Saturday 30 April 2022

Janella Salvador at Markus Paterson hiwalay na raw ayon sa narinig ni Ogie Diaz

 

Sa Showbiz update vlog ng komedyanteng si Ogie Diaz ay napag-usapan nila ang tungkol sa isyu na umanoy hiwalay na sina Markus Paterson at Janella Salvador. 

Napag-usapan nina Ogie at kasama niyang si Mama Loi ang napansin ng netizens na wala na umanong update ang dalawa sa kanilang instagram account na kung saan sila ay MAGKASAMA. Last raw na post nila na magkasama ay noon pang January.


“Walang together (Picture) si Mommy at Daddy with bagets, January 01 new year pa yung last, Kaya ang daming nagtatanong kung Janella Salvador at Markus Paterson hiwalay na?,” tanong ni Mama Loi. 

Dito na ibinunyag ni Ogie na may narinig raw siya na matagal nang hiwalay sina Janella at Markus.

“Ang narinig ko lang Loi, ang narinig ko lang ay matagal nang hiwalay si Janella Salvador at si Markus Patterson. Hindi naman taon, mga ilang buwan na,” 

“Narinig ko ito Loi na medyo itong si Janella Salvador ay nagkakaroon ng problema kay Markus Patterson,” pagsisiwalat ni Ogie D.

“Narinig ko ito Loi na medyo itong si Janella Salvador ay nagkakaroon ng problema kay Markus Patterson,” pagsisiwalat ni Ogie D.

Narito ang video:


Friday 29 April 2022

Baron Giesler masayang ibinahagi na gumraduate na siya ng College: "Its Never too late"

 

Masayang ibinahagi ng actor na si Baron Giesler na siya ay gumraduate na sa wakas ng college.

Sa kanyang post sa instagram, ay proud na proud ang actor na ibinahagi na sa wakas ay natupad narin ang isa sa kanyang pangarap na itinuring niyang isang biggest achievement na nangyari sa kanyang buhay.


Ang nasabing graduation ng actor ay naganap nito lamang April 26 sa All Nations College sa Antipolo, Rizal. 

Si Baron ay gumraduate sa kursong Theology sa edad na 39.

“It’s never too late.My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord!” sabi ni Baron sa kanyang post sa Instagram 



Lolit Solis may matinding banat sa kakapanganak lang na si Angeline Quinto: "KSP"

 

May matinding banat si Lolit Solis sa kapapanganak lang na singer na si Angeline Quinto.

Ayon kay Lolit parang KSP raw ang dating sa mga post ni Angeline.

"Ewan ko...pero parang KSP o kulang sa pansin ang dating sa akin ng mga gimmick ni Angeline Quinto. Hindi mo alam kung ano ba ang gusto niya maging reaction ng tao sa mga posting niya ng pre at after delivery moments niya."


Ayon pa kay Lolit, tila hindi na raw interesado ang mga tao sa buhay ng singer.

 “Parang hindi naman ganuon ka excited ang tao sa mga nangyayari sa buhay niya, kaya hindi mo feel kung ano ba ang purpose na lagi niya inilalagay sa social media iyon mga kaganapan sa buhay niya. Baka naman hindi ko lang napupuna, pero parang 'so what ' naman ang dating ng mga nakakapanuod ng mga posting niya," paliwanag niya.

Tinawag pang cheap ni Lolit si Angeline.

“Pag sobra kasing trying hard, mukhang cheap di ba? Kasi kung talagang newsmaker ka ikaw ang hahabulin ng news, hindi ikaw ang nagbibigay nito. Kahit iyon mga pictorial niya ba buntis siya, parang so, so lang ang dating, hindi pinag usapan. Kung ako si Angeline Quinto, hintayin mo na ikaw ang lapitan para sa news, hindi iyon gumagawa ka ng news. Very cheap ang dating di bah! Hindi bongga,” aniya pa.



Thursday 28 April 2022

ABSCBN reporter hinangaan matapos magpa-free hug sa isang palaboy

 

Maraming netizens ang natuwa at humanga sa bagong ABSCBN news reporter na si Izzy Lee matapos siyang walang kaarte-arteng nagpayakap sa isang palaboy habang naghahanda siya sa kanyang report.

Sa kanyang post sa twitter ibinahagi niya  ang larawan kung saan lumapit sa kanya ang nasabing palaboy at yumakap sa kanya.

"So this happened at work today. A free hug,” sabi ni Lee sa kanyang tweet na agad umabot ng libo-libong retweet at libo-libong likes.


