Friday 31 December 2021

After 28 years, Julius Babao pormal ng namaalam sa ABSCBN

 

Pormal ng namaalam ang broadcaster na si Julius Babao sa ABSCBN na naging tahanan niya sa loob ng 28 years.

Pinasalamatan ni Babao ang ABSCBN na nagbigay sa kanya ng magandang karera.

"Hindi po ito pamamaalam kundi isang pagpapahayag ng pasasalamat. Sa lahat ng aking naging kapamilya, at sa loob ng 28 taon, dito na po ako lumaki sa ABS-CBN, kung inyong mapapansin napakapayat ko pa noon. Nagkaroon ng magandang karera, nakilala ang aking magandang asawa at nagkaroon ng pagkakataong makatulong sa maraming mamamayan. 

"Hindi ko na masyadong iisa-isahin mga kapamilya, sasabihin ko nalang po sa inyo dito, sasabihin ko na lang na dito sa ABS-CBN, natupad ang mga pangarap ko sa buhay."sabi ni Babao


Thursday 30 December 2021

Ivana Alawi nagcelebrate ng birthday sa Isang 1million per night na hotel


Masayang nagcelebrate ng kanyang 25th birthday ang kilalang vlogger na si Ivana Alawi sa isang P1-million-per-night hotel villa sa Okada Manila.

Sa video na ipinost niya sa YouTube, iginala ni Ivana ang kanyang mommy Fatima at mga kapatid na sina Mona, Hash at Almira sa 1,400-square meter villa.

Ayon sa actress/vlogger, nag-book siya ng tatlong kuwarto sa hotel pero nasorpresa siya nang bigyan siya ng upgrade ng management para sa "grandest villa" nito na nagkakahalaga ng P1 milyon per night.

“Walang matutulog ha! One million ito, susulitin natin 'yung one million. Walang pipikit,” ani Ivana sa kanyang pamilya.

Mayroong limang silid, gym room, study room, entertainment area, bar area, isang malaking dining area at may direct access sa private pool ang nasabing villa.


Wednesday 29 December 2021

Sunshine Cruz pumalag sa isyu na umanoy buntis ang anak niyang si Sam Cruz

 

Talagang di mapigilang palagan ni Sunshine Cruz ang pinapakalat ngayon na tsismis sa social media na umanoy buntis ang anak niyang si Sam Cruz.

Ayon kay Sunshine, isa raw itong FAKE NEWS.

"FAKE NEWS! So easy to destroy and make fun of someone by spreading lies on social media. Piliin nyo pinaglalaruan nyo huwag yung bata o MINOR pa." sabi ni Sunshine sa kanyang post 

Isinama rin ni Sunshine sa kanyang post, ang screenshot sa mga nagpapakalat ng nasabing pekeng balita.




Tuesday 28 December 2021

Alexa Ilacad ibinida ang bigay na bouquet ng bulaklak ni Eian Rances

 

Binigyan ni Ex-PBB Housemate Eain Rances ang actress na si Alexa Ilacad ng isang bouquet ng bulaklak.

Masaya itong ibinahagi ni Alexa sa kanyang instagram stories.

May kalapip din na mensahe ang nasabing bulaklak ni Eian.

"Maglalakbay patungo sa kung saanKahit walang kasiguraduhandala-dala ang napagkasunduamna tayo lang ang may alam." mensahe Eian kay Alexa

Samanta nagpasalamat din si Alexa kay Eian dahil sa binigay nito sa kanya.





Pia Magalona hinikayat ang Apple CEO na idiretso ang donasyon kay VP Leni

 

Sa kanyang post sa twitter, ibinunyag ni Apple CEO Tim Cook na magbibigay ang kanilang company ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Pilipinas at Malaysia.

"Typhoon Rai has caused so much devastation in the Philippines and Malaysia — so many families have lost so much. Apple will be contributing to relief, recovery, and longer-term rebuilding efforts. #OdettePH" sabi ni Cook sa kanyang twitter post 

Matapos itong makita ni Pia Magalona, ina nina Maxeen at Saan Magalona ay sinabihan niya si Cook na idiretso sa Opisina ng Bise Presidente ang nasabing donasyon.

Para raw maibigay talaga ang mga donasyon sa naapektuhan ng bagyo.

