Tuesday 28 February 2023

Lolit Solis naglabas narin ng prangkang reaksyon sa viral statement ni Liza Soberano

Naglabas narin ng kanyang prangkang reaksyon si Lolit Solis kaugnay sa viral na statement ni Liza Soberano kamakailan lang.

Lolit Solis at Liza Soberano 

Sa naturang statement, sinabi ni Liza na para raw siyang naging sunod-sunuran sa itinakbo ng kanyang career sa ABSCBN. Sinabi rin ni Liza na maging ang pangalan na "Liza" ay di raw siya ang pumili. Sa ngayon ay pinalitan na ni Liza ang kanyang pangalan na "Hope" Soberano.

Sa kanyang post sa Facebook, ay naglabas ng kanyang prangkang saloobin si Lolit sa naturang pahayag ni Liza.

Sabi niya: "Iyon pagbubukas ni Liza 'Hope' Soberano ng pandora box , iyan ang laging hinaing ng bawat star na sandaling nakarating sa itaas. Pag nasa itaas na kasi sila para bang saka lang nila nakita iyon mga bagay na nagiging reklamo nila. 

"Para bang utang na loob pa ng mga taong nakasama nila ang narating nila. Iyon false feeling of sacrifice na sinasabi nilang nangyari sa kanila. Iyon nawalan sila ng identity, iyon privacy, iyon naging para silang puppet. 

"Hindi na lang sila magpa salamat na sumikat sila, na kumita sila ng malaki, na naging masarap ang buhay nila. Nakakatawa nga na pagkatapos magtamasa sa masarap na buhay, bigla may complain sila ng mga bagay na naging sacrifice nila. 

"You pay something for whatever you get in life. You aspire for something high, dapat ready ka sa anuman bagay na kapalit nito. Kung gusto niya naging tahimik ang buhay niya, dapat hindi siya pumasok sa showbiz at nanatiling Hope Soberano for the rest of her life. 

"Naging Liza Soberano ka, lahat ng dapat ibigay ng pagiging Liza Soberano mo ibigay mo kapalit ng magandang bagay na gusto mo makuha. 

"Nakakatawa mga stars na matapos gumanda ang buhay at kumita ng malaking pera bigla magsasabi na nawala ang privacy nila, identity. Hindi ba nila alam na katumbas ng malaking pera na kinikita nila, dapat mag sacrifice sila ng ilang bagay sa sarili nila ? Ano iyon, basta na lang babagsak sa kandungan mo ang pera ? Bawat pera na darating sa iyo may katapat na bagay. 

"Nawala privacy mo, dahil naging kapalit iyon ng pera na kinita mo sa showbiz. Wala yatang propesyon na sinlaki ng ibinabayad ng showbiz ang kikitain mo. Shock nga mga doctors and lawyers na ang kinikita nila sa loob ng isang buwan ay bayad sa isang araw na trabaho ng isang big star.

"Malaki ang bayad sa isang artista, kaya malaki din ang sakripisyo na dapat nilang ibigay bilang kapalit. Funny that you complain about something that gave you the house, car, and all the things you are enjoying in your life now. 

"False victim feeling ang nadarama ngayon ni Liza'Hope' Soberano. Wake up girl, gumising ka sa katotohanan ng buhay. Be honest in living your life. If you enjoy the aircon in your room, the ride in your car, just be thankful. 

"Huwag na iyon pa eklay na para kang puppet. Huwag mag feeling profound o know it all dahil nega iyon. Just enjoy life. With or without Liza'Hope' Soberano, buhay parin mga taga showbiz. Ikaw ang may utang sa showbiz, at walang dapat tanawin na utang na loob sa iyo ang showbiz.


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Monday 27 February 2023

Ogie Diaz naglabas ng saloobin kung gaano kahirap maging isang "Talent Manager"

Naglabas ng saloobin si Ogie Diaz kaugnay sa kung gaano kahirap maging isang Talent Manager. 

Ogie Diaz at Liza Soberano 

Si Ogie Diaz na may tunay na pangalan na Roger Diaz Pandaan ay isang kilalang Filipino comedian, actor, entertainment reporter, at talent manager. Kilala bilang "Pekto" sa kanyang character sa long-running former television show  na "Palibhasa Lalake".

Isa rin sa mga talent na napasikat ni Ogie ay ang actress na si Liza Soberano.

Samantala, sa kanyang post sa Facebook ay naglabas ng saloobin si Ogie Diaz kaugnay sa kung gaano kahirap maging isang talent manager.

