Sunday 31 July 2022

Reaksyon ni Gerald Anderson sa post ni Rayver kasama si Julie Anne usap-usapan

 

Usap-usapan ngayon sa social media abg reaksyon ni Gerald Anderson sa post ni Rayver Cruz kung saan kasama nito ang rumored girlfriend niyang si Julie San Jose.

Sa post ni Rayver sa kanyang instagram, ibinahagi ni Rayver ang larawan nila ni Julie Anne sa naganap kamakailan na GMA Gala Night.

Sa comment section ng nasabing post ay kapansin-pansin ang komento ni Gerald.


Pabirong nagkomento si Gerald sa nasabing post ni Rayver ng: ""Tayo dati ang magkasama. iba na talaga ang the king .. @rayvercruz" 

Sumagot naman si Rayver ng: "@andersongeraldjr HAHAHAHAHAHA BROTHER MISS YOU HANAP KA NI MR M," 



Vice Ganda ibinahaging naiyak siya kay Herlen Budol habang nanood ng Binibining Pilipinas

 

Ibinahagi ng komedyanteng si Vice Ganda na naiyak raw siya kay Herlene Budol habang nanood siya ng Binibining Pilipinas kagabi.

Sa kanyang tweet post, ibinahagi ni Vice na naiyak siya para kay hipon.

Inamin rin ni Vice na mahal niya ito.

"E ung naiiyak ako para kay Hipon! Waaaahhh! Love u Herlene! #BinibiningPilipinas" sabi niya 

Kapansin-pansin na tinitweet ito ni Vice kasunod ng Q&A.



Dating President Fidel Ramos pumanaw na

 

Pumanaw na si Dating President Fidel Ramos.

Sa ngayon ay wala pang detalye kung ano ang sanhi ng pagpanaw ni Ramos.


Si Ramos ay pumanaw sa edad na 94.

Si Ramos ang ika-12 na presidente ng bansa. Siya ay nagsilbi sa bansang ito mula 1992 hangang 1998.

Rest in peace former president!


Saturday 30 July 2022

Nagkabati na? Juliana ibinahaging nagkachat sila ni Vice Ganda

 

Sa showbiz update vlog ni Ogie Diaz ay ibinahagi ni Juliana Segovia na nagkachat sila ni Vice Ganda.

Nagpasalamat raw si Julia kay Vice dahil sa pagkabanggit nito ng kanyang pangalan sa sa opening ng Miss Q&A sa Its Showtime.

"Nabinaggit ako ni Meme sa Showtime, so nag-message ako sa kanya…nag-thank you ako sa kanya. At nag-reply siya na deserved ko naman,” sabi ni Juliana


“Ayun para okay naman na ang lahat,” dagdag pa nito 

Maalala na si Juliana ay ang kauna-unahang big winner ng Miss Q&A.




Panoorin: Video ng bonngang proposal ni Arjo kay Maine viral na

 

Viral ngayon sa social media ang video ng bonggang proposal ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

Sa video na ibinahagi ni Liz Uy makikita na talagang pinaghahandaan ni Arjo ang kanyang pagpropose.

Mala-fairytale ang dating ng proposal ni Arjo 

Makikita rin na may pa-fireworks si Arjo matapos nitong matanggap ang matamis na yes ni Maine.


Kaya naman maraming netizens ang sabay-sabay na napa-sana all sa nasabing video.

Panoorin dito:


Juliana sinasabing in-unfriend siya ng ilang mga taga-showtime

 

Ibinunyag ni Juliana Segovia na sa panayam niya kay Ogie Diaz na in-unfriend umano siya ng mga ilang taga-showtime.


Kaya sabi niya, hindi na raw siya umaasa na maging bahagi ng pagbabalik ng Miss Q&A.

Sa nasabing panayam ay tinanong siya ni Ogie via video call kung ano ang feeling niya na hindi siya nakasama sa opening teaser ng Miss Q & A.


Aniya ine-expect niya na raw ito at hindi na siya umaasa.

“Parang in-expect ko naman na. Parang hindi na rin naman na ako umasa.” 