"Pls make sure you send it straight to the Office of the Vice President to be sure it gets to those affected by #OdettePH. Thank you!!" ani Magalona sa kanyang post 



Sunday 26 December 2021

Ilang netizens hindi nagustuhan ang paglabas nina Kd at Alexa sa Pinoy Big Brother

 

Maraming netizens ang tila hindi nagustuhan ang paglabas nina Alexa Ilacad at KD Estrada sa PBB House.

Sila kasi ang nakakuha ng mababang boto kumpara kina Anji Salvacion, Madam Inutz at Samantha Bernardo.

Kaya naman maraming netizens ang naglabas ng kanilang saloobin sa pagka-evict nina KD at Alexa dahil anila mas deserving raw ang dalawa na magstay sa bahay ni kuya.

Sabi ng ilang netizens:

"Two of the Big 4 we deserved and we never had. WE LOVE YOU, KDLEX!"

 "The heaviest eviction ever. Two of the most loved and most talented who created a huge impact during their stay inside the house."

 "ANG IMPORTANTE THEYRE TOGETHER WHEN THEY COME OUT! Give them projects plsss." 



Friday 24 December 2021

Enchong Dee sa closeness nila ni Erich Gonzales: "Parang kulang nalang ikasal kami"

 

Ibinunyag ng kapamilya actor na si Enchong Dee  kung gaano sila ka-close ni Erich Gonzales.

Aniya sa sobrang close nila ay kulang nalang ikasal sila.

Sa isang episode ng Magandang Buhay, ay nakatanggap siya ng video greetings mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz at kanyang pamilya. 

Isa sa kanyang natanggap na greetings ay sulat galing kay Erich.

"Dear Chong, I would like to acknowledge all the small and big things that you have done in the past for me. You have been my all-in-one, my favorite leading man, friend, support system and a lot more," ani Erich 

"You will always have my love and support. Count on me on whatever and you know that" dagdag pa nito 

Matapos mabasa ni Enhong ang letter ay sinabi niya na mayasa siya kay Erich.

"It’s the same, it’s the same for Erich na ang saya. Parang kulang na lang ikasal kami kasi ’di ba… Pero ang sarap kapag may mga ganu’ng tao na tanggap ka kahit anong mangyari, ‘Nand’yan ako para sa ’yo,’ ’di ba?” sabi ni Enchong 


mo

Merry Christmas to Our Readers 2021

You must have been home for a warm family Christmas party. We wish you and your family health, happiness, peace and prosperity in the coming year.Merry Christmas to Our Readers 2021

Lots of things affected the regular update on Gadgetsin over the two weeks, but the situation will be over soon. We will still stick to posting new gadgets regularly.

Merry Christmas! May you have a great day with your family!

Image Credit

The post Merry Christmas to Our Readers 2021 appeared first on Gadgetsin.



Merry Christmas to Our Readers 2021
Juan Balita Ngayon

Thursday 23 December 2021

Handmade Japanese Vintage Ceramic Tea Jar Shaped as Pagoda

The handmade pagoda shaped ceramic tea jar is designed to add a vintage Japanese touch into your living space. Let’s have a look if you like the idea.Handmade Japanese Vintage Ceramic Tea Jar Shaped as Pagoda

This is a beautifully crafted and practical tea canister handmade by InnerUnion, a Spanish handicraft studio in Andalusia. The tea jar measures 3.3 inches diameter by 5.5 inches tall. As shown in the images, it’s shaped as a mini pagoda, and the vintage apperance and sophisticated detailing ensure it brings some unique Japanese style into your room.

The pagoda tea jar is made out of ceramic to create a durable and food safe space to hold your loose tea leaves, and it can also be used to store other food products like herbal, fruit tea, coffee, dried fruit, raisins, nuts and more. Moreover, with the material properties, the ceramic tea jar steadily stays on any flat surface to elevate your interior decoration.Handmade Japanese Vintage Ceramic Tea Jar Shaped as Pagoda

The handmade pagoda shaped ceramic tea jar is priced at $32.65 USD. If you’re interested, jump to Etsy for its more details.

The post Handmade Japanese Vintage Ceramic Tea Jar Shaped as Pagoda appeared first on Gadgetsin.



Handmade Japanese Vintage Ceramic Tea Jar Shaped as Pagoda
Juan Balita Ngayon

Ogie Diaz pinuri ang actingan ni Joshua Garcia: "Napakahusay niyang umarte"

 

Talagang di mapigilang purihin ng Talent Manager na si Ogie Diaz ang kapamilya actor na si Joshua Garcia na kamakailan lang ay nagtrending dahil sa kanyang TikTok video.