Sabi niya sa kanyang Facebook post:

"Akala n’yo, madaling mag-manage ng talents? Ay, hindi po. Apakahirap. Para kang buntis. Binubuo mo pa lang sa iyong sinapupunan, iniisip mo na ang future niya. 

"Hindi ka lang basta manager — nanay, tatay, kapatid, kaibigan ka din nila. Ibig sabihin, pati personal nilang buhay, kailangan mong gabayan — nang walang komisyon. Nang labas na sa trabaho mo bilang talent manager.

"Pag napapa-trouble sila sa labas, kailangan ka nila. Di pwedeng di mo sila samahan kahit wala ka namang kinalaman. Pag nasasangkot sila sa isyu na sila rin ang may gawa, dahil manager ka, troubleshooter ka din.  

"Akala ng ibang mga mema, kuha lang nang kuha ng komisyon ang talent manager. 

"Hoy, ano’ng feeling nyo? 

"Kakakilala ko lang sa talent ngayon, gusto nyo, sikat na siya next week? 

"Gusto nyo, pag-iri ko sa sanggol ngayon, Grade 6 na siya next week? 

"Eh, kung ganun pala gusto nyo at marunong pa kayo sa manager, ba’t hindi kayo ang mag-manage? Ang dami nyo palang alam, eh. 

"Since 1986 pa ako sa showbiz. Mula sa pagiging alalay ko kay Ate Cristy Fermin (na by the way, kahit saan ako magpunta, lagi kong ipinagpapasalamat na kung hindi niya ako pinagkatiwalaan ay hindi ko naman mararating ang kung anuman ako ngayon, sabihin pa ng iba na magkasalungat pa kung minsan ang mga stand namin sa mga isyu — wala naman kaming pakialam ni Ate Cristy) hanggang sa maging manunulat ako, editor ng ilang magazines, natutong umarte, naging field reporter, radio anchor, segment host na eventually naging talk show host at naging talent manager at ngayon ay nasa vlogging na rin. 

"Binanggit ko na lahat yung pinagdaanan ko kasi gusto kong sabihin sa inyo na hindi ko naman overnight na-achieve ang goal ko in life. Pinatibay din ako ng mga trabahong pinasok ko. 

"Yun ang humubog sa akin, kaya very grateful ako sa mga taong naging bahagi ng success ko. 

"Kaya bukod kay Ate Cristy, gusto kong pasalamatan ang mga kaibigan ko sa industriyang ito na tumulong sa akin (di ko na kayo iisa-isahin, baka me makalimutan pa ako), ang ABS-CBN na anytime gusto kong magka-show, magma-magic lang si Tita Cory Vidanes, the following week, me tatawag nang EP sa akin. 

"Higit sa lahat, wag nating kalimutan pasalamatan ang Diyos kasi sa Kanya galing ang mga blessings. 

"Gratitude and humility, dapat meron ang isang tao para tuloy-tuloy lang ang blessings"

Akala n’yo, madaling mag-manage ng talents? Ay, hindi po. Apakahirap. Para kang buntis. Binubuo mo pa lang sa iyong...

Posted by Ogie Diaz on Monday, 27 February 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Sunday 26 February 2023

Arjo Atayde binasag na ang katahimikan sa tsismis na umanoy kinasal na sina Maine at Alden

Binasag narin sa wakas ni Arjo Atayde ang kanyang katahimikan kaugnay sa tsismis na umanoy ikinasal na sina Alden Richards at girlfriend niyang si Maine Mendoza.

Alden Richards, Maine Mendoza at Arjo Atayde

Si Arjo Atayde na may tunay na pangalan na Juan Carlos  Campo Atayde ay isang actor at politiko na kasalukuyan ngayong nagse-served bilang representative for Quezon City's 1st district since 2022. 

Kilala si Arjo sa kanyang pag-appear sa mga drama series ng ABS-CBN. Kilala rin si Arjo sa pagganap niya bilang Benjo sa web series na Bagman.

Samantala sa isang panayam ibinahagi ni Arjo ang kanyang reaksyon kaugnay sa di nawawalang tsismis na umanoy ikinasal na ang kanyang girlfriend na si Maine sa kaloveteam nitong si Alden Richards.

Ayon kay Arjo, wala raw siyang paki rito kasi marami daw siyang problema sa kanyang dristrito.

"Wala na akong pakialam diyan. Ang dami kong problema sa District One, hindi ko na iyan pinapansin. So much better things to do, and life is moving on,” pahayag ni Arjo sa report ng Philippine Entertainment Portal.

