Monday 31 October 2022

Julia Barretto at Gerald Anderson magpapakasal na?

 

Ibinunyag ng actor na si Gerald Anderson na handa na siyang magsettle down soon at handa na raw niyang tahakin ang bagong kabanata ng kanyang buhay.

Sinabi ito ng actor nang tanungin siya kung nasa isip na raw ba nito ang pagpapakasal.

"Anytime soon, oo naman. Ako mismo, siyempre ready ako.Gusto ko ‘pag nag-settle down ako, wala na akong ibang iisipin — ‘yung future ng mga anak ko secured na, ‘yung future ng asawa ko secured na. Malapit na tayo do’n.” sabi ng actor sa interview ng Star Magic 

Ibinida rin niya ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto na tinatawag niyang "love of his life" .

"Yung pagiging supportive niya sa akin ay kakaiba and I think ‘yun ‘yung key factor kung bakit ang dami naming nalagpasan. Sobrang tibay namin dahil din sa kanya,"sabi ng actor 

"Kung ano ‘yung sitwasyon namin ngayon, hindi ko alam kung mahihigitan pa namin dahil napakaganda ng sitwasyon naming dalawa ngayon," dagdag pa niya 



Saturday 29 October 2022

Andrew Schimmer naiyak sa sinapit ng kanyang asawa


Di mapigilang maiyak ni Andrew Schimmer dahil sa naging resulta ng MRI sa kanyang asawang si Jbo Rovero.

Sa nasabing MRI ay nakitaan it ng bleeding at swelling sa utak nito.

Kaya muling nanawagan ng panalangin si Andrew sa publiko para sa kanyang asawa.

"Actually, medyo malungkot lang. Nag-MRI test tayo kahapon and then doon sa kanyang MRI, nakita natin na may bagong swelling and bleeding na nangyayari sa brain niya," paglalahad ni Andrew.

"Actually, medyo malungkot lang. Nag-MRI test tayo kahapon and then doon sa kanyang MRI, nakita natin na may bagong swelling and bleeding na nangyayari sa brain niya."dagdag pa niya 

"Tapos kahapon during the MRI test, nag-arrest na naman siya. Nagkaroon siya ng second arrest kahapon. So hihingi po sana ako ng tulong sa inyo. Guys, help me pray. Kasi sa mga panahong ito, lumalaban talaga siya. Lumalaban po ulit siya ng sobrang grabe. Kaya kagabi pa po kami nagdadasal para sa kanya."sabi pa ni Andrew

"Panalangin ko sa Panginoon, bigyan ng lakas ang asawa ko. Give her the strength to push through. Kasi isang taon na siyang lumalaban. Hindi pa rin siya naggi-give up. And yesterday was one of the hardest fight of her life and she is trying to win it," aniya pa 

Panoorin dito:


Friday 28 October 2022

JM de Guzman tapat na inaming gusto niya si Donnalyn Bartolome

 

Tapat na inamin ng actor na si JM de Guzman na gusto niya si Donnalyn Bartolome.

Sa isang panayam, inamim ni JM na may gusto siya kay Donnalyn.

"Isa niya po akong tagahanga. Mayroon akong ano sa kanya, may gusto ako sa kanya," sabi ni JM sa interview ng Pep.ph  

Nang tanungin naman siya kung balak ba raw niyang ligawan si Donnalyn.

Sagot niya: "Sana. ... Nagpaparamdam-paramdam.Sobrang bait. Sobrang headstrong, wise, responsable and independent," 

Ayon pa kay JM ready na raw siya para sa isang relasyon : "Matagal-tagal na rin akong wala sa relasyon," 



Wednesday 26 October 2022

Cristy Fermin di mapigilang magreact sa viral na eksena ni Joshua at Janella sa Darna

 

Talagang di mapigilang magreact ni Cristy Fermin sa kamakailan lang na nagviral na eksena ni Joshua Garcia at Janella Salvador sa seryeng Darna.

Sa kanyang show, ay naglabas ng kanyang reaksyon si Fermin tungkol sa nasabing eksena.

