Friday 31 March 2023

Ogie Diaz nagreact na sa isyu nina John Estrada at Priscilla: "Ano kasi si John e, lapitin!""

Nagbigay narin ng kanyang reaksyon si Ogie Diaz sa isyu ng mag-asawang sina John Estrada at Priscilla Meirelles.

Ogie Diaz/ Priscilla Meirelles at John Estrada 

Sa "Showbiz Update Vlog" ni Ogie Diaz isa sa kanilang natalakay ay tungkol sa isyu ng mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles. Kamakailan lang kasi ay sunod sunod ang mga cryptic post ni Priscilla sa kanyang social media account.

Ibinahagi rin ni Priscilla ang convo nila ng babaeng nakachat umano ni John. Ang naturang babae ay nakilala ay ni John sa Cebu nang pumunta ang nga cast ng Batang Quiapo.

Itinanggi naman ng babae na may namamagitan sa kanila ng actor. Naki-usap rin si Priscilla sa naturang babae na burahin raw ang number ng actor at kung mayroon raw itong kailangan hinggil sa trabaho ay ipapadaan nalang umano ito sa kanya.

Kaya naman sa kanyang vlog, sinasabi ni Ogie na kilalang-kilala raw niya si John at lapitin din daw ang actor.

"Kung kilala ko si John, kilala ko siya. Ano kasi si John e , lapitin yung kumpare ko na 'yan. Irresistable. Per siyempre, hindi naman rason 'yun para yugyugin naitn ang relasyon nila. Pasasaan ba at isa lamang ito sa itinuturing nating pagsubok sa kanilang relasyon lalo na at meron silang anak. Babae pa mandin." sabi ni Ogie Diaz 

Pwede mong panoorin dito ang kabuuang pahayag ni Ogie Diaz kaugnay sa isyu.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Ogie Diaz nagreact na sa tsismis na umanoy buntis si Toni Gonzaga

Nagreact na si Ogie Diaz sa bali-balita na umanoy buntis si Toni Gonzaga.

Ogie Diaz at Toni Gonzaga 

Si Toni Gonzaga na may tunay na pangalan na Celestine Cruz Gonzaga-Soriano , ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Si Toni ang panganay na anak ni  Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Kapatid ni Toni ang vlogger at actress na si  Alex Gonzaga na may tunay na pangalan Catherine "Cathy" Gonzaga o Alex Gonzaga.  

Sa showbiz update vlog ni Ogie Diaz ay nagbigay sila ng reaksyon kaugnay sa napabalitang buntis umano si Toni. Aniya wala pa raw itong kasiguraduhan dahil wala pang pahayag kaugnay sa naturang isyu ang actress.

"Di pa tayo confirmed diyan. Hintayin muna natin si Toni Gonzaga na magsalita kung totoong siya ay buntis na. Hindi pa siya umaamin 'day," sey ni Ogie Diaz  

"Hintay-hintay lang tayo. Mahirap na no! Tumatalon agad tayo sa conclusion. Hayaan nating sila ang magsalita. Siguro gusto muna nilang i-confirm sa doctor kung true. Siguro ayaw nilang marami pang nakikialam tulad natin kaya hayaan na natin sila. Kahit pa magandang balita 'yan baka gusto nilang sarilinin ito" dagdag pa niya 

Ayon pa kay Ogie, kung totoo man ito ay darating din ang araw na kukumpirmahin din ito ng kampo ni Toni dahil sa ngayon maging ang pamilya ni Toni ay tikom parin ang bibig sa tsismis.

Narito ang kabuuang pag-uusap nina Ogie at kanyang kasamahan kaugnay sa naturang tsismis.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Eksena nina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria sa teaser ng Unbreak My Heart viral

Viral na ngayon sa social media ang isa sa eksena nina Joshua Garcia at Jodi Sta Maria sa teaser ng Unbreak My Heart.

Eksena nina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria sa teaser ng Unbreak My Heart viral

Ang seryeng Unbreak My Heart ay isang ang bigating collaboration ng ABSCBN at GMA Network. Ito ay Directed by Emmanuel Quindo Palo at Dolly Dulu. Ang mga bida seryeng ito ay sina Gabbi Garcia, Jodi Sta. Maria, Richard Yap aat Joshua Garcia. Mapapanood ito ngayong 2023, GMA, VIU at Iwant TFC.

Ngayon araw ay inilabad na ang teaser sa nasabing teleserye. Ang mga eksena nito ay kuha pa sa bansang Switzerland.

Sa isang eksena na viral ngayon, ay nagkaroon ng kissing scene sina Jodi at Joshua. Meron rin silang scene ni Gabbi.

Kaya naman ay maraming netizens ang nagreact sa naturang eksena. Ayon sa ilang netizens: 

"mukbang na rin ba joshua?" 

"Nagmukbang na namn si joshua hay naku haha.." 

