Toni: “Itong third one na nangyari nu’ng December, ito ba ‘yung pinakamasakit?”
Mikee: “Kami ni Catherine nu’ng nalaman naming pregnant siya, kasi feeling namin nabuo ‘to nu’ng birthday ni Mommy Pinty sa Singapore. Hindi namin talaga akalain, wala kaming plano.
"Nu’ng nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check up kami kaagad sa OB and okay naman. Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga siya. The second week, okay pa ‘yung ultrasound, hanggang du’n sa pangatlong linggo eh sabi sa amin nu’ng doctor, ‘Naku, wala na namang laman. Blighted ovum ulit."
$ads={2}
Kaya nagpasya umano sila na magpasecond opinion matapos silang makatanggap ng mensahe mula isa pang OB na pinapapunta si Alex.
“Sakto, nag-text ‘yung iyong OB, parang kinukulit siya, ‘Daan ka naman. Visit ka.’ Siguro, blessing ni Lord, naisip namin na, ‘Sige, pa-second opinion tayo dun.’ The week after, nagpunta kami. Pagdating namin dun sa ultrasound na ‘yun, ‘yun na ‘yung pang-apat. Mayroong bata sa loob, may baby,” saad niya.
Naiyak raw si Mikee nang marinig ang heartbeat ng kanilang unborn child. “First time kong nakarinig ng heartbeat.”
Pero hindi raw nagtagal ang kanilang kasiyahan.
“Nalaman namin na mababa ‘yung heartbeat, na 65 lang. So that same day, pumunta kami sa ospital, triny namin habulin, baka ma-save pa ‘yung baby. Ginawa namin lahat… Nu’ng dumating ‘yung December 28… nakita na namin ‘yung embryo, ‘yung baby pero wala na siyang heartbeat,” kuwento ni Mikee.
Wala raw silang nagawa kundi tanggapin na lamang ang malungkot na balita.