"Itong si Joshua Garcia, kinakikiligan ngayon, grabe. At may bago na siyang titulo, 'Higop King" 

"Alam mo 'pag tinitigan mo, walang daya ano? Wala talagang daya.”

“Parang ninanamnam nilang pareho 'yung eksena, ano? Nakakaloka ha,” 

"At sigurado, si Joshua, bilang isang gentleman kinausap din niya si Janella na, 'O, bibigyan natin ng katarungan itong eksenang ito. Gagawin nating totoong totoo talaga itong gagawin natin.' At si Janella naman bilang isang propesyonal na aktres, naintindihan naman, siyempre pa.” 

Panoorin dito:


Tuesday 25 October 2022

Sharon Cuneta keypad na Cellphone ang niregalo sa kanyang anak

 

Neregalohan ng bagong cellphone ni Sharon Cuneta ang kanyang bunsong anak na si Miguel na nagdiwang ng kanyang ika-13th birthday nito lamang October 29.

Medyo kakaiba ang gift ni Sharon na cellphone di gaya ng nakasanayan lalo't hi-tech na abg panahon ngayon.

Ang gift ni Megastar kay Miguel ay isang keypad phone ng Nokia! 

“Someone is turning 13 on Oct.29 (and 27.) He likes ‘having two birthdays!’) and got a new, simple phone,” ani Sharon sa Instagram.

Ayon kay Sharon, simpleng phone din umano ang ginamit ng kanyang mga anak noon na sina Kakie at Miel.

“All my kids started with simple cellphones! Look how happy he was to finally get one,” chika ni Sharon.

Narito ang kanyang post:


Monday 24 October 2022

Korina trending matapos maispatang kasama ang 1st Family


 Nagtrending ngayon si Korina Sanchez matapos magviral ang kanyang mga larawan na kung saan kasama nito si BBM at ang pamilya nito.

Sa larawan na ibinahagi ni Korina sa kanyang social media accounts ay ibinahagi niya ang mga larawan nila ni BBM, Sandro ng 1st lady at isa pang anak ni BBM. 

Ang kanilang larawam ay kuha sa naganap lang na Maskarra Festival sa Bacolod Negros Occidental.

Sabi ni Korina sa kanyang post: 

“Work at the Masskara Festivities included following the First Family around Bacolod. President BBM’s attendance brought in even more excitement to the already uplifted spirits of the Bacolodnons: masaya sila as this is the first open Masskara Festival after two years + the price of sugar has never been this good for the farmers in 11 years!” 

"Tinitilian si Cong. Sandro Marcos kahit saan sya magpunta. But the young congressman is still interview-shy."

"Meantime, First Lady Liza Marcos, a Bacolodnon herself, visited this amazing Home for abused, abandoned or traumatized children called Kalipay. She had long been supporting Kalipay —-and even had her children immerse and live and work there for a whole month years ago. Whoa. But such a worthy foundation to support. Some of the children even graduate cum laude or magna cum laude while in Kalipay."

"Thank you Manong Chavit Singson for flying us to Negros —- and for the millions he donated to Kalipay on da spot yahooo"

"Spokesperson for the day is youngest son Vinnie, mukhang artista and very amusing to talk to. Watch his interview on Rated Korina soon about living in Kalipay for a whole month."

"The Manila Contingent, having their fill of original Bacolodnon Chicken inasal (iba talaga pag sa Bacolod niluto)

 "Each day in this year’s Masskara Festival is happy, exciting and productive!"


Mapangahas na eksena ni Joshua Garcia at Janella Salvador sa Darna usap-usapan

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang eksena nina Joshua Garcia at Janella Salvador sa seryeng Darna:The TV Series ng Kapamilya Network.

Sa nasabing eksena ay nagtukaan sina Joshua at Janella.

Maraming netizens ang nagulantang sa nasabing eksena kaya umani ito ng samut-saring reaksyon.