“We’re growing together, that’s the most important thing to me,” dagdag pa niya

Sinabi rin ni Arjo na excited na siya sa mapakasalan si Maine.

“Definitely we’re getting married, I’m very excited. I can’t wait to marry her. I think we’re growing together. I’m enjoying the journey.” sabi ni Arjo 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Vice Ganda nagsalita na matapos magalit ang ilang teachers dahil sa kanyang joke sa Its Showtime

 Binasag narin sa wakas ni Vice Ganda ang kanyang katahimikan matapos magalit ang ilang teachers sa kanyang joke sa Its Showtime.

Larawan mula sa Instagram Vice Ganda

Si Vice Ganda na may tunay na pangalan na Jose Marie Borja Viceral ay isang kilalang comedian, talk show host, television presenter, actor, entrepreneur at singer. Siya ay regular host ng noontime variety show ng ABSCBN na Its Showtime. 

Bumibida narin si Vice sa ilang pelikula at walo sa mga pelikulang ito ang considered to be the highest-grossing in Philippine Cinema.   

Samantala sa isang post, nagpaliwanag si Vice sa kanyang joke sa Its Showtime na ikinagalit ng isang nagpakilalang teacher na pinadalhan siya ng open letter.

Ang open letter sa kanya ay kaugnay sa kanyang joke kamakailan tungkol sa pagtawag ng mga teacher sa estudyante na hindi naman nagtataas ng kamay tuwing may recitation. 

Ayon kay Vice, biruan lamang umano ang ang karakter na Yormeme at di dapat seryosohin. 

"Yun nga lang po at baka hindi n’yo alam na ang ‘Yormeme’ ay isang RUNNING JOKE! Lahat po ng sinasabi ni Yormeme ay mali. Si Yormeme ay isang huwad at magnanakaw na pulitiko. Isa s’yang maling tao. Sana po’y di n’yo siya sineryoso. Kahanga-hanga po ang matalino at maalam. Pero ok din po ang may sense of humor paminsan-minsan,” sabi ni Vice sa kanyang post 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Liza Soberano nagpalit na ng pangalan; hindi masaya sa career niya sa ABSCBN?

Usap-usapan ngayon sa social media ang latest vlog ni Liza Soberano na kung saan naglabas siya ng saloobin tungkol sa naging takbo ng kanyang career sa ABSCBN.

Liza Soberano 

Si Liza Soberano na may tunay na pangalan na Hope Elizabeth Soberano ay isang Filipino American actress, model at singer. Siya ay sumikat sa romantic comedy television series na Forevermore noong 2014–2015 na kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil. Mula na noong ay isa na ang dalawa sa pinakasikat na love team sa Philippine Television.   

Samantala sa kanyang latest vlog ay naglabas siya ng saloobin kaugnay sa career niya sa ABSCBN na kung saan tila  nagpahiwatig ang aktres na ikinahon lamang siya ng ABS-CBN sa tatlong genres. Nabanggit din nito na madalas siyang ipinapares sa kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

“I am 25 years old now and I think people forget that I’ve been working for 13 years now, since I was 12 years old. I’ve been in six feature films, over 500 episodes of teleseryes and have only really dabbled into three main genres—romance, comedy and drama. Since I was 16, I had only really worked side by side with one main co-star, with the same production company, rotating around the same three directors"sabi ni Liza

“During all those years, I was never really asked for my input, my thoughts, my ideas. I felt like I was being told to be just a flower for so long and I finally started to explore a world of being able to create and tell my story and hopefully others.”dagdag pa niya

Pinalitan narin ni Liza ang kanyang pangalan at ngayon ay gusto na niyang tawagin siyang "Hope".

“I've sacrificed my childhood, I've sacrificed my freedom and I've sacrificed my happiness to present Liza Soberano to the world and I think I've earned the right to finally be me, to finally be able to do things for me as Hope Soberano. I've embarked on a fresh new chapter and I'm finally taking control of my life and pursuing dream the I've always had to hold off on it's exciting it's terrifying it's anxiety filled and confusing but what I know for sure is that for the first time, I'm finally living my life for me,” kwento nito.

Panoorin dito ang kabuuan:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Saturday 25 February 2023

Jennica Garcia ipinakita ang ginawang pangungulit ni Christian Bables sa kanya

Ipinakita ni ng "Dirty Linen" star na si Jennica Garcia ang ginawang pangungulit ng isa rin sa mga cast ng "Dirty Linen" na si Christian Bables sa kanya. 

