Tuesday 31 January 2023

Jane de Leon inaming guminhawa ang buhay dahil sa "Darna"

 

Larawan mula sa Instagram:imjanedeleon

Tapat na inamin ng actress na si Jane de Leon na guminhawa ang kanilang buhay dahil sa Darna.

Si Jane de Leon na may tunay na pangalan na  Jane Florence Benitez De Leon ay isang kilalang actress singer, model, at dancer. Siya ay dating miyembro ng noontime show dance group na Girltrends.

$ads={1}

 Siya ay kilala ngayon dahil sa pagganap niya bilang Darna sa Kapamilya Series na kung saan kasama niya si Zaijan Jaranilla na gumanap bilang "Ding" at Janella Salvador na gumanap bilang "Valentina".

Sa isang mediacon, ay tapat na inamin ni Jane na naka-ahon raw sila sa buhay dahil sa seryeng Darna.

$ads={2}

"“Kahit papaano nakaahon po kami, guminhawa po yung buhay namin.”sabi ni Jane sa naturang mediacon 

RECOMMEND FOR YOU: Dina Bonnevie nagreact na matapos tawaging matanda ni Alex Gonzaga

Samantala ayon sa reports ay malapit ng magtatapos ang Darna at ito ay papalitan ng "Batang Quiapo" na pagbibidahan ni Coco Martin.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Monday 30 January 2023

Jericho Rosales nagreact sa viral na sayaw ni Maris Racal dahil sa kakaiba niyang napansin

 

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Jericho Rosales sa nagviral na sayaw ni Maris Racal dahil sa kakaibang napansin ng actor.

Si Jericho Vibar Rosales na kilala rin sa tawag na Echo ay isang kilalang actor dito sa Pilipinas.  Nag-umpisa ang kanyang career matapos siyang manalo bilang Mr. Pogi sa talent search ng Eat Bulaga. At ngayon ay isa na siyang award winning actor at binansagang "Asian Drama King of Primetime." 

$ads={1}

Sa isang video na ibinahagi ni Maris sa kanyang social media account ay nagbigay ng kanyang reaksyon si Echo.

Sa naturang video ay sumayaw si Maris ng sikat na Dance Craze na "Dati-Dat" by Sarah Geronimo. Sa naturang video ay tila may isang lalaki sa likod ni Maris.

$ads={2}

Iyon ang napansin ni Echo na aniya isang delivery rider daw.

“👏🏽👏🏽👏🏽 pero di makapasok si kuya delivery” sabi ni Echo 

Natawa naman si Maris sa komento ng actor.


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook na KAPAMILYA UPDATES.

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee: ‘Anim na taon ko na palamunin’

 


Binasag narin sa wakas ni Pokwang ang kanyang katahimikan sa totoong dahilan sa hiwalan nila ng kanyang partner na si Lee O'Brian.

Si Pokwang na may tunay na pangalan na Marietta Subong ay isang komedyante, actress, television host at singer. Nagsimula si Pokwang sa isang reality show ng ABSCBN. Naging co-host rin siya dati sa Wowowee at isa rin sa mga cast ng Banana Sundae. 

$ads={1}

Sa isang komento, ay sinagot ni Pokwang ang netizen na kung saan sinabihan siya na talakera.

“T@nga nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon kona pala sya palamunin at limang taong walang child support.”sagot ni Pokwang sa basher 

Sinabihan rin ni Pokwang ang basher na wag na sumali baka masali pa raw ito sa demandahan nila ni Lee. Ibinunyag rin ni Pokwang na hindi raw umalis si Lee sa kanilang bahay kundi pinalayas niya ito.

$ads={2}

Tinanong rin ni Pokwang ang netizen kung may gusto ba ito kay Lee dahil sa pagtatangol nito at sinabihan pa niya ito na: "Di ka papatulan nyan kung wala kang pakinabang!!!” 

📷: fashion pulis 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook na KAPAMILYA UPDATES.