Sabi ng ilang netizens: 

"Grabe yung laplapan dito parang wala ng bukas" 

"Dapat kasi kayo nalang eh! Epal lang kasi tong si Markus! Char" 

"Grabe naman na juswa uy. Feeling nako ako moy giuhaw" 

"Hay!!! The couple that we never had.. Ayan tuloy #Joshnella" 

"Yong taong binalikbalikan nyo sa tiktok my ka mukbang na. " 

"Wag mong ggwin k Darna yan. Bka mhigop mo ung bato .Nanonood mga anak ko Joshua grabe k bgla 2loy inoff ung tv" 

Panoorin dito ang video:


Sunday 16 October 2022

Andrew Schimmer ibinahaging muling isinugod sa ospital ang kanyang asawa

 

Ibinahagi ni Andrew Schimmer sa kanyang bagong na muling isinugod sa ospital ang kanyang asawa dahil sa mataas nitong lagnat.

Sa kanyang bagong video, hiling ni Andrew ang panalangin para sa kanyang asawa.

"39.2 fever we rushed Her back to the hospital again please mga kapatid help me pray for Her again ilang araw palang po shang nasa bahaybalik ospital po ulit sha ngaun. sana normal infection lang ang cause ng fever nya GOD GIVE HER MORE STRENGHT", dasal ni Andrew. 

Matatandaan na kamakailan lang ay masayang ibinahagi ni Andrew ang video na kung saan inuuwi ang kanyang asawa mula sa ospital matapos ang halos isang taon.


Karylle ibinulgar ang paglike ni Ryan Bang sa lahat ng babae

 

Ibinulgar ng Its Showtime host na si Karylle ang umanoy paglike ni Ryan Bang sa lahat ng mga babae.

Ayon kay Karylle para raw makabawi siya ay ila-like rin niya ang mga pictures ni Ryan.

"Dahil lagi kong inaasar si Ryan, I'll do something sweet para kay Ryan diba? Makabawi man lang ako, ila-like ko lahat ng picture niya. Kasi nakita ko nila-like niya lahat ng picture ng lahat ng babae, so para naman may mag-like sayo, ako na yun," sabi ni Karylle 

Matapos marining ni Ryan ang sinabi ni Karylle tungkol sa kanya ay may wish umano siya ngayong Christmas.

"Alam mo, ang wish ko ngayong Christmas, i-unfollow mo ako." 

Sumambat naman si Amy Perez na: "Sinu-sinong babae yun?" 

Hindi naman sinabi ni Karylle kung sino-sinong mga babae ang nilike ni Ryan.

Panoorin dito:


Saturday 15 October 2022

Netizens sinasabing kamukha ni Melai si Janella Salvador sa kanyang viral na larawan

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong post ni Melai Cantiveros sa kanyang social media account.

Pinuri ng ilang netizens ang ganda ni Melai sa kanyang post.

"Goodnight Everyone ," saad ni Melai sa kaniyang post.

May ilang netizens rin ang nakapansin na tila kahawig raw ni Melai ang actress at gumanap bilang Valentina sa "Darna" na si Janella Salvador.

"Akala ko si Janella Salvador (unang tingin) ikaw lang pala yan Melai " komento ng isang netizen.  

Magkahawig ba? Ano sa tingin niyo mga ka-tabloid.

Narito ang kanyang post:


Friday 14 October 2022

Bagong video ni Pambansang Kolokoy kasama si Mystica viral sa social media

 

Viral ngayon sa social media ang bagong video nina Mystica at ng kilalang vlogger na si Pambansang Kolokoy.

Matatandaan na kamakailan lang ay nagviral ang video nilang dalawa na kung magkasama sila sa isang bar.

Samantala sa bagong video naman na ipinost ni Pambansang Kolokoy sa kanyang vlog ay nagkaroon ng kolaborasyon sina Pambansang Kolokoy at Mystica.

Nagmukhang ang dalawa sa kanilang bagong video.

Isa sa mga highlight sa nasabing video ay nang tanungin ni Pambansang Kolokoy si Mystica kung magiging leading man siya nito ay paano raw humalik ang isang Mystica.