"Na-confirm ko kasi, nu'ng una kasi puro chika-chika lang na babalik ang Miss Q&A. So nu'ng nag-message sa'kin si Lars, tinatanong niya kung kasama ako ng Monday sa opening prod, du'n ko na-confirm na meron pala talaga na Miss Q&A na babalik. So sabi ko, 'Hindi, hindi ako nasabihan'.” 

“And then tinanong din ako ni Matmat kung kasama ako. Sabi ko, 'Hindi, hindi rin ako nasabihan.' So, sabi ni Matmat hindi nga rin siya na-advice. Hindi rin siya na-invite, parang ganu'n.” 

Naibahagi rin ni Juliana ang umanoy pag-unfriend sa kanya bg ilang taga Its Showtime.

"Pero ako kasi, parang feeling ko, hindi na rin ako umasa na magiging part ako ng season 3 kasi may ilang mga taga-showtime na in-unfriend na rin ako. Ibang mga staff, mga ano, so feeling ko hindi na rin talaga mangyayari.” 

Panoorin: Brenda Mage ibinida ang kanyang PBB inspired na bagong bahay

 

Ibinida ng komedyanteng si Brenda Mage ang kanyang bagong bahay na PBB inspired.

Ayon kay Brenda, bunga raw ito ng kanyang pagsisikap, pag-iipon at pagsisipag dahil matagal na raw niyang gusto na magkaroon ng sariling bahay.

"Natapos din ang house warming charot charot… first night here sa bahay… di na ko makapag-video and live kasi nagloloko ang wifi kanina’ yun pala mali ng kabit ng kable grrrrrrr… Anyway bukas na tayo mag-update-update napagod ang lola n’yo hehehehehe" sabi ni Brenda 


Samantala may mensahe rin si Brenda sa kanyang mga basher: "Morning.. First day sa bahay.. Thank you Lord. Hala labas bashers dahil pangit ng kulay hahahaha…,” sabi ni Brenda

“Okay obviously inspired by PBB siya because being a housemate ay napakalaking tulong nito para makapagpagawa ng bahay… at lahat ng binagsak sa akin na BBS at BBE diyan galing ang pagpapagawa ko… And I thank you,” dagdag pa niya



Friday 29 July 2022

Sylvia Sanchez winelcome na si Maine sa kanilang pamilya kasunod ng pagpropose ni Arjo

 

Winelcome na ni Sylvia Sanchez ang actress na si Maine Mendoza sa kanilang pamilya.

Kasunod ito ng pagpropose ni Arjo Atayde kay Maine. 

Sa nasabing proposal ay naging emosyonal si Sylvia Sanchez sa naganap na engagement ng anak.

Ibinahagi ni Sylvia sa kanyang instagram ang ilang larawan nila kasama si Maine 


"He asked Her and She said, YES!!! Finally!! Welcome to the family, Maine. Thank you for loving my son. Love you Nak," ani Sylvia.

"I promise that I will take care and love you as my own Daughter," dagdag ng veteran actress.


Kapatid ni Aj Raval susugurin si Aljur kung sakaling mabuntis si Aj at hindi niya panindigan

 



Susugurin raw ni Vanessa Raval kapatid ni Aj Raval ang actor na si Aljur Abrenica kung sakaling mabuntis raw niya ito at di niya panindigan.

Sa isang panayawam ay natanong kay Vanessa ang tungkol sa rumor na umanoy buntis si Aj.

Alam raw ni Vanessa na hindi buntis si Aj dahil natanong na raw niya ito.

Peru kung sakaling mabuntis raw ito at hindi panagutan ni Aljur ang kanyang ate ay susugurin niya raw ito sa kanilang bahay.


"Basta naanakan niya yung ate ko, panindigan niya maging mabuti siyang ama kasi pag hindi niya pinanindigan yun susugurin ko siya sa bahay niya, s***nugin ko yung bahay niya" sabi ni Vanessa



GMA Head Writer sinasabing gimik lang ang pagtatapos ng Probinsyano para balikan ng audience

 

Naglabas ng kanyang prangkang opinyon ang GMA headwiter na si Suzette Doctolero kaugnay sa nalalapit na pagtatapos ng Ang Probinsyano.