📷 Jennica Garcia Instagram 

Si Jennica Garcia na may tunay na pangalan na Jennica Alexis Maitim Garcia-Uytingco ay isang Filipina actress, host at director. Siya ay anak ng beteranang actress na si Jean Garcia. 

Kamakailan lang ay hinangaan si Jennica dahil sa kanyang galing sa pagganap niya bilang si "Lala" sa hit series na "Dirty Linen" ng Kapamilya Network.

Sa kanyang Facebook post, ay ibinahagi ni Jennica ang ginawang pangungulit sa kanya ng kanyang co-actor sa "Dirty Linen" na si Christian Bables.

Mababasa sa screenshot ng kanilang convo na nag-thank you si Jennica kay Christian. Ngunit tila busy si Jennica dahil hindi na ito nakapag-reply kaya ayon kay Christian ay gugulihin niya raw ito.

Marami namang netizens at sinasabi nilang bagaya silang dalawa.

"Feel ko may chemistry kayong dalawa" 

"Bagay kayo, if ever" 

"Sana loveteam na kayo" 

"Uyy kinilig talaga ako sa inyung dalawa ayeee" 

"Sana di kami umasa napakasweet kasi" 

Narito ang post ni Jennica:

VIBER WITH Christian Bables Classmates and Co-workers, I am studying like crazy here on our location for #DirtyLinen...

Posted by Jennica Garcia on Saturday, 25 February 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Friday 24 February 2023

Vice Ganda nawindang sa prangkang tanong ni Colyn tungkol sa kanyang ngipin

Nawindang si Vice Ganda sa prangkahang tanong nang isang "Isip Bata" contestant na si Colyn tungkol sa kanyang ngipin.

Larawan mula sa Kapamilya Entertainment 

Si Vice Ganda na may tunay na pangalan na Jose Marie Borja Viceral ay isang kilalang comedian, talk show host, television presenter, actor, entrepreneur at singer. Siya ay regular host ng noontime variety show ng ABSCBN na Its Showtime. 

Bumibida narin si Vice sa ilang pelikula at walo sa mga pelikulang ito ang considered to be the highest-grossing in Philippine Cinema.   

Sa isang episode sa Its Showtime kamakailan lang, ay di mapigilang mawindang ni Vice Ganda dahil sa prangkang tanong ng isang "Isip Bata" contestant na si Colyn tungkol sa kanyang ngipin.

"Ba't po maputi ngipin mo?" tanong ni Colyn kay Vice 

Natawa si Vice sa naturang tanong ni Colyn at sabi niya: "Di ba dapat..." 

"Alam mo kung bakit maputi ang ngipin niya? Pipili ka dun. Shampoo, mantika, sabong panlaba o suka. Ano sa tingin mo?" saad naman ni Jhong 

"Di po, suka," sabi naman ni Colyn 

"Ano 'to alahas? Alahas ba 'to? Sinusuka para pumuti." ang natatawang biro ni Vice habang tinuturo niya ang kanyang ngipin

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Thursday 23 February 2023

Aj Raval pinatunayang hindi "kabit"; naglabas ng ebindensya ng chat nila ni Kylie

Pinatunayan ni Aj Raval na umanoy hindi siya "kabit" sa relasyong Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa pamamagitan ng paglabas niya ng ebindensya.



Si Aj Raval na may tunay na pangalan na Janina Carly Buenoso na ipinanganak noong September 30, 1995 ay isang kilalang Filipino actress, YouTube star, at social media star. 

Siya ay anak ng sikat na action star na si Jerich Raval. Kilala si Aj sa pag-appear niya sa Ang Probinsyano noong 2015 at ngayon ay isa na siya sa star ng Vivamax. 

Sa isang post, ay ipinakita ni Aj ang convo nila ni Kylie Padilla ang dating asawa ng kanyang boyfriend ngayon na si Aljur Abrenica para patunayan na okay sila ni Kylie at hindi siya kabit.

Narito ang kanilang convo:

AJ: Nag post na ako ng video namin ni aj, I do respect you pero gusto ko na lang din manahimik mga tao and tigil na sila sa kakahuli saamin nanawa na rin ako hehe. I hope everything is fine.

Kylie: Ok naman ikaw? It’s fine ano ka ba. Wala namang issue sakin. Di naman ikaw ang naging problema namin sa relationship namin before. Di ko rin alam paano gagawin sa sitwasyon. Pinaliwanag ko naman na sa mga tao na hindi ka 3rd party. Hay.”