Panoorin dito ang buong video:


Dimples Romana nagreact bilang "Daniela" sa pagbabalik skwela ni Francine

 

Viral ngayon sa social media ang reaksyon ni Dimples Romana sa pagbabalik skwela ni Francine Diaz.

Sa kanyang post sa instagram kamakailan lang, ibinahagi ni Francine ang kanyang larawan sa first day ng kanyang pagbabalik sa skwelahan.

“First face-to-face class this year! Felt like a first-timer. It was so nice to finally meet my classmates in person"sabi niya sa kanyang post 

Si Francine ay nag-aaral sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities (SISFU).  

Sa comment section ng post ni Francine ay kinaaliwan ng maraming netizens ang reaksyon ni Dimples Romana.

Nagreact si Dimples bilang "Daniela" sa hit serye noon na Kadenang Ginto.

"Cassssiiiieeee…. Diba sinabi ko naman sayo, hindi ka muna papasok sa…. okay okay, pumasok ka na sa school Cassie, I’m a proud ate – Daniela,"sabi ni Dimples 

Matatandaan na magkasama si Francine at Dimples sa nabanggit na teleserye sa taas.




Wednesday 12 October 2022

Cristy Fermin sinasabing nagsanga-sanga raw ang isip ng Publiko dahil sa lolo ni Cornejo

 

Tinalakay ni Cristy Fermin sa kanyang online show na Cristy Ferminute ang tungkol sa personal na opinion ng lolo ni Deniece Cornejo na si Atty. Axel Gonzales.

Matatandaan na sinabi ni Gonzales sa isang panayam na na mas mabuti na magka-aregluhan na lang umano ang kampo nina Vhong at Deniece.

Kaya sa kanyang show ay nagbigay ng komentaryo si Fermin kaugnay sa pahayag g lolo ni Deniece.

"Pero nagkaroon ng pagsasanga-sanga ang pag-iisip ng ating mga kababayan dahil 'yung lolo ni Deniece...." sabi ni Fermin 

“Dalawang magkasangang opinyon po ang naririnig namin ni Romel at marami pa naming kasamahan. Una, maaari nga po siguro na matindi ang concern ng lolo ni Deniece sa kanya. Na habang tumatakbo po kasi ang kasong ito, kakambal po ang mga bintang at kung ano-anong masasakit na salita laban sa kanyang apo. Sa kabilang banda naman, iniisip ng iba na, 'Naku, mukhang may ibang inaasinta itong lolo ni Deniece. Mukhang ang gusto niya ay magkaayos na lamang 'to.' Parang amicable settlement, ganu'n ba 'yon?”sabi pa ni Fermin 

"Ngayon, iniisip naman ng iba nating mga kababayan, 'Naku ang lolo ni Deniece, mukha atang may kakaiba naman na pinaplano tungkol dito.'" saad pa niya

 "Hindi po natin alam, hanggang sa sapantahan lang po at pag-aalala at pag-aagam-agam ang ating magagawa. Hindi po natin alam kung talagang ano ang tinutukoy ng lolo ni Deniece tungkol sa balitang ito.” sey pa ni Fermin



ABSCBN FILMS nagsalita na kaugnay sa viral na rebelasyon ni Rhys Miguel

 

Nagsalita narin sa wakas ang ABSCBN Film Productions Inc kaugnay sa viral na pasabog ni Rhys Miguel tungkol sa actor na si Patrick Quiros.

Inakusahan kasi ni Rhys si Patrick na umanoy minolestiya siya sa isang taping.

"I woke up in the morning. Nu'ng nagising ako, malambot 'yung hotdog ko, jinaj***l niya 'yung malambot na hotdog ko, kini-kiss kiss niya ako. Nu'ng nagising ako, hinabol-habol ko siya."sabi ni Rhys sa kanyang live sa instagram 

Sa kabilang banda ay naglabas na ng pahayag ang  ABSCBN Film Productions Inc kaugnay sa mga binibitawang salita ni Rhys.