Sa isang post ay nagkomento si Suzzette. Aniya gimik lang daw ang pagtatapos ng Ang Probinsyano para umano balikan ito ng Audience.

Sabi pa niya style raw nila ito kung bagsak ang ratings.

Narito ang buong komento ni Suzzette: 

"Ay pinataob niya ang encantadia? Hindi. Lumalaban sa ratings ang enca at madalas ay natatalo nya ang probinsyano kaya unang nag announced noon ang probinsyano na sila ay magwawakas na (2016) pero nanloloko lang pala at hindi naman totoo at gusto lang balikan sila ng audience. 


"Gumigimik. Sa totoo lang ay style nila yan na kapag bagsak sila sa ratings ay gigimik sila na magwawakas na pero hindi pala. 

"Susko since 2016 pa ay nagsasabi sila lagi na mag e end na pero nanloloko. Ayaj na naman sila, porke nilalapa sila ng Lolong. Asus tigilan ako. 

"Also, at this point, pinakamatagal pa ring soap ang Daisy Siete na umabot ng 7 years. Tigilan ako! Hahaha Char"




Bonggang proposal ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza nagviral

 

Viral ngayon sa social media ang bonggang proposal ni Arjo Atayde sa kanyang girlfriend na si Maine Mendoza.

Sa post ni Arjo makikita na maraming puting bulaklak.

Kitang-kita rin sa larawan ang malaking nakasulat sa na "Will You Marry Me".

Marami namang netizens ang kinilig sa nasabing pagpropose ni Arjo kay Maine.


Samantala sa post naman ni Ria kapatid ni Arjo ay makikita na mala-fairytale ang dating sa proposal ni Arjo kay Maine.

Tingnan dito:



Congrats! Maine Mendoza at Arjo Atayde engaged na

 

Engaged ang celebrity couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Sa post ni Maine sa instagram ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Arjo na na makikita sa backgroud na tila nasa isang romantic place ang dalawa.

Kita sa larawan ang engagement ring ni Maine na bigay ni Arjo. 

"Wait, whaaaat??? We’re engaged?!" sabi ni Maine sa kanyang post 


Hindi na nagbigay ng ilang detalye pa si Maine kaugnay sa pagpropose ni Arjo.

Samantala inulan naman ng congratulatory message ang nasabing post ni Maine mula sa kanilang mga fans, kaibigan at mga kakilala sa showbiz.



Panoorin: IG live ni Aj Raval para patunayang hindi siya buntis viral na

 

Viral ngayon sa social media ang IG Live ni AJ Raval para para patunayang hindi siya buntis.

Makikita sa video na nagpamake-over si AJ sa kanyang hairstylist.

“Shoutout sa inyong lahat!” sabi niya “Huwag na kayong masyadong nagpapaniwala sa tsismis... Tsaka kahit anong gawing eksplanasyon, ‘yung mga galit lang naman ang maniniwala du’n" 


Una ng itinanggi ni Aj na hindi siya buntis sa Frontline Pilipinas.

Unang naging usap-usapan ang nasabing isyu matapos kumpirmahin ni Cristy Fermin na umanoy nagdadalangtao si Aj.

Panoorin dito:


Thursday 28 July 2022

Marcoleta naghain ng resolusyon para paimbistigahan ang umanoy violation ng ABSCBN

 

Hindi pa rin tinatantanan ni Rodante Marcoleta ang ABSCBN.

Naghain siya ng resolusyon para imbestigahan ang umanoy mga nilabag sa batas ng nasabing network. 

Wala pa man ang kopya nito para sa unang pagbasa nito sa plenaryo, nakalathala naman ang mga impormasyon nito sa website ng Kongreso.


"A resolution directing the appropriate committee of the House of Representatives to conduct an investigation, in aid of legislation, to determine the alleged violations of ABS-CBN with respect to its franchise and the imposition of concomitant administrative fines as a result thereof by the National Telecommunications Commission,"  nakasulat sa website 

Source: CNN Philippines 


Barbie Imperial ibinahaging ayaw na niyang balikan ang kanyang mga Ex


Ibinahagi ni Barbie Imperial sa kanyang vlog na hinding-hindi na niya babalikan ang kanyang mga ex.