AJ: Okay ako. Yes yes. Salamat sa pagpapaliwanag. Na appreciate ko yon. At humihingi rin ako ng pasensya sa sayo sa inyo sa na cause ko na gulo. Thank you sa understanding. Can I follow you?

Kylie: Magulo na kami before pa ng lahat eh. Magulo lang talaga. Bka may way para maipakita natin na ok naman na ang lahat. Mag iisip ako ng paraan. Kasi ayoko din yung nangyayari. Nag cacause ng stress of both sides na pwede naman maging ok tayo. Gusto ko mag thank you na inalagaan mo mga babies ko. it means everything na minamahal mo rin sila.

📷 fashion pulis

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Wednesday 22 February 2023

Sharon Cuneta naglabas na ng saloobin sa viral na mga "Memes" pag mayroong handaan

Naglabas na ng kanyang prangkang saloobin si Sharon Cuneta sa mga hiral na "memes" pag mayroong handaan.

Sharon Cuneta nagreact sa mga "balutin mo ako" memes 

Si Sharon Cuneta-Pangilinan ay isang kilalang actress, singer, television host, at socialite. Isa siya sa pinaka-succesful at highest-earning individuals sa Philippine entertainment industry.

Kilala rin si Sharon sa tawag na "Megastar". Si Sharon ay may mga 60 films, nakapag-host ng 10 television shows, at recorded over 40 albums. Marami naring natanggap na awards si Sharon. 

Sa youtube vlog ni Ogie Diaz ay isa sa mga naitanung kung na-offend ba si Megastar matapos laging nababanggit ang kanyang pangalang "Sharon" sa mga handaan na nangangahulugang “magbabalot ng pagkain” para iuwi. Mula kasi ito sa iconic movie niyang “Bituing Walang Ningning. 

Ngunit ayon kay Mega, hindi raw siya na-offend sa katunayan ay tuwang-tuwa pa raw siya rito.

Nagreact narin siya sa mga memes na madalas niyang nakikita sa social media patungkol sa kanya.

"Ang cute naman kasi at least naaalala nila ako ‘di ba?" Sabi ni Mega 

Nang tanungin siya ni Ogie kung na-offend ba siya sa mga ganun. Sagot ni Mega: "“Not at all, not at all. Naaaliw ako, tuwang-tuwa ako!”

Panoorin:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Tuesday 21 February 2023

Ivana Alawi ipinatulfo na ang business partner na involved sa estafa

Dumulong na sa programa ni Raffy Tulfo si Ivana Alawi para isumbong ang kanyang business partner na involved sa estafa.


Raffy Tulfo at Ivana Alawi

Si Ivana Alawi na may tunay na pangalan na Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi ay isang Filipina-Moroccan actress, model, at YouTuber. Huling napapanood si Ivana sa Philippine Television sa ABSCBN hit series na "A Family Affair".  

Sa video na ibinahagi sa youtube channel ni Raffy Tulfo ay nagdemand si Ivana ng refund na nagkakahalaga ng 4.8 million sa kanyang business partners na kung saan inireklamo niya ng estaffa.

Ngunit ayon kay Ivana, hindi raw maipaliwanag ng kumpanya kung bakit hindi sila makapag-refund.

Kaya nagfile na raw si Ivana kasama ang ilang mga biktima ng kaso sa kanyang business partners matapos hindi na ito magbigay ng refund.

"Si Ivana Alawi na may tunay na pangalan na Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi  ay isang Filipina-Moroccan actress, model, at YouTuber. Huling napapanood si Ivana sa Philippine Television sa ABSCBN hit series na "A Family Affair". Sabi ni Ivana 

Ayon kay Ivana last year pa raw siya humihingi ng refund.

"We asked them last year pa na ibalik na lang yung pera kasi they cannot do what we want, hindi nila maibigay yung magandang formula, hindi rin nila maibigay na exclusive. So sabi ko, 'We're not going to work out, i-refund na lang and okay na.' Kasi ako Sir Raffy, ayoko talaga ng mga issue issue o magkaso ng tao" 

Panoorin dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

'Ang Sarap ng Ulam Ko' video ni Vice mabilis na nagviral sa social media

Mabilis na nagviral sa social media ang 'Ang Sarap ng Ulam Ko' video ni Vice Ganda.