Sunday 29 January 2023

Alora Sasam may mainit na resbak sa nagsasabing flop ang mga teleserye ni Kathryn Bernardo

 

Larawan mula sa instagram: alorskieee 

May mainit na reskbak si Alora Sasam sa nagsasabing flop raw ang mga teleserye ni Kathryn Bernardo.

$ads={1}

Matatandaan na kamakailan lang ay mainit na pinag-uusapan ang pangalan ni Kathryn Bernardo matapos ang naging pahayag ni Paolo Contis.

Sinabi kasi ni Paolo na taga-GMA raw ang artista nung nag-number one ang movie ng star cinema na walang iba kundi ang "Hello Love Goodbye" na kung saan kasama ni Kathryn si Alden Richards. 

$ads={2}

Inulan ng pambabatikos si Paolo dahil sa kanyang sinabi at sinagot ito ng actor na sana raw ay panoorin muna nila ang buong interview.

Read Here: Paolo Contis nagsalita matapos inulan ng batikos dahil sa clip ng sinabi niya tungkol Alden-Kathryn Movie 

Sa isang tweet, ay may isang page na nambatikos kay Kathryn. Sabi ng naturang page: “HLG was the highest grossing Filipino film of all time because GMA 7 helped with the promotion. Both Alden and Kathryn carried this film. Kung walang Alden, walang almost 1B na kita. Aminin man natin o hindi, malaki tulong na nagawa ng GMA,”  


“FYI, Kathryn may have box office films under her belt pero nag rate ba ang mga TV shows siya? Name me one.”sabi pa nito sa hiwalay na tweet 

Nang makita ito ni Alora ay agad niya itong niresbakan. Sabi niya: “Isa lang po talaga hinihingi niyo po? [face with hand over mouth emoji] Marami mami. Kahit cameo niya sa Endless Love ng GMA nagrate kaya di na xa pinakawalan ng ABS. FYI.” 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook ns KAPAMILYA UPDATES.

Julia at Gerald super sweet sa isang video sa gitna ng mga pasaring ni Bea Alonzo

 

Larawan mula sa: tiktok @babylovepage/beaalonzo instagram

Viral ngayon sa social media ang video na kung saan sobrang sweet sa isat-isa nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa gitna ng mga pasaring ni Bea Alonzo.

$ads={1}

Kamakailan lang kasi sa fast talk ni Boy Abunda na kung saan guest niya si Bea Alonzo ay inamin ng actress na hindi raw niya kayang makipagkaibigan sa ex niyang si Gerald.

"Hindi because I can never be friends with somebody I cannot trust and somebody who doesn't take responsibility for his actions... So siguro hindi," sabi ni Bea 

Basahin dito: Bea Alonzo walang prenong nasabi na 'di na niya kayang makipagkaibigan kay Gerald Anderson

Sa isang post na ibinahagi sa tiktok ng Team_Anderson ay ibinahagi nito ang sweet video nina Julia at Gerald sa gitna ng mga sinabi ni Bea.

$ads={2}

Sa video ay todo suporta si Julia kay Gerald sa basketball. Nanalo ang team ni Gerald sa naturang laro at super happy si Julia base sa video. 

Panoorin dito: 

@babylovepage may nanalo na! 🔥👏😍 tonights ballout game. #fypシ #geraldanderson #foryoupage #juliabarretto ♬ Kiss It Better (Sped Up) - What Are You Willing to Do? - Hiko
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook ns KAPAMILYA UPDATES.

Saturday 28 January 2023

Video ni Dahlia na todo bigay sa pagkanta viral; Erwan tawang-tawa

 

Larawan mula sa instagram: Erwan Heussaff

Viral ngayon sa social media ang video ni Dahlia Amelie na todo bigay sa kanyang pagkanta.

$ads={1}

Si Dahlia Amelie Heusaff ay anak ng actress na si Anne Curtis at social media influencer na si Erwan Heusaff.  Si Dahlia ay ipinanganak ni Anne sa Australia noong March 2, 2020.