Matatandaan na ang mga naging boyfriend na Barbie ay sina JM de Guzman, Paul Salas,  Ryle Santiago at ang huli ay si Diego Loyzaga.

“Wala. Wala akong gustong balikan sa mga exes ko,” she said. “Ako kasi, after kami maghiwalay [ng mga ex ko], usually may bago na silang girls.

"Ako ‘yung tipong, ‘If natikman mo na ‘yung ibang babae after sa akin, bakit ka babalik sa akin? 


"Porke’t hindi masarap ‘yung ulam na natikman mong bago, babalik ka sa ‘kin? Panindigan mo ‘yan! Iyan ang pinili mo, ‘diba? Sinayang mo ako, so huwag ka na.’”




Engaged na? Netizens nagreact sa singsing na suot ni Angeline Quinto

 

Mabilis na nagviral sa social media ang bagong post ni Angeline Quinto sa kanyang social media account.

Maraming netizens kasi ang nakapansin sa suot na singsing ni Angeline.

Pinaghihinalaan kasi ng ilang netizens na umanoy engagement ring ang suot ni Angeline.

Samantala ang nasabing larawan na ipinost ni Angelinr ay kuha sa kanilang masayang bakasyon.

Sabi pa niya sa kanyang post:


"much fun at @lostvillaquezon with my family!  I'm grateful that we got to spend a happy and relaxing time for @babysylvio ‘s first out of town trip! Of course, thank you very much to Lost Villa for being so accommodating!"


Lolit Solis pinasalamatan si Jane de Leon dahil sa tulong nito nang ma-ospital siya




Pinasalamatan ni Lolit Solis ang Darna Star na si Jane de Leon matapos nitong padalhan si Lolit sa ospital.


Natouch raw si Lolit dahil kahit hindi sila magkakilala ay binigyan siya nito.

"Gusto ko mag thank you kay DARNA, Jane de Leon, Salve. Pinadalhan niya ako ng something sa hospital, kahit hindi pa kami personal na magka kilala.

"So touching para sa akin dahil nag effort siya, at talagang nasa utak ko iyon gesture niya na ginawa. 


"Nagagandahan ako kay Jane de Leon ng mapanuod ko sa TV, malakas ang screen presence niya, maganda ang boses niya, at palagay ko magiging malaki siyang star. Big project ang Darna na pag binigay mo sa isang baguhan will really stir interest. 

"Tiyak na magiging important star si Jane de Leon. At itong ugali niya na nagri reach out isang malaking plus factor sa isang artista na tulad niya. Thank you Jane, well appreciated  salamat" sabi ni Lolit

Wednesday 27 July 2022

Ruru Madrid umaming hindi nila kayang patumbahin ang "Ang Probinsyano"

 

Inamin ng "Lolong" star ng GMA Network na hindi nila kayang patumbahin ang "FPJ's Ang Probinsyano" ng kapamilya network na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa isang panayam sinabi ni Ruru na malaki ang respeto niya kay Coco at sa mga bumubuo ng Ang Probinsyano.

"Mataas po ang respeto ko sa lahat ng bumubuo ng 'Ang Probinsyano', lalo na po si Sir Coco Martin. Ang hangad lang po naming mga artista ay makapagbigay ng magandang palabas para sa mga Pilipino na maipagmamalaki natin sa buong mundo," banggit ng aktor.

Ayon pa kay Ruru, hindi sya naniniwalang ang "Lolong" ang 'nagpatumba' sa 7-taong pamamayagpag ng FPJAP.


"To be honest, I wouldn't say na ang 'Lolong' ang nagpatumba sa 'Ang Probinsyano' dahil kakasimula pa lang po namin at sila po ay umere ng 7 years kung saan tinutukan at sinubaybayan din po sila ng sambayanang Pilipino," sabi ni Ruru


Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...