"Wait what jodi at joshua akala ko pa naman mag ina role nila mukbang pala" 

Samantala may nga netizens rin ang natutuwa sa collaboration biggest network ng bansa. "Ang ganda ng story....congratulations sa colabirations ng GMA at ABS-CBN....more power, and more colab with the 2 giant network.....To God Be The Glory...." sabi ng isang netizen 

Narito ang video:

Let destiny find its way to show you a love that is beyond ordinary! GMA Network, ABS-CBN Entertainment and Viu proudly...

Posted by GMA Network on Thursday, 30 March 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Thursday 30 March 2023

Mga fans ni Coco Martin ililibre raw ni Rendon sa re-opening ng kanyang restaurant

Libre na raw ang mga fans ni Coco Martin sa re-opening ng restaurant ni Rendon Labador.

Rendon Labador at Coco Martin 

Si Rendon Labador ay kilala bilang motivitional speaker. Siya rin ay isang kilalang social media influencer. 

Kamakailan lang ay naging usap-usapan si Rendon at inulan ng maraming batikos matapos nitong banatan si Coco Martin.
Hinaing kasi ni Rendon abala raw ang shooting ng "Fpj's Batang Quiapo" sa mga vendor sa Quiapo.

Sinagot na ito ni Coco sa isang interview at aniya sinisiguro raw nila walang maapektuhan sa kanilang shooting. Nakipagcoordinate narin daw sila sa Local Government Unit sa Maynila at mayroon din silang permits.

Nitong nakaraan, ay ibinunyag ni Rendon na walang bumibili ng ticket sa grand opening ng kanyang restaurant. Kaya pansamantala niya itong isinarado. Sinisi din ni Rendon ang mga fans ni Coco dahil masyado raw siyang pinepersonal.

Sa kanyang bagong post, ay inilahad niya na magkaroon ng reopening ang kanyang restaurant. Sabi pa niya ililibre na raw niya lahat ng fans ni Coco ng entrance at may free drinks din ito.

"Babangon tayo ng mas malakas! Para malaman ninyo na business lang at walang personalan. Sa lahat ng Coco fans ililibre ko na ang entrance ninyo at free unlimited drinks pa! Para sa inyo ang party na ito #CocoFansParty #stayMotivated"sey ni Rendon 

Babangon tayo ng mas malakas! Para malaman ninyo na business lang at walang personalan. Sa lahat ng Coco fans ililibre...

Posted by Rendon Labador on Wednesday, 29 March 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Tuesday 28 March 2023

Heart Evangelista reunited sa kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales

Spotted ngayon ang dating magkasintahan na sina Heart Evangelista at Jericho Rosales na muling nagkita.

Heart Evangelista reunited sa kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales

Sina Heart at Jericho ay dating onscreen partners at na naging ang kanilang relasyon ay naging totoo. Marami-rami rin silang projects na ginawa na magkasama at marami sa kanilang fans na gustong-gusto ang chemistry ng dalawa.

Kahit matagal na silang naghiwalay ay mayroong mga fans parin ang umaasa para sa love team ng dalawa.

Kamakailan lang, ay muling nagkita sina Heart at Jericho. Ibinahagi ni Heart ang mga larawan kasama si Jericho na kuha sa naganap na reunion ng mga dating Star Magic stars na sina  Bea Alonzo, Maja Salvador, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, at Diether Ocampo. 

Present din ang Star Magic head na si 
Johnny Manahan, na ngayon ay kasalukuyang nagha-handle sa
Sparkle GMA Artist Center. Nagbahagi rin si Maja ng mga larawan sa naturang reunion.

May gagawin kaya silang proyekto? Ano sa tingin mo mga ka-tabloid.

Narito ang post:
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Jhong Hilario masayang ibinida ang birthday celebration ng anak

Masayang ibinida ni Jhong Hilario ang birthday celebration ng kanyang anak na si Sarina.

Jhong Hilario masayang ibinida ang birthday celebration ng anak

Si Sarina Oceana ay ang una at nag-iisang anak nina Jhong at Maia na isang mahigit isang dekada naring magkarelasyon. Noong March 2021 winelcome ng dalawa ang kanilang anak.

Sa kanyang post sa instagram, ay ibinahagi ni Jhong ang snap sa naganap na birthday celebration ng kanyang anak. Ito ang ika-second birthday ni Sarina.

Base sa mga larawan ay dinalohan ng malalapit na pamilya at kaibigan ni Jhong at Maia ang nasabing selebrasyon ni Sarina.

"Happy, happy 2nd Birthday to the love of our lives, Sarina! You bring so much joy to us and to a lot of people every single day! How blessed we are to have you" sey ni Jhong 

Samantala pinapasalamatan din ni Jhong ang mga mga tumulong para maging successful ang birthday celebration ni Sarina.