Sa video na ibinahagi ni Erwan sa kanyang instagram stories, ay makikitang naghiking silang pamilya.

$ads={2}

Hindi malaman kung saan ang lugar na ito peru ayon sa netizens ay parang nasa Baguio raw sila. 

Peru agaw pansin naman sa nasabing video ang todo bigay na pagkanta ni Dahlia ng kantang "Old McDonald had a Farm". 

Tawang-tawa naman si Erwa at Anne sa todo bigay na pagkanta ni Dahlia. Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

"So adorable din talaga itong si dahlia so very cute tawang tawa ako ng bumirit ng kanta nagmana kay mommy anne nya so cute! hahaha" 

"Mana ni Anne kung kumanta!" 

Pwede mong panoorin ang video dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook ns KAPAMILYA UPDATES.

Ogie Diaz may prangkang reaksyon sa nagsasabing tila dinogshow raw ang Darna

 

Larawan mula sa Youtube:Ogie Diaz Showbiz Update/ Youtube: ABSCBN Entertainment

Nagbigay ng kanyang prangkang reaksyon si Ogie Diaz sa mga nagsasabing tila 'dinogshow' raw ang Darna.

$ads={1}

Si Ogie Ogie Diaz ay isang Pilipinong comedian, host, at talent manager. Siya ay kilala sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas, at sa kanyang pagiging talent manager para sa ilang mga artista sa showbiz. Siya din ay isang host sa iba't ibang programa sa telebisyon at radio. 

Sa latest vlog ni Ogie sa kanyang YouTube Channel, ay napag-usapan nila ang tungkol sa Darna na ayon sa ilang netizens ay tila dinogshow raw ang ilan sa mga scenes nito.

$ads={1}

Ngunit ayon kay Ogie ay tila sinadya raw ang mga ganitong eksena para mapag-usapan  at madaling matandaan ng mga manonood at abangan pa ang mga susunod na mangyayari.

"Kaya feeling ko sinasadya 'yun para maapektuhan 'yung panonood ng mga tao at ang ending, huh? ba't nagkaganito... Babalikan yung eksena atapos iti-tweet. Ipo-post sa Facebook, ipo-post sa TikTok. Kaya lalong nacu-curious ang mga tao na, ha? San' to? Manood nga ako," sabi ni Ogie 

 "'Pag medyo off 'yung scene, 'pag medyo huh? Ba't nangyari 'yun, dinudukot nila, bina-viral kaya ang ending nagti-trending," dagdag pa niya 

Read Also: Ogie Diaz emosyonal ng makitang bumuti na ang lagay ni Kris Aquino
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook ns KAPAMILYA UPDATES.

Friday 27 January 2023

Video ni Dina Bonnevie sa kanyang birthday usap-usapan; pinatutsadahan ba si Alex?

Larawan screenshot mula sa Tiktok:Astrudtv

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ni Dina Bonnevie sa kanyang birthday na kung saan nag-blow siya ng candle na hawak ng isang waiter.

Si Dina Bonnevie na may tunay na pangalan na Geraldine Schaer Bonnevie-Savellano ay isang beteranang actress dito sa Pilipinas.

Sa aming nakaraang article, ay galit na galit  si Dina na ikinuwento ang kanyang experience sa isang walang bastos na young actress. Napagsabihan raw niya ang nasabing actress ngunit sinabihan raw siya nito na isumbong sa kanyang mommy.

In cased you miss it Read it here: Video ni Dina Bonnevie na galit sa bastos na youngstar at sinabihan umano siyang magsumbong sa mommy niya viral na


Sa isang video na ibinahagi ng make-up artist na si Astrud Lontoc makikitang hawak ng waiter ang birthday cake ni Dina.