Ayon kay Ogie at Mama Loi sa kanilang Showbiz Update vlog, marami raw ang naging interesado sa mga video ng pelikula ni Joshua na naibabahagi sa TikTok matapos siyang mag-viral. 

"Sa TikTok Loi, binabalikan nila yung mga dating acting ni Joshua. Magaling! At napakahusay niyang umarte," sabi ni Ogie 

Isa rin sa napag-usapan nila ang tungkol sa pagrescue ni Joshua kay Jane de Leon nang magkaroon ito ng wardrobe malfunction sa ABSCBN Christmas Special.

Matapos nito ay umani ng papuri si Joshua mula sa mga netizens at maging si Ogie at humanga sa kabaitan ng actor.



Watch: Sharon Cuneta spotted na namigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo

 

Hinangaan ng maraming netizens si Mega star Sharon Cuneta matapos itong maispatang na namigay ng relief goods sa Cebu.

Kasama niya ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan na namahagi ng mga nasabing goods sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Makikita sa video na sobrang saya ni Sharon habang namimigay at nagpose pa ito sa mga nagpicture sa kanyang.

Tingnan dito:



Wednesday 22 December 2021

Post ni Luis na kina-crop si Alex viral; Jessy Mendiola nawindang

 

Kinaaliwan ngayon sa social media ang post ni Luis Manzano kung saan kina-crop niya ang mukha ni Alex Gonzaga.

Kasama ni Luis sa nasabing post ang kanyang misis na si Jessy Mendiola, kanyang ina na si Vilma Santos at si Alex na kung saan kina-crop niya ito.

Sabi pa niya sa caption: " "3 of the ladies in my life. The little sis - the momski - the wifey wowow missing @addie.manzano - the little sis , @nikkigil - the Nikoy, @annecurtissmith the bf! @carla_valeroso - the cuz sis," 

Kaya nagreact si Alex sa nasabing post ni Luis. Sabi niya: "Tinapyas mo pa muka ko ginawa mo ko poster ng teleserye,"  

Pati si Jessy ay nawindang rin sa nasabing post ni Luis.

Basahin dito ang kanilang komento.





Lolit Solis sinasabing mas wild pa raw si Bea Alonzo kaysa kay Julia Barretto

 

Talagang di mapigilang magreact ng beteranang entertainment columnist na si Lolit Solis sa latest photo nina Bea Alonzo at Dominic Roque. 

Ayon kay Lolit parang OA na raw ang sweetness ng dalawa sa pictorial.

"Napansin din pala ng mga followers nila Bea Alonzo at Dominic Roque iyon parang OA na sweetness nila sa mga pictorial Salve. Kahit ako nagugulat na para bang mga posing na ng mag asawa ang ginagawa ng dalawa," ani Lolit 

Napansin rin ni Lolit na tila naging daring si Bea sa ilan sa kanyang post kasama si Dominic.

"Meron pa nga silang isang photo kung saan nakahiga si Dominic at nasa tabi niya si Bea na naka shorts na kung malisyosa ka iisipin mo na meron silang ginawa bago nag pictorial. Para ngang medyo very daring iyon mga photos nila together." sabi ni Lolit 

Ayon kay Lolit parang ipinakita lang daw ni Bea kay Gerald na nakamove-on na siya. 

"Meron ka ngang parang maiisip na para bang gusto lang ipakita ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson na naka move on na siya sa ghosting nito. At para naman very unfair kay Dominic na nagagamit siya kung tutoo nga ito." 

"Bongga nga, mas parang wild pa si Bea Alonzo kay Julia Barretto, hah hah , or hindi lang showy si Gerald Anderson at mas wild si Dominic Roque." 



Boy Abunda usap-usapan matapos maispatang nag-mentor ng mga artista sa GMA

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang king of all talk na si Boy Abunda matapos itong maispatang nag-mentor ng ilang mga artista sa GMA sa isang master class hosted by GMA Artist Center.

Ang nasabing master class ay ibinahagi sa Instagram ng GMA Artist Center.