"Special thanks to Lolo Bob and Lola Cari for insisting, planning, organizing and surprising our Sarina with such a beautiful last minute party! Thanks to Ninong Nitoy for all the last minute help, Tito Bam for taking our videos, Tita Tania, Ninang Sue and Tita Kathy for the special food carts, Brgy. Capt. Ryan and Brgy VA tanods for helping us with the guests, traffic & parking and to all those who helped in making this party a happy one. Most special thanks to our families and friends, who came to celebrate this day with us. Sarina is truly so loved" sey ni Jhong 

Narito ang kanyang post:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Monday 27 March 2023

Hala! Juliana Segovia sinubukang ibenta ng 1milyon ang korona na napanalunan niya sa Miss Q & A

Sinubukang ibenta ni Juliana Parizcova Segovia ang napanalunan niyang korona sa Miss Q & A sa halagang isang milyon.

Juliana Segovia sinubukang ibenta ng 1milyon ang korona na napanalunan niya sa Miss Q & A

Si Juliana ang kauna-unahang nanalo sa Miss Q & A segment ng Its Showtime at ngayon sa youtube channel ng "Boss Toyo Production" ay sibukan ng komedyante na ibenta ang ten crowns, trophy, at ang grand final crown niya sa halagang isang milyon.

"Limang taon na rin ang nakalipas so parang kahit mawala na ito sa akin, history na rin ‘yun eh,” sey ni Juliana 

Nilista narin ni Julia ang kanyang mga napanalunan sa competition na mula pa noong 2018. Kabilang na rito ang P1 million cash prize, business package, cosmetic surgery package na hindi pa niya nagamit.

"Ang bawat isa (korona) nito ay P20,000 ‘yung worth niya. So ten ‘to is P200,000. Itong crown na ‘to ang worth nito ay P450,000 na [dahil] the Swarovski, the silver ganyan, plus ‘yung trophy. So, siyempre napanalunan ko siya ng P1M so P1M,” sey ni Juliana 

Ngunit hindi ito tinanggap ni Boss Toyo dahil hindi raw kaya sa kanyang budget ang presyo ni Juliana. 

"Maganda sana ito sa shop kasi may kwento, may provinance, may pagdating ng panahon, tumanda man siya, may kwento siya kasi unang-una, first season rin ng Miss Q&A… OG ka, kaso P1 million,”sabi ni Boss Toyo 

Sinubukan naman ni Boss Toyo na offeran si Juliana sa halanggang 400k pesos ngunit hindi ito tinanggap ng komedyante.

"Sayang at hindi kami nakapag-close deal ni Boss Toyo doon sa aking crown ng grand finals, ‘yung 10 crowns noong nag-hall of fame ako, at trophy pero gayunpaman, maraming maraming salamat pa rin sa warm welcome,”sey nu Juliana 

Samantala ang naturang vlog ay noon pang December 27, 2022 naipost sa youtube ngunit ngayon lang ito naging usap-usapan sa social media.


Hala! Negosyo ni Rendon Labador na dalawang araw palang binuksan pansamantalang ipinasarado

Ibinahagi ni Rendon Labador na pansamantalang ipinasarado ang kanyang restaurant dalawang araw matapos ang grand opening nito.

Larawan mula sa Facebook Rebdon Labador

Nito lamang linggo, March 25, 2023 ay naganap ang grand opening nang Episode Bar + Kitchen, ang restaurant na pagmamay-ari ng motivation speaker at social media influencer na si Rendon Labador.

Ibinahagi ni Rendon kamakailan lang na umanoy gumastos siya ng 1.2 million pesos para sa opening ng kanyang restaurant. 800k pesos para sa fine dining at 400k pesos naman para sa mga high end drinks. 

Nagtrending ang naturang restaurant ni Rendon ngunit dismayo parin siya dahil wala raw bumili ng ticket. Aniya aanhin daw niya ang pagtrending kung wala naman bumibili ng ticket. Sinisi rin ni Rendon ang mga fans ni Coco Martin dahil pene-personal umano siya.

Matatandaan kasi na nagviral ang mga banat ni Rendon laban kay Coco dahil sa umanoy abala nito sa mga vendor sa Quiapo dahil sa shooting nila sa teleseryeng "Fpj's Batang Quiapo".

Samantala sa kanyang facebook post, ibinahagi ni Rendon na pansamantalang ipasarado niya ang bagong open niyang restaurant. Aniya magbubukas nalang daw sila ulit.

"Uulitin ko nalang ang grand opening. Sana masaya lahat ng Coco fans sa ngyari. I will struggle. I will fall down. But I will always rise back up. AND I’LL BE STRONGER THAN BEFORE,"sabi ni Rendon 

Marami naman sa mga netizens ang nagreact at anila ay "nakarma" raw si Rendon dahil sa mga hindi magandang komento nito sa social media.