Kaya naman umani ng mga positibong komento ang nasabing reporter.

Ayon sa ilang netizens: 

'She trusted you and found comfort, they're usually fearful and distrustful of strangers. They shun any social contact Biglang akong nag follow nang makita ko 'tong post!"

"Bihira ang ganitong tao na walang ka arte arte at hindi alam na maganda s'ya! Fan mo na'ko mula ngayon! More power and Godbless you" 



Congrats! Angeline Quinto isa ng ganap na ina

 

Nanganak na ang singer ng kapamilya singer na si Angeline Quinto.

Sa kanyang post sa instagram nito lamang April 28, ibinahagi ni Angeline ang kanyang larawan na karga-karga ang kanyang baby.


Kitang-kita sa larawan ang saya ni Angeline ng makarga na niya ang kanyang baby matapos siyang manganak.

"Motherhood. UNLOCKED!" sabi niya sa caption ng kanyang post 

Sa kanyang nakaraang post kahapon ay ibinahagi ng singer ang kanyang labor day.

Congrats Angeline Quinto at sa daddy ng kanyang anak.



Wednesday 27 April 2022

Labor Day! Angeline Quinto manganganak na

 

Nagbahagi ng update ang singer na si Angeline Quinto sa kanyang mga fans kaugnay sa journy ng kanyang pagbubuntis.

Nito lamang Miyerkules ng hapon, ibinahagi ni Angeline sa kanyang instagram ang larawan habang papunta siya sa ospital at habang nasa pre-labor ng isang ngunit hindi na nito binanggit kung anong ospital ito.


Makikita sa isang larawan ni Angeline na sinulatan ang kanyang tiyan ng "Ready to pop" habang ang isa ay makikita na may suot siyang oxygen mask.


Si Angeline Quinto ay kilalang singer dito sa Pilipinas. Naging winner si Angeline ng 
Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar noong 2011. Sa ngayon ay kasalukuyang minamanage si Angeline ng Star Magic at KreativDen.


Sunday 24 April 2022

Lyca Garainod di mapigilang maging emosyonal habang pinagmasdan ang kalagayan ng kanyang ama

 

Talagang hindi mapigilang maging ng dating The Voice Kids champion na si Lyca Garainod habang pinagmasdan ang kalagayan ng kanyang ama.

Ayon kay Lyca hindi raw siya sanay na makita na ganun ang kalagayan ng kanyang ama.

Hindi naman binanggit ni Lyca kung ano ang sakit ng kanyang ama.

Sa comment section ng kanyang post ay bumuhos pagpapalakas loob na mensahe ng mga netizens.

"May the Almighty God touch your father Lyca with His healing hands. Sending love and prayers"

"God is with you Ms Lyka, God is our great Physician and great Healer. Believe in Him and He will let your father be totally healed. Be strong for your Papa & for the whole family!"

" Stay strong Lyca keep praying trust him have faith nothing is impossible in god's powerfull hands.in Jesus name we declare healing. 


Wednesday 20 April 2022

Mocha Uson pumalag sa sinabi ni Toni na umanoy tahanan ni BBM ang Malacañang

 

Pinalagan ni Mocha Uson ang nagviral na pahayag ni Toni Gonzaga sa Political Rally ng uniteam sa Cebu na umanoy tahanan ni BBM ang Malacañang at malapit na raw itong makabalik.

“Konting konting panahon nalang, babalik na si BBM sa kanyang tahanan: Ang Malacañang. Kasama niya ang sambayanang Pilipino na naniniwala sa kaniya," sabi ni Toni kamakailan lang 

Kaya naman sa kanyang Tiktok ay naglabas ng saloobin si Mocha sa nasabing pahayag ni Toni.

Ayon kay Mocha hindi pag-aari ng sinumang Pangulo ang Malacañang kundi ito ay pag-aari ng taombayan.


Maging si Pangulong Rodrigo Duterte raw ay sinasabing opisina lamang umano niya ang Malacañang. Kaya naman, sana umano ay matuto si Toni kay Pangulong Duterte. 



@mochausonofficial

Ang Malacañang ay opisina hindi tahanan

♬ original sound - mochauson

Kim Chiu naiyak sa video greetings ni VP Leni sa kanyang birthday

 

Talagang di mapigilang maiyak ni Kim Chiu matapos batiin siya ni VP Leni Robredo sa kanyang birthday.

Ipinost niya sa kanyang instagram ang video greetings ni VP Leni.