Screengrab mula sa Tiktok Vice Ganda

Si Vice Ganda na may tunay na pangalan na Jose Marie Borja Viceral ay isang kilalang comedian, talk show host, television presenter, actor, entrepreneur at singer. Siya ay regular host ng noontime variety show ng ABSCBN na Its Showtime. 

Bumibida narin si Vice sa ilang pelikula at walo sa mga pelikulang niya ang considered to be the highest-grossing in Philippine Cinema.   

Sa kanyang post sa Tiktok, ibinahagi ni Vice ng video kung saan nagpapasalamat siya kay Lord dahil sa masarap niyang ulam.

"Ang sarap ng ulam ko, Thank you Lord" sabi ni Vice 

Sa kanyang caption ay ibinunyag niya na pritong isda ang kanyang ulam na may maraming bawang.

May nakaka-aliw naman na komento ang ilang netizens sa naturang post na kung saan tinag nila si Cristy Fermin na laging nambabatikos sa komedyante.

Photo Screenshot from comment section on Vice Ganda Tiktok

Photo Screenshot from comment section on Vice Ganda Tiktok

Narito ang video:

@unkabogableviceganda Pritong isda na maraming bawang ftw!!! #fyp ♬ original sound - Vice Ganda
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Nora Aunor ibinahaging baliw na baliw noon kay Tirso Cruz

Ibinahagi ni Nora Aunor na umanoy baliw na baliw siya kay Tirso Cruz noon.

Kahit hanggang ngayon raw ay inlab parin siya sa actor


“Alam n’yo naman kung sino ‘yun [Tirso] at hindi ko naman tinatago kung sino ‘yun (si Tirso),” sahi ni Ate Guy sa "Fast Talk ni Boy Abunda nito lamang Feb 20

“Masarap umibig dahil kahit hindi ka niya pinapansin, alam mo na hindi ka niya talaga totoong love, pero sa’yo, ‘yung puso mo para sa kanya, masaya na ako nun,” sey pa ni Ate Guy 

Inamin din niya ng pagkabaliw niya sa actor.

“Sobrang baliw! ‘Pag nag-aaway kami [ni Tirso], iinom ako nun tapos pupunta ako dun sa bahay niya. Hindi ako papapasukin… hanggang magdamag, nandun ako sa labas.” (IS)

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Monday 20 February 2023

Angelica Panganiban at kanyang partner ibinahaging 5 buwan nang puyat sa kanilang baby

Ibinahagi ni Angelica Panganiban na limang buwan na silang puyat ng kanyang partner ng kanilang anak ni Gregg Homan.



Si Angelica Panganiban ay kilalang actress, model, TV host at comedienne. Isa siya sa tinaguriang seasoned and most versatile actresses dito sa Pilipinas. 

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Angelica ang pagdiwang nila ng ika-limang buwan ng kanilang anak na si Amila Sabine nitong Lunes, February 20.

Ipinost ni Angelica ang photos ng celebration ng kanilang anak kasama ang partner na si Gregg Homan at ibinahagi niyang limang buwan na silang medyo puyat.

"5 months na kaming half asleep as parents  pero bakit ang bilis ng panahon ," caption ng aktres.

Ipinanganak si Amila Sabine o Bean noong nakaraang September.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Video ni JK Labajo na prangkahang sinabi na ayaw niyang maging direktor si Darryl Yap viral na

Nagviral ngayon sa social media ang video na kung saan diretsahang sinagot ni JK Labajo na ayaw niyang maging direktor si Darryl Yap. 

 

Jk Labajo at Darryl Yap

Si Jk Labajo na may tunay na pangalan na Juan Karlos Labajo  ay isang actor, singer, songwriter, guitarist, at television personality. Siya ay unang nakilala nang manalo siya bilang 3rd Placer sa The Voice Kid Season 1 noong 2014. Siya ngayon ay kasalukuyang frontman ng bandang Juan Karlos. 

Sa isang panayam, ay diretsang sinabi ni JK na hindi niya bet makatrabaho ang controversial na Direktor na si Darryl Yap. 

"No, I definitely don’t want to be directed by Darryl Yap. I don’t want to work with him,” walang pag-aatubiling sagot ni JK nang matanong ng press sa premiere night ng “Ako Si Ninoy” sa Rockwell Cinema kamakailan. 

Hindi naman niya sinabi kung ano ang dahilan mung bakit ayaw niyang makatrabaho ang nasabing direktor.

@showbiz.on.the.go ♬ original sound - Showbiz On The Go
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Sunday 19 February 2023

Nakaka-aliw na video ng pagsayaw ng mga anak ni Melai viral na

Mabilis na nagviral sa social media ang nakaka-aliw na video ng mga anak ni Melai.