"seasoned TV Host and Philippine King of Talk Boy Abunda shared his expertise as mentor during the third batch of the Breakout Room: Master Class Series last November 16 and 23": ayon sa post ng nasabing artist center 

Ibinahagi rin nila ang larawan ng virtual discussion ni Tito Boy kapuso ang mga kapuso stars gaya na lamang nina Sanya Lopez, Miguel Tanfelix, Barbie Forteza, Ken Chan at marami pang iba.



Tuesday 21 December 2021

Vilma Santos nagreact sa relasyon ng kanyang ex- husband Edu Manzano kay Cherry Pie Picache

 

Nagbigay na ng kanyang prankang reaksyon si Vilma Santos kaugnay sa relasyon ng kanyang ex-husband na si Edu Manzano kay Cherry Pie Picache.

Sa latest vlog ni Luis Manzano, ay tinanong niya ang kanyang Mommy V: “Ano ang iyong reaksiyon sa pagmamahalan ni Daddy O at ni Tita Pie?” 

Tila na shock si Vilma sa tanong ni Luis ngunit ayon kay Vilma happy raw siya para sa kanila.

“Grabe ka! Ang dami-daming tumatawag sa akin, nag-iinterbyu, hindi ko sinasagot, anak. Ang sabi ko, I don’t want… ayokong makialam sa isyu na ‘yan… 

“It’s just that… what’s important, I guess is, puwede ko lang i-share, I’m happy. I’m happy, I’m happy. 

“You know naman si Eduardo, your dad, and Pie is a very close friend of mine. 

"At this point in time ng buhay natin, ang pinakaimportante lang is nandiyan ang respeto at pagmamahal, so I wish them all the best" ani Vilma kay Luis 


Kris Aquino ibinunyag na nagbigay ng 2million si Angel Locsin para itulong sa nasalanta ng bagyo

 

Nito lamang December 16, isang kalunos-lunos ang sinapit ng ating mga kababayan sa ilang parte ng Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Odette.

Dahil sa nasabing bagyo, maraming mga pilipino sa nasabing lugar ang nawalan ng mga tirahan. Nangangailan rin sila ng pagkain at tubig.

Kamailan lang ay naispatan si Angel Locsin na dumolong sa head quarters nina Lebi Robredo at Kiko Pangilinan para mag-abot ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.

>

Walang nakaka-alam kung magkano ang amount na ibinigay ni Angel ngunit sa isang video ay inilahad ni Kris Aquino na 2Million pesos ang ibinigay ni Angel.



Sharon Cuneta tampulan ng tukso matapos makabasag ng plato sa taping ng Ang Probinsyano

 

Naging tampulan ng tukso si Mega star Sharon Cuneta matapos siyang makabasag ng plato habang naghuhugas sa set ng Fpj's Ang Probinsyano.

Sa video na ibinahagi ni Ara Mina sa kanyang instagram, makikitang naghuhugas si Sharon.

Maririnig sa background na tinutulao nina Ara Mina, Rosanna Roces at Shaina Magdayao si Sharon habang ito'y naghuhugas..

"Mahal ang bayad po namin dito. Kaya po siya pinapasok dito sa Probinsyano para maghugas!" pabirong sabi ni Ara 

Mas lalo pang tumindi ang panunukso kay Mega matalos niyang mabasag ang plato na kanyang hinuhugasan.

"I'm so sorry!" sabi ni Sharon habang kagat-kagat ang piraso ng nabasag na plato.

Narito ang video:

@dadijheff

mega sharon naghugas ng plato 😂😂😂😂😂 #angprobinsyano #sharoncuneta

♬ original sound - Jheff Felix

Monday 20 December 2021

Anak nina Joem Bascon at Meryll Soriano masayang nagcelebrate ng 1st birthday

 

Masayang nagcelebrate ng kanyang 1st birthday ang anak ng kapamilya actor na si Joem Bascon at ng actress na si Meryll Soriano.

Sa Instagram post ni Meryll, ibinahagi niya ang ilang larawan sa nasabing celebration.

Present din sa nasabing celebration ang beteranang actress na si Maricel Soriano.

Base sa post ni Maricel, tila isinabay na nina Joem at Meryll ang birthday at binyag ng kanilang baby.

"Gideon’s First Birthday!

Thank you to our friends, godparents and families who were there to celebrate our little boy’s baptism and first birthday!

We truly couldn’t have done it without the amazing teams that made this beautiful happen." sabi ni Meryll sa kanyang post sa instagram


Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...