Sabi ni Kim: "OMG!!!!!! Literally I am crying right now!!!!![emoji] Nakaka iyak na ang isang tao na alam ko na maraming ginagawa araw araw, doing everything for the people as a Vice President of our country and a soon to be PRESIDENT. Rally dito rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house. Personal duties as a mother at marami pang iba. 

"Grabe saludo po ako sa inyo maam and watching this video made my heart melt. [Emoji] salamat po for seeing me, for sending this video, napaka personal po ng message ninyo. Maraming maraming salamat po. truly made my birthday complete, didn’t expect this pero maraming salamat po. 


"SALAMAT DIN PO SA LABAN NA BINIBIGAY NINYO PARA SA ATING BAYAN.  Makaka asa po kayo KASAMA NYO PO AKO SA LABAN NA ITO. LABAN PARA SA ISANG GOBYERNONG TAPAT, ANGAT BUHAY ANG LAHAT. Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang TAPAT na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. 


"I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for HONEST AND GOOD GOVERNANCE. I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong PILIPINAS with you as our PRESIDENT, Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo."

Panoorin dito ang video greetings ni VP Leni kay Kim:


Tuesday 19 April 2022

Andrea Brillantes nagsalita na sa akusasyong suplada siya sa isang viral video

 

Binasag narin sa wakas ng actress na si Andrea Brillantes sa akusasyon ng ilang netizens na umanoy suplada siya at umanou nairita sa isang viral video kung saan tinanggap niya ang package mula sa isang delivery guy. 

Paliwanag ni Andrea kaya wala siya sa mood noong tinanggap niya ang package ay dahil paulit-ulit raw na sinabi ng delivery guy na tanggalin ang kanyang mask para makapag-selfie sila.

"To be honest, yes. Actually, medyo bad trip ako niyan. Una, ang kulit kasi ni Kuya na, 'Puwede po ba na walang mask, walang mask?' Sabi ko, 'Bawal po, bawal po talaga.' 


“Nag-picture siya 'tapos umulit uli siya. 'Tapos sabi ko, 'Kuya, bawal po talaga kasi, duh, 'asa pandemic pa tayo at ang dami ko pa hong work na nakasalalay na hindi ako puwedeng mag-positive.' 

“So, sabi ko kay Kuya na, ‘Kuya, bawal po talaga or else papasok na rin talaga ako,' since late naman na ako sa training ko, e,” 

@blythe Reply to @danieleyebol gow awayin nyo pa ko.pake ko? Leni padin. #fyp ♬ original sound - Andrea Brillantes

May pinagdadaanan? Kylie naiyak ng tanungin ni Vice tungkol sa 'sign' ng hiwalayan

 


Hindi mapigilang maging emosyonal ni Kylie Versoza sa isang episode ng It's Showtime matapos siyang tanungin ni Vice tungkol sa hiwalayan.

Tanong ni Vice: "Pano mo malalaman? Pag nasa isang sitwasyon ka na parang ang bigat bigat at ang hirap hirap, pano mong malalaman kung ang sitwasyon na yun ay pagsubok lamang o isa ng sign? When do you know that it's just another a challenge or it's already a sign?"  

Ayon pa kay Vice, minsan raw hindi natatapos ang isang relasyon dahil sa hindi na nila mahal ang isat-isa.

"Hindi naman laging natatapos ang relasyon dahil naubos na ang pagmamahal mo, may mga pagkakataon na kahit meron ka pang pagmamahal, kailangan mo nang tapusin ang relasyon na ito." 


At dito na tinanong na ni Vice si Kylie. Sabi niya: "Aminin niyo, nag-iisip kayo, si Kylie parang nag-isip. May pinagdadaanan ka bang challenge or may nakikita kang sign?" 

Sa halip na sagutin niya ito, ay bigla na lang naging emosyonal si Kylie. Kaya agad itong niyakap ni Vice. 

May pinagdadaanan nga ba ang relasyon nina Kylie at boyfriend niyang si Jake Cuenca? Anong masasabi mo dito.



VP Leni nagreact ng mabalitaang todo suporta sa kanya si Piolo Pascual

 

Talagang napa-react si VP Leni Robredo matapos inanunsyo ng actor na si Piolo Pascual na na siya ang sinusuportahan nito sa pagka-presidente.

Sa twitter, ay ipinost ni Piolo ang video message ni VP Leni para sa kanya. Makikita sa video na tuwang-tuwa si Leni sa pagsuporta ni Piolo sa kanya.

"Hi, Piolo, kung nanonood ka, na-conscious ako! 