Screengrab mula sa instagram:@mrandmrsfrancisco

Si Melai na may tunay na pangalan na Melisa Bunayog Cantiveros Francisco ay isang kilalang actress, comedian, at host. Nakilala si Melai matapos siyang manalo noong 2009 sa Pinoy Big Brother: Double Up.

Noong 2015 naman ay nanalo si Melai sa t first season ng Filipino version na Your Face Sounds Familiar at ngayon ay kasalukuyan siyang host sa morning talk show na Magandang Buhay na kung saan kasama niya sina Jolina Magdangal at Regine Velasquez.  

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Melai ang nakakaaliw ma video ng kanyang dalawang anak na sumasayaw.

"Always best day ever," sabi ni Melai sa kanyang caption

Good vibes naman ang hatid nito sa ilang mga netizens. Sabi ng ilang netizens:

"Stela is a natural comedian...dami kong tawa."

"Ikaw na ikaw yan bunso mo Ate Melai."

"Liwatas inahan nimo Stela uy."

"Si Steya grabe kengkay. Malamang yan ang Melai junior sa pagpapatawa."

"Clone jud."

Panoorin:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Saturday 18 February 2023

Mga lumang larawan ni Liza Soberano sa isang Prom viral na

Nagviral ngayon sa social media ang mga lumang larawan ni Liza Soberano noong siya ay highschool pa.


Larawan mula sa Publiko 

Si Liza Soberano na may tunay na pangalan na Hope Elizabeth Soberano ay isang Filipino American actress, model at singer. Siya ay sumikat sa romantic comedy television series na Forevermore noong 2014–2015 na kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil. Mula na noong ay isa na ang dalawa sa pinakasikat na love team sa Philippine Television.

Sa viral post ngayon sa social media, ay makikita na ang mga larawan ni Liza Soberano kasama ang isang di nakikilalang lalaki na baka kaibigan o classmate nita noong highschool. 

Makikita pa sa mga larawan na umupo sa paa ng lalaki si Liza.

Maraming namang netizens ang nagreact sa naturang post matapos itong ibinahagi ng Publiko.

Sabi ng ilang netizens:

"Dati pa man pretty na c LIZA at swerte ni boy partner nya minsan nasayaw nya ang tanyag na ngayong idolo ng mga kabataan" 

"Sna magkita uli silang 2 tas magpic din kyo uli" 

"Bata plang sya gnda n tlg nya" 

Narito ang post:

PROM PHOTOS NI LIZA, VIRAL Makaraan mag-viral ang throwback photo ni Joshua Garcia na nag-escort sa sagala bago pa...

Posted by Publiko on Tuesday, 14 February 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Friday 17 February 2023

Karylle usap-usapan matapos magfile ng leave sa Its Showtime

Usap-usapan ngayon sa social media si Karylle dahil sa biglaang pag-file nito ng leave sa Its Showtime.


Karylle and Vice Ganda photo from ABSCBN Entertainment 

Si Karylle na may tunay na pangalan na Ana Karylle Padilla Tatlonghari ay isang kilalang Filipino singer, actress, TV host at musical theatre performer. Siya ay ang isa sa mga original host ng Its Showtime.

Sa isang panayam ibinahagi ni Karylle na nakapag-file na siya ng leave at magfucos sa kanyang project: ang pagbida sa teatro.

“I already filed my leave but for the rest of the cast di ko pa nae-explain yung demands ng show,” sabi ni Karylle sa panayam nito sa ABSCBN News reporter na si MJ Felipe

Ayon kay Mj baka mabahiran na naman daw ng isyu ang pagleave ni Karylle gaya na lamang ng isyu nila kamakailan ni Vice.

Paliwanag ni Karylle: “Ganoon talaga. I think maiintindihan din ng madlang people because yun nga, umpisa pa lang, alam na nilang nag-audition ka, so ngayon na in-announce alam mo ang daming nagri-reply sa social media, nagulat nga ako, parang grabe yung excitement… sa mga Pilipino talaga, alam naman nating mahal na mahal nila si Maria at ang mga Von Trapp. 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Thursday 16 February 2023

Karen Davila hinangaan si Coco Martin dahil sa pagiging hands-on nito sa shooting

Humanga si Karen Davila kay Coco Martin dahil sa pagiging hands-on nito sa sa shooting bilang isang actor at direktor.