Bago niya ito i-blow ay sinabihan muna niya ang waiter na:

 “Hindi kita papahiran ng cake, magpapasalamat ako sa iyo.Cakes are to be eaten and not to be pasted on other people’s faces," sabi ni Dina


Pinatutsadahan nga kaya niya si Alex Gonzaga? Matatandaan kasi na noong ipagdiwang ni Alex ang kanyang kaarawan ay pinahiran niya ng icing sa noo ang waiter na si Allan Crisostomo.

In cased you miss it Read it here: Alex Gonzaga umani ng batikos dahil sa video kung saan nilagyan niya ng cake ang noo ng waiter 

Narito ang video:

@astrudtv Happy birthday Ms. D! Ganan dapat hindi pinapahid ang cake🤧🤣🎂😘 #DinaBonnevie #birthdayparty ♬ original sound - Astrud Gil S. Lontoc
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook na KAPAMILYA UPDATES.

Edu Manzano nagreact sa larawan kanyang apo na ipinost ni Jessy Mendiola

 

Larawan mula sa Showbiz Portal/ Jessy Mendiola Instagram 

Nagbigay na ng kanyang reaksyon si Edu Manzano sa larawan ng kanyang apo na ipinost ni Jessy Mendiola sa Instagram.

Si Edual Manzano na may tunay na pangalan na Eduardo Manzano ay isang kilalang actor, fashion model, TV commercial model, comedian, politician, United States Air Force veteran at television game host. 

Si Edu ay ang ama ng actor na si Luis Manzano. Kasalukuyan karelasyon ngayon ng actor ang actress na si Cherry Pie Picache.

Sa isang komento, ay nagbigay ng reaksyon si Edu sa viral post ni Jessy Mendiola kung saan ipinasilip nito ang half-face ng kanyang apo na si Isabella Rose Tawile Manzano.  

Read Related: Jessy Mendiola prangkang sinagot ang netizen na nagtatanong kung may "something" ba sa kanyang baby kaya hindi nito ipinakita ang mukha

Ayon kay Edu sobrang ganda raw ng kanyang apo.

"Napakaganda ng batang iyan," sey ni Edu 

 

Larawan mula sa Instagram: Jessy Mendiola/@jessymendiola


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook ns KAPAMILYA UPDATES.

Thursday 26 January 2023

Xian Gaza malaki pasalamat dahil di raw kamukha ni Whamos ang anak nito: "Praise the Lord"

 

Malaki ang pasalamat ng social media influencer na si Xian Gaza dahil hindi raw naging kamukha ni Whamos ang anak nito.

Si Whamos Cruz na ipinanganak noong June 1, 1997 ay isang Filipino social media personality at content creator. Kilala siya sa sa kanyang mga dance videos sa Tiktok.

Si Whamos ay kasalukuyang mayroong 5 million followers sa kanyang Facebook at mayroon ring 582k subcribers sa kanyang youtube. 

At nito lamang nakaraan ay nanganak na ang partner ni Whamos na si Antonette Gail. Sa kanyang facebook post ay masayang ipinakita ni Whamos ang mukha ng kanyang anak.

FACE REVEAL NI BABY METEOR #WHAMOSCRUZ

Posted by Whamoscruz on Wednesday, 25 January 2023

Nagkaroon ng pagkakataon na magka-chat sina Whamos at Xian Gaza. Ibinahagi ni Xian sa kanyang social media account ang screenshot ng kanilang convo.

Base sa convo, ay nagpasalamat si Xian sa  Panginoon na hindi umano kamukha ni Whamos ang anak nitong si Meteor.

Sa chat nila Whamos, binati ni Xian ang kapwa influencer sa pagsilang kay Meteor.

Narito ang palitan nila ng mensahe.

Xian: Congratulations!

Whamos: Thank you ninong.

Xian: Kumpare wag sana sasama loob mo sa aking katanungan. Kamukha mo ba inaanak ko? O kamuka ni misis? Sana.

Whamos: Awa ng Diyos kamuka ng asawa ko. Mamaya papakita na namen sa vlog.

Xian: Hallelujah praise the Lord Jesus Christ! Answered prayer! God bless you all! Mahal ko kayo!