Uulitin ko nalang ang grand opening. Sana masaya lahat ng Coco fans sa ngyari. I will struggle. I will fall down. But I will always rise back up. AND I’LL BE STRONGER THAN BEFORE. #stayMotivated

Posted by Rendon Labador on Sunday, 26 March 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Sunday 26 March 2023

Iza Calzado nanganak na, ipinakilala na sa publiko ang kanyang unang baby

Ipinakilala na rin sa wakas ni Iza Calzado ang kanyang unang baby sa Publiko.

Iza Calzado nanganak na, ipinakilala na sa publiko ang kanyang unang baby


Si Maria Izadora Ussher Calzado-Wintle na may tunay na pangalan na si Iza Calzado ay isang aktres at modelo dito sa Pilipinas. Unang TV Program na naging bahagi si Iza at ang youth-oriented show na "Click" sa GMA. Ikinasal siya sa businessman na si Ben Wintle noong December 2018.

Sa kanyang post sa instagram, masayang ibinahagi ni Iza ang snaps ng larawan ng kanyang baby girl. Ang kanyang baby girl ay pinangalanan niyang si Deia Amihan Calzado Wintle. Hindi pa lubusang ipinakita ni Iza ang buong itsura ng kanyang baby.

Base sa kanyang post, noong January 26, 2023 pa ipinanganak ni Iza si Deia. 

“Words can't describe the love we're feeling as we introduce our precious baby girl, Deia Amihan Calzado Wintle. Born on January 26th, 2023, she's already stolen our hearts and brought so much joy into our lives."sey ni Iza

Samantala nagpapasalamat naman si Iza sa pagmamahal at suporta mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

 "We're so grateful for the love and support from our family and friends, and can't wait for all the adventures that lie ahead. Big love from our family to yours! #WintleHasArrived,” sabi Iza sa kanyang instagram post 

Narito ang kanyang post:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Saturday 25 March 2023

Congrats! Ejay Falcon ikinasal na

Ikinasal na ang actor at Vice Governor ng Oriental Mindor na si Ejay Falcon sa kanya na ngayong asawa na si Jana Roxas.

Larawan mula sa Pep.ph

Si Ejay at Jana ay 7 years na magkarelasyon bago sila ikasal nitong lamang March 25, 2023. Ang kanilang kasal ay ginanap sa Enderun Tent, McKinley Hill, Taguig City. 

Base sa ulat ng pep.ph ang kanilang wedding vows ay sila mismo ang gumawa. 

Narito ang portion sa vow ni Ejay: 

"Simula pa lang ito ng mas maraming masasayang moments with you. I know hindi ito magiging perfect, marami pa ring challenges o pagsubok, pero kakayanin natin together. Baby, hindi ko maipapangako na magiging perfect husband ako." sey ni Ejay

Alam ko, maraming pagkakataon na mawawalan ako ng oras dahil sa katungkulang ipinagkatiwala sa akin ng Oriental Mindorenos. Alam kong darating ang pagkakataon na meron tayong di pagkakaunawaan, may mga oras na mag-aaway tayo sa mga bagay-bagay. Pero, baby, sana sa mga oras na yun, huwag mo akong bibitawan."dagdag pa niya

Ito naman ang part ng vow ni Jana: 

"Vice Gov Ejay, my baby, today, surrounded by all our loved-ones, I am the happiest woman in the room because I am marrying my best friend and the love of my life. Seven years ago, hindi ko inakala that God would bless me with the most beautiful gift, which is you." sabi ni Jana

Sabi mo nga, nagsimula tayo bilang magkaibigan. At tama ka, mabilis ako na-in love sa iyo, dahil nakita ko na hindi ka lang guwapo, siyempre, at may abs nung time na iyon."dagdag pa niya

Congratulations ang best wishes para sa bagong kasal! 

Panoorin dito ang video:

@pepalerts #EjayFalcon’s touching wedding vows #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ♬ original sound - PEP.ph
@pepalerts #JanaRoxas’ wedding vows ❤️ #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ♬ original sound - PEP.ph
Samantala dinaluhan ng mga kilalang personalidad ang naturang kasal nina Ejay at Jana. 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Friday 24 March 2023

Dance Video ni Sofia Andres kasama ang kanyang partner viral na

Mabilis na nagviral sa social media ang video nina Sofia Andres at Daniel Miranda na kung saan makikitang napakagat-labi ang si Daniel.

Sofia Andrea at kanyang partner at ama ng kanyang anak na si Daniel Miranda

Sa isang Fan Page na Sofia Andres, ibinahagi nito ang video na kung saan todo hataw sa pagsayaw si Sofia. Kasa din niya ang kanyang partner na si Daniel ngunit tinititigan lang nito ang actress habang sumasayaw.

Makikita sa video na napakagat-labi ang partner ni Sofia habang sumasayaw ang actress. Kaya naman maraming netizens ang napareact at napasana-all sa naturang video.