 

Larawan mula sa Youtube:Karen Davila

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang kilalang actor, director, at film producer. Siya ay kilala sa mga pinagbibidahan niyang teleserye gaya ng Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan, Ikaw Lamang, Juan dela Cruz, at ang FPJ's Ang Probinsyano. Si Coco Martin sa ngayon ang kasalukuyang bida at isa rin sa Direktor ng Batang Quiapo. 

Sa kanyang youtube vlog ay nakapayam ni Karen Davila si Coco Martin. Sa naturang panayam ay bumilib si Karen dahil sa pagiging hands-on nito kahit na sa mga technical na aspeto.

Sa naturang panayam ay ibinahagi ni Coco na masaya siya dahil sa kanyang ginagawa ngayon bilang isang actor at direktor dahil naging pangarap narin daw niya ito.

Kwento pa ni Coco, wala raw sila ginawang script pagdating sa eksena sa kalye dahil gamay na raw niya ito at binabase lang nila sa eksena.


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Video ni smugglaz na kung literal na "winasak" ang stage viral na

Mabilis na nagviral sa social media ang video ni Smugglaz na kung saan literal na winasak ang stage dahil sa napaka-energetic niyang performance.


Larawan mula sa instagram: smugglaz.187

Si Smugglaz na may tunay na pangalan na Bryan Lao ay isang kilalang rapper dito sa Pilipinas. Isa narin ngayon artista si Smugg matapos siyang maging parte ng "Fpj's Ang Probinsyano" at ngayon naman na kasalukuyang umeere ang hit series ng kapamilya network na Batang Quiapo.

Sa isang video na ibinahagi ng ilang social media users, ay makikita ang napaka-energetic na perfomance ni Smugglaz sa isang concert.

Maraning tao ang nag-hiyawan dahil todo bigay sa pagkanta si Smugglaz. 

Ngunit sa gitna ng kanyang performace ay nasira ang stage dahil sa lakas ng kanyang pagtadyak. Ngunit sa kabila ng nangyari ay tuloy-tuloy parin si Smugg sa pagkanta.

Narito ang video:

Pangalawang beses na yan! Smugglaz 😭 #blvckvalentinerapchallenge #blvckentertainmentproduction #blvckvalentine #fliptop

Posted by Galenn Santos on Wednesday, 15 February 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Rosana Roces di mapigilang magreact sa pabakat ni Joseph Marco

Talagang di mapigilang magreact ni Rosanna Roces sa pabakat ni Joseph Marco sa bago nitong post sa social media.

Joseph Marco/Rossana Roces

Si Rosanna Roces na may tunay na pangalan na Jennifer Adriano Arias na kilala rin sa pangalan na Osang ay isang kilalang actress dito sa Pilipinas. Siya ay ipinanganak noong May 25, 1972.

Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Joseph Marco ang photoshoot niya sa pagmomodel niya ng isang underwear brand.

"decided this year to get out of my comfort zone, so for the first time I’m sharing with you my very first underwear endorsement! Grateful to be part of this family! #HANFORDxJOSEPHMARCO @hanfordph"sabi ni Marco sa kanyang caption 

Umani ng maraming reaksyon ang naturang post ni Marco at isa si Rosanna Roces sa mga nagreact. 

"Dyusko tanghaling tapat may pabakat si mayor!  nagkakasala ako nito! " sabi ni Rosanna  


Pwede mong tingnan nag post ni Joseph Marco dito: https://www.instagram.com/p/CoobsXFpnQF/?utm_source=ig_web_copy_link

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.


Wednesday 15 February 2023

KC Concepcion ibinida ang sweet video kasama ang rumored boyfriend nitong Valentines Day

Ibinida ni KC Concepcion ang video na kung saan kasama niya ang kanyang rumored boyfriend nitong Valentines Day.

Larawan mula sa instagram:kristinaconcepcion

Si KC Concepcion na may tunay na pangalan na Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Si KC ay anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Si KC ay bumida sa mga pelikulang For The First Time (2008) at When I Met U (2009) at sa mga teleseryeng Lovers in Paris (2009), Huwag Ka Lang Mawawala (2013) at Ikaw Lamang (2014).  

Sa kanyang panibagong post sa social media, ibinahagi ni KC ang video niya kasama ang kanyang rumored boyfriend.

Ang naturang video ay kuha nang sila ay mamasyal sa Italy. Ibinahagi ni KC ang naturang video nito Valentines Day.

Sabi pa niya sa kanyang caption: "Happy Valentines, beautiful people " 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...