"Thank you so much for the support. Siguro nakarating na sayo, even before, that I am such a huge fan. So 'yung pag-declare mo ng support, it really meant the world," sabi ni Leni 


Ricci Rivero ibinida ang girlfriend niyang si Andrea suot ang kanyang Jersey

 

Ibinida ng basketbolistang si Ricci Rivero ang kanyang girlfriend na si Andrea Brillantes sa kanyang social media account.

Makikita sa post ni Ricci sa kanyang Intagram Story na suot nito ang kanyang Jersey.

Maalala na kamakailan lang nagviral sa social media ang pagpropose ni Ricci kay Andrea.


Si Andrea Brillantes ay isang sikat na artista dito sa Pilipinas. Unang nakilala ang actress sa comedy show na Goin Bulilit.






Monday 18 April 2022

Angel Locsin sinupalpal ang DDS na bumabatikos sa pagpunta niya sa Boracay

 

Talagang di mapigilang supalpalin ni Real Life Darna Angel Locsin ang basher na bumabatikos sa pagbabakasyon niya sa Boracay.

Sabi ng basher kay Angel: "yung anti duterte ka tas binabash mo ung proj nya sa boracay pero nagpunta ka don. Nagposing posing pa HAHAHAHAHAHAHAHAH aguy na buang ang darna nyo." 

Hindi nakatiis si Angel at sinagot niya ang nasabing basher.

Aniya hindi niya kailanman pinuna ang rehabilitation project ni Pres. Duterte sa Boracay noong 2018.


Ayon pa kay Angel, sa pagkakaalam niya ay pag-aari pa rin naman ng buong Pilipinas ang Boracay kaya bukas ito para sa lahat ng Pilipino. 

"aguy...una, kelan ko binash??? [laughing emoji] and last time I checked, pag aaari pa naman ng buong Pilipinas ang bora, punta ka rin!"sabi ng actress 




Real life Darna Angel Locsin personal na namigay ng tulong sa nasalanta ng bagyo sa Leyte

 

Personal na namigay ng tulong ang tinaguriang "Real Life Darna" na si Angel Locsin sa mga nasalanta ng bagyo sa Leyte.

Sa post ng ilan netizens ay spotted ang actress na personal na nagpaabot ng tulong sa mga taga Baybay City.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na naispatan ang actress na tumulong. Maalala na laging present si Angel na nagpaabot ng tulong sa tuwing may kalamidad.


Narito ang mga larawan.



Ogie kinompronta ang PBB housemate na dinadaan-daanan lamang siya at di bumati sa kanya

 

Kinumpronta ng talent manager na si Ogie Diaz ang ang isang PBB Housemate na dinadaan-daanan lamang siya at hindi man lang daw siya binati. 

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Ogie ang naranasan niya sa isang bagohang housemate na hindi nagbigay galang sa kanya kahit magkasama sila sa trabaho.

"May isang PBB housemate, makakasama ko siya sa isang teleserye Pictorial namin, dinaan-daanan lang ako, magkasama kami sa pictorial, magkasama kami sa show," ani Ogie 


"Hindi na ako nakatiis, tinawag ko. 'Bakit di ka bumati? Ilang beses mo kong dinaanan, ako pa babati sayo eh bago ka rito diba?' 'Sorry po, nahihiya po kasi ako.' 'Nahihiya ka e di sana sinabi mo sakin, 'Nahihiya po akong bumati sa inyo.' 'Syempre, andito ka sa mundo namin at kabahagi ka na rin namin dapat lumalapit ka sa mga seniors, ikaw nagpapakilala.' Mula noon, 'yun ang nakatatak sa kanya." sabi pa ni Ogie 


Sunday 17 April 2022

Congrats! Maja Salvador engage na sa kanyang boyfriend

 

Engage na ang actress na si Maja Salvador sa kanyang boyfriend na si Rambo Nunez.

Ang masayang balita na ito ay proud na ipinost ni Maja sa kanyang instagram account ngayong easter sunday.

"My new beginning @rambonunez 💍❤️" sabi niya sa caption ng kanyang post 

Bumuhos naman ang congratulatory message mula sa kanyang mga kaibigang artista at lalo na sa kanyang nga fans.


Narito ang kanyang post(Swipe left to see all photos)


Beteranang actress na si Gloria Sevilla pumanaw na

 

Pumanaw na ang beteranang actress na si Gloria Sevilla nito lamang April 16, 2022.

Ayon sa lumabas na ulat, si Sevilla ay pumanaw habang natutulog sa Oakland, California.


Si Sevilla ay 90 taong gulang na.