Sabi ng ilang netizens:

"The design is very wow."

"The design is very patakam."

"Ang hot nila."

"Focus lang sa goal girls."

"Grabeee."

"Haha kinilig ako bat ganun."

Sa pagkakasulat na ito ay umabo na sa 75k likes, 1.7k comments, 1.1k shares at mayroon naring 6 million views. 

Pwede mong panoorin ang video dito: https://www.facebook.com/reel/549820767012285?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.


Anne Curtis tinukso ang ina sa lovelife nito nang dumalaw ito sa Its Showtime

Tinukso ni Anne Curtis ang kanyang ina na si Carmen sa love life nito nang bumisita ito sa It's Showtime kamakailan lang.

Anne Curtis/ Carmen Ojales kasama ang partner nito ng dumalaw sa Its Showtime 

Sa opening ng Its Showtime nito lamang March 17 2023, ay masayang nagkwento si Anne tungkol sa kahalagan ng bonding ng pamilya.

Ibinida ni Anne ang pagbisita ng kanyang inang si Carmen sa naturang show at binati niya ito. Binati rin ng mga kasamang host ang ina ni Anne. Pina-sample pa nila ito at game na game naman na sumayaw ang ina ni Anne ng sikat na kanta ni Vhong Navarro na "Pamela".

Matapos nito ay tinukso na ni Anne ang kanyang ina tungkol sa pagiging blooming. Ayon kay Anne blooming raw ang kanyang ina dahil sa lovelife nito. Maging ang kasamahan nitong mga host ay tinukso narin ang ina ni Anne.

"Blooming si Mama ngayon," hirit ni Anne.

"Blooming kasi si Mama ngayon, may love life," muling panunukso ni Anne sa kanyang 

Hindi man ipikilala ni Carmen kung sino ang jowa nito ngunit kapansin-pansin naman ang lalaking katabi niya na naka-shades at naka-striped long-sleeves.

Ang naturang lalaki ay ang laging kasama niya sa kanyang tiktok na ipinakilala niya na kanyang boyfriend. Base sa report ng pep.ph ang boyfriend ni Carmen ay 40 anyos samantalang siya naman ay nasa 60s. 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Thursday 23 March 2023

Yassi Pressman nagsalita na kaugnay sa isyu nila ni Nadine

Nagsalita narin sa wakas si Yassi Pressman kaugnay sa isyu nila ni Nadine Lustre.

Yassi Pressman at Nadine Lustre

Matatandaan na naging usap-usapan kamakailan ang rebelalasyon ni James Reid na kung saan kinumpirma ng actor ang relasyon nila ni Issa Pressman.

Nagkaroon ang isyu sina Yassi at Nadine sa mata ng maraming netizens dahil sa pagkumpirma ni James dahil magkaibigan sina Yassi at Nadine pati narin si Issa. 

Si Nadine kasi ang ex ni James Reid na ngayon ay boyfriend na ni Issa Pressman.

Sa isang panayam ay nilinaw na ni Yassi na nanatiling magkaibigan sila ni Nadine.

"Sige, para tapos na po, ha? Isang beses ko lang po ito sasabihin: Wala pong problema. Kami po ni Nadine, okay po kami."sabi ni Yassi

"Okay rin po yung buong pamilya namin, at siyempre po, bago po nag-public ang lahat [sina Issa at James], lahat po [ay] naasikaso in private."dagdag niya

"So lahat po, walang problema. And [Nadine and I] are cool; we're friends. We’ve been friends ever since we were kids. Kaya naman, lahat po, okay po. Saka, ilang taon na rin po. Kaya, ayun, sana everyone lets everyone be happy." sey pa ni Yassi 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Wednesday 22 March 2023

"Mahina talaga mag isip si Coco" Rendon may banat sa sagot ni Coco Martin laban sa kanya

Muling bumanat si Rendon Labador matapos sagutin ni Coco Martin ang mga birada nito kamakailan lang.

Rendon Labador at Coco Martin 

Matatandaan na naging usap-usapan kamakailan ang naging banat ni Rendon kay Coco tungkol sa mga vendor sa Quiapo.

"Nakaka abala ka na sa mga NEGOSYANTENG VENDORS natin diyan sa Quiapo. Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at losses sa pag gamit mo ng lugar, umalis alis ka na diyan,”sey ni Rendon 

Sa isang pinayam ay sinagot ito ni Coco at sinabi niya na nakipagcoordinate sila sa Local Government Unit ng Maynila at sinisigurong walang naapektuhan sa kanilang show.