Sabi ng ABSCBN FILM: 

"Contrary to the claims made by Rhys Miguel on 11 October 2022, ABSCBN Film Productions Inc. (AFPI) immediately conducted an investigation upon receiving his complaint in December 2020 and swiftly appropriate action to protect the rights of everyone involved.

"AFPI takes these matters seriously. The safety , dignity, and privacy of our people are our utmost priority."




Tuesday 11 October 2022

Ex PBB housemate Rhys Miguel ibinunyag ang umanoy pangmolestiya ni Patrick Quiroz sa kanya

Matapang na ibinunyag ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Rhys Miguel ang umanoy pangmomolestiya sa kanyang ng actor na si Patrick Quiroz sa kanya.

Sa kanyang instagram live na ngayon ay deleted na ay idenetalye mi Rhys ang nangyari.

"I woke up in the morning. Nu'ng nagising ako, malambot 'yung hotdog ko, jinaj***l niya 'yung malambot na hotdog ko, kini-kiss kiss niya ako. Nu'ng nagising ako, hinabol-habol ko siya." bahagi ng sinabi ni Rhys

Pwede mong panoorin ang buong video dito na ipinost ng Gossip website na Fashion Pulis: http://www.fashionpulis.com/2022/10/insta-scoop-rhys-miguel-reveals-patrick.html?

 
Si Rhys Miguel ay unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother. 

Kabilang rin si Rhys sa seryeng He's Into Here na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Angelica itinuring na kayamanan ang Breastmilk

 

Itinuring ng kapamilya actress na si Angelica Panganiban na kayaman ang kanyang breastmilk.

Sa kanyang post sa instagram, ay ibinahagi ng actress ang mga bote ng breastmilk para sa kanyang baby Amila Sabine.

"Mga kayamanan ko lately, bukod syempre sa anak ko," caption ni Angelica sa post kasabay ng mga bote ng breastmilk 

Pinusuan rin ito ng ilang celebrities at isa na rito ay ang actress na si Chyna Ortaleza asawa ng opm artist na si Kian Cipriano.

"Yehey madaming stash...baka may ibang babies na ma bless din," komento ni Chyna

"Im sure aabot ito sa kanila kapag confident na ko sa feeding routine ni bean palakas siya ng palakas kumain. Parang naamoy niya kapasidad bg d3de ko."sagot ni Angelica



Vhong Navarro hindi nagpasok ng "Plea" sa arraignment ng kasong isinampa ni Cornejo

 

Pinili ng kampo ni Vhong Navarro na hindi na magpasok ng "Plea" sa arraignment ng kasong r@pe na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Navarro.

Ngayong araw October 11, naganap ang arraignment sa nasabing kaso ni Vhong sa Taguig RTC Branch 69. 

Ang abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga ang personal na pumunta sa RTC samantalang si Vhong ay umattend via "videoconferencing".

Dahil sa hindi pagpapasok ng "plea" ni Vhong, automatic na nagpasok ang korte ng "not guilty plea" para sa aktor.

Samantala, hindi naman pinayagan na dumalo si Deniece Cornejo sa arraignment sa pamamagitan ng videoconferencing habang hindi rin siya nagpakita sa korte ng personal.

Kasalukuyan naman ngayong naka-detain si Vhong sa NBI Detention Center sa Manila.


Monday 10 October 2022

Regine sinopla ang basher matapos sisihin si Ogie sa kanyang pagkaaksidente

 

Di mapigilang soplahin ni Regine Velasquez ang basher matapos sisihik ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid matapos hindi siya agad naalalayan nito nang mawalan siya ng balanse.

Kwento ni Regine, masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ito inaasahan ni Ogie na mangyari.

Matatandaan na nawalan ng balanse si Regine habang nagsasalita pagkatapos ng performance nila para sa birthday celebration ng co-host niya sa “Showtime” na si Jhong Hilario.