Whamos: Punta ka sa binyag ahh.

ABANGAN MAMAYA SA VLOG NILA!

Posted by Christian Albert Gaza on Wednesday, 25 January 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Pasilip ni Luis Manzano sa kanyang baby viral na

 

Nagviral ngayon sa social media ang pasilip ni Luis Manzano sa baby nila ni Jessy Mendiola.

Si Luis Manzano na may tunay na pangalan na Luis Philippe Santos Manzano na kilala rin sa tawag na Lucky ay isang kilalang TV host, actor, comedian, VJ, at model. Siya ay anak nina Edua Manzano at Vilma Santos.

Kilala si Luis sa mga roles niya sa television series na Komiks Presents: Flash Bomba bilang Roldan Legaspi at sa 2009 film na In My Life bilang Mark Salvacion. 

Kamakailan lang ay ipinanganak ni ng asawa ni Luis na si Jessy ang kanilang unang baby na si Isabella Rose Tawile Manzano. 

Maraming netizens ang natakam na makita ang mukha ng kanilang baby dahil hindi pa nila ipinakita ang itsura nito.

Sa bagong post ni Luis sa social media, ay may pasilip ang actor sa itsura ng kanilang baby. Ipinakita niya ang kalahati nitong mukha. 

"Our Peanut" sabi ni Luis sa kanyang post 

Marami namang netizens ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon sa nasabing post ni Luis. Sabi ng ilang netizens: 

"Absolutely precious! Thanks for showing us the beautiful eye of Ms. Peanut.Magandang bata mana sa Mommy." 

" What a beautiful peanut! God bless you!" 

"So adorable!" 

Narito ang post ni Luis:

Our Peanut ❤️

Posted by Lucky Manzano on Thursday, 26 January 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Jennica Garcia trending ngayon dahil sa kanyang "Evil Smile" sa Dirty Linen

 

Top Trending ngayon sa twitter si Jennica Garcia dahil sa kanyang "Evil Smile" sa teleseryeng "Dirty Linen".

Si Jennica Garcia na may tunay na pangalan na Jennica Alexis Maitim Garcia-Uytingco ay isang Filipina actress, host at director. Siya ay anak ng beteranang actor na si Jean Garcia.

Nagtrending ang pangalan ni Jennica sa twitter dahil sa pagganap niya sa isang karakter sa bagong palabas ng kapamilya network na Dirty Linen.

Isa sa mga nagpa-shiock ng mga netizens ay ang "Evil Smile" ni Jennica sa nasabing serye.

"Yung transition ni Jennica Garcia from shocked to evil smile, ang smooth. Why is the industry sleeping on her. Tama yung nagmessage siya sa isa sa mga ABSCBN bosses for a role and she didn’t disappoint. So far, galing niya. More projects pa for her,” sabi ng netizen 

"Jennica Garcia is back!! Hindi masasayang yung talent nya sa ABSCBN. Galing nya super. Yung actingan nya ngayon kakaiba. Yung halatang may gigil at bigay na bigay. Grand comeback sa actingan talaga. Yung role nya kakaiba tlga." sabi ng isang netizen 

"So happy Jennica Garcia is given a role where she can exhibit her acting prowess. Yung shift from a very soft-spoken mom of two into a femme fatale, ang galing. It’s in the genes nga talaga.”sabi naman ng isang netizen

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Wednesday 25 January 2023

Dani Barretto nagsalita na sa pag-upload niya ng controversial cake video ni Alex Gonzaga

 

Binasag narin sa wakas ni Dani Barretto ang kanyang katahimikan kaugnay sa pag-upload niya ng video na kung saan pinahiran ni Alex Gonzaga ng cake ang isang waiter.

Ang naturang video ay naganap sa 35th birthday ni Alex. Dahil sa naturang video ay inulan ng pambabatikos si actress.