"Nagpaalam po kami sa Mayor, sa Manila City hall meron din po kaming permiso mula sa ating kapulisan, sa barangay, pati narin po sa simbahan ng Quiapo at sa mga kapatid nating Muslim. Lahat po ‘yan naka organize, pinagpa-alaman po namin ng maayos"sey ni Coco sa panayam nito kay MJ Marfori

Sa kanyang facebook post, ay nagreact si Rendon sa sagot ni Coco laban sa kanyang mga birada. Aniya di raw naiintidihan ni Coco ang ang kanyang punto. Sinabihan pa niya si Coco na mahina raw mag-isip.

"Hindi naintindihan ni Coco ang punto ko, antagal sumagot tapos sablay pa. Mahina talaga mag isip si Coco, pang scripted lang talaga " sey ni Rendon

Larawan mula sa Facebook Rendon Labador 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

"like a true island girl" Andi ibinida ang pag-akyat ni Lilo ng niyog

Proud na ibinida ni Andi Eigenmann ang pag-akyat ng kanyang anak na si Lilo sa puno ng niyog.

Andi Eigenmann kasama ang kanyang mga anak. Larawan mula sa instagram @andieigengirl


Si Andi Eigenmann ay isang actress at model dito sa Pilipinas. Siya ay anak ng actor na si Mark Gil at actress na si Jaclyn Jose. Si Andi ay ang half-sister ng mga actor na sina 
Sid Lucero, Gabby Eigenmann, at Max Eigenmann.  Si Andi ay may tatlong anak. Ang isa ay ang anak niya kay Jake Ejercito na si Ellie. Ang dalawa naman ay sina Lilo at Koa anak niya sa kanyang fiance na si Philmar Alipayo, isang professional surfer.

Sa kanyang post sa instagram kamakailan lang, ay muling ibinida ni Andi ang simpleng buhay nila sa isla ng Siargao na kung saan sila nakatira ngayon.

Sa kanyang post ay proud na ibinahagi ni Andi ang pag-akyat ni Lilo sa puno ng niyog. Ayon kay Andi para raw tunay na Island Girl si Lilo dahil sa pag-akyat nito sa naturang puno.

"Learning to climb coco trees like a true island girl,” sey ni Andi sa kanyang post 

"With @chepoxz support of course,” dagdag niya sa isang caption na kung saan makikitang inalalayan ni Philmar si Lilo 

Narito ang screenshot sa naturang post ni Andi mula sa kanyang instagram stories.


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Ogie Diaz nagreact matapos muling naungkat ang isyu tungkol kay Yassi Pressman at Coco Martin

Nagbigay ng kanyang reaksyon ang komedyanteng si Ogie Diaz matapos muling pinag-uusapan ang isyu tungkol kina Yassi Pressman at Coco Martin.

Ogie Diaz nagreact matapos muling naungkat ang isyu tungkol kay Yassi Pressman at Coco Martin 

Sina Coco Martin at Yassi Pressman ay nagkasama sa hit series na "Fpj's Ang Probinsyano" na kung saan si Yassi ang gumanap bilang si Alyana Arevalo asawa ni Cardo Dalisay na ginampanan ni Coco Martin.

Nang dahil sa pagtatangol ni Yassi sa kapatid niyang si Issa Pressman na matatandaan naging usap-usapan kamakailan lang matapos i-reveal ni James Reid ang kanilang relasyon ay tila nag-iba ang ihip ng hangin ng ilang netizens at si Yassi ang binanatan.

Ayon kay Ogie, binalikan raw ng mga netizens ang umanoy naging isyu noon nina Yassi at Coco Martin na umanoy inagaw niya si Coco kay Julia Montes.

"Biglang binuweltahan naman ng mga fans itong si Yassi. Noon daw na si Yassi ay nasa Probinsyano, ito I'm sure si Yassi nababasa ito, na parang inagaw nitong si Yassi si Coco Martin kay Julia Montes. Kaya daw for a time, e parang nabuwisit itong si Julia kay Yassi," sabi ni Ogie Diaz 

Ngunit sa kabila ni isyung ito ay sinabi ni Ogie na wala pa naman umanong napapatunauan na totoo ang tsismis.

"Ito kasing si Yassi ay naging leading lady ni Coco sa Ang Probinsiyano. Tapos doon nga sa set, may kumalat na naging si Yassi at si Coco. Pero wala namang napatunayan,"dagdag pa niya  

Pwede mong panoorin ang kabuuang video dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Tuesday 21 March 2023

Cristy Fermin nagreact na sa pagbili nina Vice at Ion ng asong nagkakahalaga ng 380k

Nagbigay na ng kanyang reaksyon si Cristy Fermin kaugnay sa pagbili ng mag-asawang sina Ion Perez at Vice Ganda nang aso na nagkakahalaga ng 380k pesos.

Cristy Fermin nagreact na sa pagbili nina Vice at Ion ng asong nagkakahalaga ng 380k

Matatandaan na binatikos si Vice ng mga netizens dahil sa pagbili niya sa naturang aso ngunit agad naman niyang sinagot ang mga basher.