Ang nakakalungkot na balitang ito ay kinumpirma ng event host at veteran broadcaster Sam Costanilla sa kanyang Facebook post.




Saturday 16 April 2022

Asawa ni Moira dela Torre nagsalita na sa isyu na umanoy hiwalay na sila

 

Binasag narin sa wakas ng asawa ni Moira dela Torre na si Jason Marvin Hernandez ang kanyang katahimikan kaugnay sa nagsilabasang tsismis na umanoy hiwalay na sila ng singer.


Sa kanyang tweet post, ay inilahad niyang hindi sila hiwalay.

“1. We’re still married

2. Hindi nangaliwa si Moira

3. We both support Ms. Leni 💕 


4. Walang [nagnakawan] ng pera

5. God is good”:sabi ni Jason sa kanyang tweet


Tuesday 12 April 2022

Robi Dominggo naglabas ng saloobin kaugnay sa viral na episode ng PBB

 

Naglabas na ng kanyang saloobin ang Pinoy Big Brother host na si Robi Dominggo kaugnay sa nagviral na episode ng PBB.

Sa nasabing episode kasi ay mali ang sagot ng PBB teens na kung saan imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora, 'Majoha' ang isinagot ng isang housemate. 


Ayon kay Robi sa una raw ay nakakatuwa ngunit habang tumatagal ay hindi na.

"Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa," sabi ni Robi sa kanyang tweet 

"Sana maging daan ito para makita kung ano ang kakulangan sa sistema ng ating edukasyon. " dagdag pa ni Robi 

Narito ang tweet ni Robi:


Ina ni Francine Diaz galit na tinalakan sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes

 

Galit na galit na naglabas ng kanyang saloobin ang Ina ni Francine Diaz laban sa inilabas na pahayag nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

Sa viral na FB post ng ina ni Francine ay inilabas niya ang galit laban kina Andrea at Seth.

“Nananahimik anak ko tigil-tigilan mo na anak ko, manahimik ka na’wag mo ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo!!!,” panimula ng ina ni Francine na si Merdick Saenz Diaz. 

“Baka magkaalaman tayo hangga’t maaari ayaw ka patulan! Puro pang-unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko, namin alang-alang sa ikatatahimik ng lahat sa tuwing nababash ka, kayo lagi ninyo dinadawit ang anak ko. Hindi porket hindi kami sumasagot at kumikibo hindi ibig sabihin na OK LANG SA AMIN!! WAG AKO ANDREA BRILLANTES!” 


Pinuna rin niya ang pagtatanggol ni Seth kay Andrea.

“At ikaw Seth sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sayo kung talagang tinuturing mong kaibigan anak ko! 

“Na walang ginawang masama sa inyong tatlo na pinakisamahan kayo nang maayos at totoo pero ano ginawa n’yo!,”  

Matapos nito ay binanatan muli niya si Andrea.

“ANDREA BRILLANTES GALIT NA GALIT KA SA ANAK KO!! na wala naman ginawa sayo! Ikaw nag-umpisa ng sasabihin mo sasagutin ko lahat ng sasabihin mo ngayon sa social media SOBRA KA NA!! 

“Hindi na ako papayag na lagi mo na lang binubully anak ko kayo! Sinong nanay at magulang na papanoorin mo na lang na lagi inaaway at binubully anak ko! Lahat ng pang-unawa at pag-iwas ginawa namin sayo, sa inyo!! Alam n’yo ‘yan!,” 




Monday 11 April 2022

Anak nina Baron Giesler at Jamie bininyagan na; Baron hindi dumalo?

 

Bininyagan na ang anak ng actor na si Baron Giesler at asawa nitong si Jamie sa Cebu.


Sa Facebook post ni Jamie, ibinahagi niya ang mga larawan sa nasabing event.

"Talitha Cumi finally gets baptized. Simple and intimate celebration with Tali's godparents. Grateful to have people who genuinely love and care for my children." sabi ni Jamie sa kanyang post 

Ngunit kapansin-pansin sa post ni Jamie na wala si Baron sa nasabing binyag.

Samantala sa post pa ni Jamie ay inilahad niyang hindi madali ang parenthood.


"Parenthood is no easy task, having a good support system is essential. I am at peace knowing they can turn to the right people for guidance when I am not around or at times when they might hate me, which is inevitable. " sabi ni Jamie 

Nagpapasalamat naman siya sa Panginoon sa blessings na kanyang natanggap.

"Thank you, Lord for blessing us much more than we deserve." sabi ni Jamie 


Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...