"Wait ano ba akala mo sa asawa ko si SpiderMan? everything happened so fast at pano nya ma anticipate na mahuhulog ako eh bakatayu lang naman ako."sabi ni Regine 

"You guys have to STOP blaming him and yes YOU are blaming him." Dagdag pa niya 

Nagpasalamat naman si Ogie na safe si Regine sa nangyari.

"Ty lord!!! Glad wifey is safe. She lost her balance while we were doing a spiel during a performance for the bday of the Father of @jhongsample  she is ok and safe." sabi ni Ogie sa kanyang tweet 



Sunday 9 October 2022

Cristy Fermin sinasabing tapos na raw ang proseso ng gamotan ni Kris Aquino

 

Ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanyang online show na tapos na raw ang proseso ng gamutan ni Kris Aquino sa Amerika.

Ito ang inilahad ng source ni Cristy na tinalakay niya sa kanyang show na "Showbiz Now Na".

"At kinukumpirma po ng aming mga sources na nasa LA na po talaga si Kris Aquino. Doon na po muna sila titira ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby at doon na raw muna siya magpapagaling."sabi ni Fermin 

So ibig sabihin, tapos na 'yung misyon at proseso sa Houston... Alangan namang magpabalik-balik pa siya from California to Texas"dagdag pa niya 

"Noon kasi, sobra ang pagwo-worry at pag-aalala ng sambayanang Pilipino. 'Yung kanyang itsura, pagka-payat payat. Tapos kung ikwento pa niya 'yung kanyang sakit, padagdag nang padagdag... Kaya ang daming nagtataka ngayon. Bakit mula doon, nandito na ngayon sa LA. Parang ang bilis," kwento pa ni Fermin

"Kung sakali man po na siya ay nakaligtas na sa ipinag-aalala nating sakit, lahat tayo maligaya pero kailangan ng paliwanag," sambat pa ng beterang columnist

Narito ang video:


Chad Kinis sobrang malungkot matapos masira ang kanyang palay dahil sa bagyo


Labis ang kalungkutan ng komedyanteng siya Chad Kinis matapos masira ang kanyang palayan matapos manalasa ang bagyong karding ilang linggo na ang nagdaan.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Chad na dahil sa bagyo ay kunti nalang ang kanilang naani.

"Sa kasamaang-palad po sa lakas ng bagyo, nakakalungkot man po, pero nakakuha lang po yata kami ng 28 sacks ng palay. Inaasahan po namin ilang daan sana," kuwento niya.

Malungkot man si Chad umaasa naman siya na maging maayos abg mga susunod niyang ani.

"Nakakalungkot lang po isipin ng dahil sa bagyo ay nasira din po ang ani namin ng palay. Nakakalungkot man pero wala tayong magagawa sa ganyang bagay, ganoon talaga siguro. Bawi na lang next time at sana sa susunod na ani, maganda na at maging prosperous at bountiful harvest," aniya.

Panoorin dito:


 Richardson dela Cruz o mas kilala sa kanyang stage name na Chad Kinis ay isang kilalang komedyante at youtuber.

Una siyang nakilala ng sumali siya sa Miss Q and A ng Its Showtime. Bigo man siyang makakuha ng award ngunit ito ang naging daan niya para sumikat.


Video ni Chie Filomeno na ginawang "Fashion Run Way" ang Pedestrian Lane viral

 

Viral ngayon sa social media ang video ng actress na si Chie Filomeno matapos nitong rumampa sa kalsada.

Sa video makikita na tila ginawang fashion runway ni Chie ang pedestrian lane.

Marami namang netizens ang namangha sa ganda ng dating ng actress.

"ganito ba mag reels?" caption ni Chie sa kanyang post 

Narito ang video:


Si Chie Filomeno at kilalang dancer, actress, model, social media personality sa Pilipinas.

Si Chie ay isa sa mga miyembro ng Dance Group na Girlfriends.

Nag-appear din si Chie saga pelikula at teleserye gaya ng Princess Dayasaree, Love Thy Woman, Cant Help Falling In Love at marami pang iba.

Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...