Wednesday, 27 July 2022

Ruru Madrid umaming hindi nila kayang patumbahin ang "Ang Probinsyano"

 

Inamin ng "Lolong" star ng GMA Network na hindi nila kayang patumbahin ang "FPJ's Ang Probinsyano" ng kapamilya network na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa isang panayam sinabi ni Ruru na malaki ang respeto niya kay Coco at sa mga bumubuo ng Ang Probinsyano.

"Mataas po ang respeto ko sa lahat ng bumubuo ng 'Ang Probinsyano', lalo na po si Sir Coco Martin. Ang hangad lang po naming mga artista ay makapagbigay ng magandang palabas para sa mga Pilipino na maipagmamalaki natin sa buong mundo," banggit ng aktor.

Ayon pa kay Ruru, hindi sya naniniwalang ang "Lolong" ang 'nagpatumba' sa 7-taong pamamayagpag ng FPJAP.


"To be honest, I wouldn't say na ang 'Lolong' ang nagpatumba sa 'Ang Probinsyano' dahil kakasimula pa lang po namin at sila po ay umere ng 7 years kung saan tinutukan at sinubaybayan din po sila ng sambayanang Pilipino," sabi ni Ruru


No comments:

Post a Comment

Sam Milby nagsalita na kaugnay sa hiwalayan nila ni Catriona Gray

  Inilahad ng actor na si Sam Milby na wala umanong 3rd party sa hiwalayan nila ng beauty queen na si   Catriona Gray. $ads={1} ...