 "Maganda yung mag-adopt talaga ng mga dogs pero may masama ba na bumili kami ng dog? Wala. Kaya pwede kami mag-decide? It’s our life, di ba? It’s our life, it’s our joy. Can’t you just be happy for our joy and for our lives?” sabi ni Vice 

Sa isang episode ng show ni Cristy Fermin na "Cristy Ferminute" ay ipinagtanggol niya si Vice laban sa mga basher. Aniya isa raw siyang dog lover kaya nauunawaan niya ang pagbili ni Vice sa naturang aso. Kaya di raw dapat binabash ang komedyante at asawa niyang si Ion.

"Ako kasi, nauunawaan ko ang pagbili ng fur baby nina Vice Ganda at Ion Perez. Siguro nga ay parang magiging biased ako kasi dog lover ako e, ang buong pamilya namin. Ang aso ko po dito sa bahay ay 15, sa probinsya ay mas marami po at talagang mauunawaan po natin ang kaligayahan na ibinibigay ng mga alaga sa ating buhay." Sey ni Fermin 

"Kaya hindi dapat bina-bash si Vice Ganda at saka si Ion Perez kung bumili man po sila ng Pomeranian na nagkakahalaga ng P380,000." dagdag pa niya 

Sinabi rin ni Fermin na hayaan na raw ang dalawa sa pagbili ng ganun kamahal na aso dahil sarili naman daw nilang pera ang kanilang pinambili.

"Oh e ano ngayon kung kulang P400,000 ang kanilang pagkabili. Mura pa nga po 'yan kumpara sa iba [breed]. At saka pera po nila 'yan at kaligayahan nila 'yan. Hayaan na natin, ibigay na natin 'yan sa kanila.” sey ni Fermin 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Monday 20 March 2023

Ang cute! Video ni Argus kasama si Ion Perez viral

Viral ngayon sa social media ang video ni Ion Perez kasama ang Isip Bata contestant na si Argus.

Ang cute! Video ni Argus kasama si Ion Perez viral

Si Ion Perez na may tunay na pangalan na Benigno Dungo Perez  model, at television host dito sa Pilipinas. Unang nakilala si Ion bilang Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. 

Si Ion ay ikinasal kay Vice Ganda noong October 19, 2021 sa Las Vegas, United States. 

Sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Ion ang video nila ng "Isip Bata" contestant na si Argus. Sa naturang video ay makikita na ang cuteness ng dalawa.

Ayon kay Ion sa kanyang caption, gusto raw ni Argus na mag-video sila : "Video daw kami lagi ng meantime son ko!" sabi ni Ion sa kanyang caption 

Sa comment section ng naturang post ay maraming ang naku-kyutan sa dalawa. Sabi ng ilang netizens: 

"MEANTIME SON OMG SO CUTE!" 

"Magka mukha na kayong dalawa Ion..parehong pogi at cute" 

"Ung caption talagaaaa  Noi pakikalmahan naman kami lang to ouhh " 

Narito ang post ni Ion:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Enrique Gil hinangaan matapos maispatang namigay ng cash

Hinangaan ng maraming netizens si Enrique Gil matapos itong maispatan na namigay ng cash.

Enrique Gil hinangaan matapos maispatang namigay ng cash

Si Enrique Gil na may tunay na pangalan na Enrique Mari Bacay Gil V ay isang actor, dancer, at commercial model. Si Gil ay naging bahagi sa ibat-ibang pelikula at teleserye gaua ng Mula Sa Puso, Budoy, Princess and I, Muling Buksan Ang Puso at She's the One. 

Kilala si Enrique sa kanyang role bilang  Alexander "Xander" Grande III sa teleseryeng Forevermore noong 2014–15 na kung saan kasama niya si Liza Soberano. Mula noong ay bumida sa mga pelikula si Enrique gaya nang  Just The Way You Are (2015), Everyday I Love You (2015), Dukot (2016), My Ex and Whys (2017), Seven Sundays (2017), at Alone/Together (2019); at sa mga teleseryeng Dolce Amore (2016), Bagani (2018), at Make It With You (2020).

Sa post ng netizen na si Jholina Abraham, ay spotted si Enrique na namigay ng pera sa mga residente Hermosa, Bataan nitong weekend. 

Tuwang-tuwa naman ang mga tao sa naturang lugar sa pamimigay ng blessings ni Enrique.

Narito ang post ng netizen:

Enrique Gil 😍

Posted by Jholina Rodriguez Abraham on Saturday, 18 March 2023

Napanaginipan pa kitaπŸ₯°

Posted by Jholina Rodriguez Abraham on Saturday, 18 March 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Sunday 19 March 2023

Raul Dillo sobrang happy ngayon matapos makatanggap na ng offer mula sa "Batang Quiapo"

Abot langit ang saya ni Raul Dillo matapos siyang makatanggap ng offer mula sa "Fpj's Batang Quiapo".

