Wednesday, 6 July 2022

Franchise Renewal Bill ng ABSCBN muling inihanin ng makabayan Bloc

Muling inihanin ng Makabayan bloc ang panukala para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, ilang araw lang matapos ang panunumpa ni Pres. Bongbong Marcos. 

Maalala na noong May 5 2020 tuluyan ng nawalan ng prangkisa ang ABSCBN.


Dahil sa pangyayaring iyon ay nawalan din ng trabaho ang 11,000 na empleyado ng nasabing istasyon.

Matatandaang din na dati na ring napasara ang naturang media outlet noong panahon ng martial law sa ilalim ng panunungkulan ng kaniyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

"This is a challenge for Congress to defy the rising tyranny, to stand for freedom and democracy. Thus, urgent passage of this bill is sought," sabi nina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel sa explanatory note ng House Bill 1218.


Photo Credits from News5 



No comments:

Post a Comment

Inigo Pascual pinalapit si Sam Milby kay Catriona; Catriona deadma?

  Photos: alaniliwiliw/Tiktok Mabilis na nagviral sa social media ang isang video na kung saan makikita na pinalapit ni Inigo Pa...