Sa isang report ay ibinahagi ng naturang waiter na si Allan na humingi na ng tawad sa kanya si Alex at okay narin sila. Naglabas narin si Alex ng public apology kaugnay sa nasabing insidente.

“On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment. I am truly sorry, Kuya Allan.To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person,” sabi ni Alex sa kanyang public apology 

Sa isang interview, ay binasag na ni Dani ang kanyang katahimikan kaugnay sa pag-upload niya ng  nasabing video. Aminado siya na nagsisi siya sa kanyang ginawa.

"Regrets? Of course, of course, I do have regrets kasi nakasakit po ako ng tao. Siyempre, wala po sa intensyon kong makasakit, lalo na po on her birthday. Siguro yun yung pinakamabigat sa akin na nakasimula ako ng isang bagay na hindi ko naman ginusto" sabi ni Dani

"Kasi very important sa pamilya namin yung mga Gonzaga kasi, they're very loving to our family. Alex is a very good friend of my sister. So talagang mahal na mahal ng pamilya namin ang mga Gonzaga and vice versa. So masakit sa akin na nakasakit ako ng tao dun sa video na yun," dagdag pa niya 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.


TV Patrol Anchors nagreact sa pagsanib pwersa ng ABSCBN at GMA

 

Nagbigay ng kani-kanilang reaksyon ang mga TV Patrol Anchors sa historical na pagsasanib pwersa ng ABSCBN at GMA.

Nito lamang January 23, ay naiulat sa TV Patrol ang partnership ng nasabing mga bigating networks sa Pilipinas kasama narin ang Viu Philippines, para sa teleseryeng Unbreak My Heart. 

Ang naturang teleserye ay pagbibidahan ng mga Kapamilya Stars na sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia at Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Richard Yap. Ipapalabas ang naturang serye sa GMA at Viu Philippines. 

Matapos nila itong nireport ay nagbigay ng kanilang reaksyon sina Karen Davila, Bernadette Sembrano, Henry Omaga Diaz at Noli de Castro.

"Wow, congrats, ang pagsasama…" sabi ni Karen 

"Kapamilyang may puso," sabi naman ni Noli 

"Kapusong may Kapamilya."sabi naman ni Bernadette 

"Di mo akalain, ano. Last year nag-iisip ka, ‘Aba, imposible ata mangyari yon." sabi naman ni Henry 

Sa kanilang closing speils ay dinagdagan na nila ng kapuso.

Karen: "Congratulations, we are so happy. At yan ang mga balitang binantayan namin para sa inyo. Ako po si Karen Davila."

Bernadette: "Mga Kapuso, ako po si Bernadette Sembrano, nandito po kami para sa inyo saan man sa mundo."

Henry: "Ano mang hamon, ano mang panahon, ano mang channel, tapat kaming maglilingkod. Ako po si Henry Omaga-Diaz."

Noli: "Ako naman po ang inyong Kabayan, Kapamilya, Kapuso, Kapatid, Noli de Castro, nagpapasalamat at nag-iiwan ng isang magandang gabi, bayan."

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.


Tuesday 24 January 2023

Ogie Diaz sinagot ang nambabatikos kay Ria Atayde matapos kunin itong Calendar Girl

 


Ipinagtanggol ni Ogie Diaz si Ria Atayde laban sa mga nambabatikos nito matapos itong kuning Calendar Girl sa isang Whiskey Brand.

Si Ria Atayde na may tunay na pangalan na Maria Sophia Campo Atayde ay isang kilalang actress dito sa Pilipinas. Siya ay anak ng beteranang actress na si Sylvia Sanchez at businessman na si Art Atayde. 

Nagsimula ang kanyang professional career sa drama series na Ningning at variety show na It's Showtime. Si Ria din ngayon ang 2023 Calendar Girl ng White Castle Whiskey.

Sa vlog ni Ogie Diaz, ay ipinagtanggol niya si Ria laban sa mga basher na nambabatikos nito matapos siyang kunin bilang Calendar Girl.

