo ay inaayos na po, binabalangkas na ang pagdala sa kanya sa Taguig City jail."sambat pa ng beterang kulumnista
Ibinahagi rin ni Fermin na nalukungkot siya ngayon para kay Vhong:
"Pero nakakalungkot po 'yung pagka-deny na ito. Nakakalungkot ito dahil umaasa pa naman sila sa NBI na lang muna si Vhong Navarro hanggang hindi po nagkakaroon ng resulta 'yung kanilang petition for bail.” sey ni Fermin
Panoorin dito:
No comments:
Post a Comment