Raul Dillo sobrang happy ngayon matapos makatanggap na ng offer mula sa "Batang Quiapo"

Si Raul Dillo ay isang actor dito sa Pilipinas. Kilala si Raul sa pagganap niya bilang "kapre" sa ilang mga pelikula dahil sa tangkad nito na umabot ng halos 7 feet. 

Ilan sa mga naging pelikula na kung saan kasama si Raul ay ang “Code Name: Bomba” (1998), “Super Inday and the Golden Bibe” (2010), at “Spirit Warriors” (2000). 

Matatandaan na nagviral kamakailan si Raul matapos nananwagan siya kay Coco Martin na mabigyan ng pagkakataon na makabalik sa pag-aarte sa pamamagitan ng 'Batang Quiapo'.

Wala na raw kasi siyang trabaho dahil sa kanyang mga karamdaman. 

Ngunit sa kanyang bagong post sa youtube, masayang ibinahagi ni Raul na napansin narin siya sa wakas ni Coco at natawagan narin siya sa produksyon ng Batang Quiapo.

"Natawagan na po ako ng production ng Batang Quiapo at napansin na po ni Direk Coco Martin ang aking panawagan,” sabi ni Raul

 “Kaya po nag-uumapaw po ang aking kaligayahan, hindi ko po halos ine-expect ito,” dagdag pa niya 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Rendon Labador usap-usapan matapos padalhan ng envelope mula sa ABSCBN

Usap-usapan ngayon sa social media si Rendon Labador matapos siyang padalhan ng isang envelope mula sa ABSCBN.

Rendon Labador usap-usapan matapos padalhan ng letter mula sa ABSCBN

Si Rendon Labador ay isang Filipino fitness instructor na nakakuha ng maraming follower sa rendonlabadorfitness Instagram account. Si Rendon din ay tinagurian na isang Motivitional Speaker.

Sa kanyang facebook post, ibinahagi ni Rendon ang ipinadala ng ABSCBN sa kanya na isang envelope. Hindi pa malaman kung ano ang laman nito dahil hindi pa niya ito binubuksan.

Ayon kay Rendon, ayaw raw niyang mag-artista dahil gusto niya raw mag-negosyante.

"May dumating na envelope sa office from the content creator ABS-CBN, ano kaya to? Ayaw kong mag artista kasi negosyante talaga ako at ayaw ko ng scripted as much as possible. Ang forte ko lang naman ay ipaglaban ang TAMA at i-boses ang mga mahihina." Sey ni Rendon

Peru if ever raw na matuloy at siya raw ang tatapos sa era ni Coco Martin.

"pero if ever na matutuloy kung ano man to… isa lang masasabi ko “ako ang tatapos sa era ni Coco Martin” " sabi ni Rendon 

Matatandaan na ibinunyag ni Rendon kamakailan na dalawang beses raw siyang kina-usap ng mga staff ng "Fpj's Batang Quiapo" para maging parte nito ngunit binaliwala niya lang daw niya ito.

Narito ang kanyang post:

May dumating na envelope sa office from the content creator ABS-CBN, ano kaya to? Ayaw kong mag artista kasi negosyante...

Posted by Rendon Labador on Saturday, 18 March 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Saturday 18 March 2023

Luis Manzano nagreact sa larawan ni Jessy at Baby Rossie: "Ilong lang akin"

Di mapigilang magreact ni Luis Manzano sa cute na photos ng asawa niyang si Jessy Mendiola kasama ng anak nilang si Baby Rossie.

Luis Manzano nagreact sa larawan ni Jessy at Baby Rossie: "Ilong lang akin"

Si Luis Manzano na may tunay na pangalan na Luis Philippe Santos Manzano na kilala rin sa tawag na Lucky ay isang kilalang TV host, actor, comedian, VJ, at model. Siya ay anak nina Edua Manzano at Vilma Santos.

Kilala si Luis sa mga roles niya sa television series na Komiks Presents: Flash Bomba bilang Roldan Legaspi at sa 2009 film na In My Life bilang Mark Salvacion. 

Sa isang social media post kamakailan lang, ibinahagi ni Jessy ang larawan niya kasama si Baby Rossie. Sa naturang ay kitang-kita na sobrang cute tingnan ng dalawa.

Marami ring netizens ang nakapansin na magkahawig sina Jessy at Baby Rossie. Samantala sa comment section nang naturang post ay makikita ang reaksyon ni Luis na kinagigiliwan ng marami.

Ayon kasi kay Luis ilong lang daw ang nagmana sa kanya ng kanilang baby: "Ilong lang akin," sabi ni Luis 

I love you, my Rosie. 🌹 πŸ“Έ Lucky Manzano

Posted by Jessy Mendiola on Saturday, 18 March 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...