 "Nung araw kasi, sanay ang mga tao na sëxy girls talaga. Ito kasi parang hindi sila sanay na hindi na sëxy girl at chubby girl daw ang kinuha sa katauhan nga nitong si Ria Atayde. Pero sa totoo lang ah, jusko, pag nakita niyo si Ria Atayde. Una, kaganda-ganda ng mukha. Yung katawan, kaya mong tanggapin." Depensa ni Ogie sa mga basher ni Ria 

Sabi pa ni Ogie:"Walang pinipili sa mga gustong uminom. Ikaw ba, pag iinom ka ng liquor, 'Ay wag. Hindi ka sëxy, wag kang uminom ng alak.'" 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Gigi de Lana bumwelta sa basher nang sabihan siyang "Pumang*t" dahil sa kanyang short hair

 

Larawan mula sa Instagram ni gigidelanaofficial

Di mapigilang bweltahan ni Gigi de Lana ang kanyang basher matapos siyang pagsabihan na "pumang*t" dahil sa kanyang short hair.

Si Gigi de Lana na may tunay na pangalan na Mary Gidget Dela Llana ay isang kilalang Filipino actress, singer, dancer, at model. Si Unang sumikat si Gigi nang maging finalist sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime.” 

Naging instant star naman siya nang mag-viral ang mga online session ng kanyang grupong The Gigi Vibes noong kasagsagan ng pandemya. 

Sa isang video na pinost niya sa kanyang social media account, ibinahagi niya ang sinabi ng basher sa kanya tungkol sa kanyang short hair.

"Guys, alam niyo super valid ‘yung mga comments niyo sa akin: ‘Pumang*t ka,’ Mas bagay sa’yo ‘yung long hair mo,’ ‘Bakit ka nagpagupit?’ ‘Pa-hair extensions ka na lang,” sabi ni Gigi 

Pasimple din niyang binweltahan ang kanyang basher: "Guys, kahit magpakalbo ako, wala tayong magagawa. Kayo din naman nagpapagupit. Kung trim-trim lang, nagpagupit pa rin kayo. Okay lang yan." 

Pinagtanggol naman si Gigi ng ilan sa kanyang mga fans. Sabi ng ilan sa kanyang fans.

"You look gorgeous Ms. Gigi. Deadma sa mga mapanglait n bashers!”

“Still look pretty in any hairstyle. Don’t mind the others!”

“You are beautiful, Period. You look good w/ short,long or no hair! That’s okay!” 

Panoorin dito ang video:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Monday 23 January 2023

Coco Martin handa ng magsettle down: "Nasa puso ko na yung right one.”

 

Ibinahagi ni Coco Martin na handa na umano siyang magsettle down. 

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang kilalang actor, director, at film producer. Siya ay kilala sa mga pinagbibidahan niyang teleserye gaya ng Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan, Ikaw Lamang, Juan dela Cruz, at ang FPJ's Ang Probinsyano. 

Ngayon ay kasalukuyan siyang gumagawa ng pelikula na FPJ's Ang Batang Quiapo kung saan ka-love team niya ang anak ni Fernando Poe Jr. na si Lovi Poe. 

Sa isang press conference ibinahagi ni Coco na handa na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya.

Sabi ni Coco: "Normal lang akong tao. Actually kahit noong dati pa, naka ready ako kung ano man yung haharapin ng buhay ko. Kung may dumating mang isang tao na siya makakasama ko sa habang buhay, nakahanda po."Pero bago mangyari [yun], ang talagang hinanda ko po muna yung pamilya ko, yung mga kapatid ko.

"Kasi ang pangarap ko, ayoko yung ako meron, may maganda akong buhay, maayos yung tinitirhan ko, tapos yung mga kapatid ko hindi. Gusto ko pantay-pantay kami.

"Hindi man parehung-pareho, pero alam ko na kung sakaling magbubukod na ako o paghahandaan ko na yung sarili kong buhay, alam ko na kampante ako na naiayos ko na ang lahat ng buhay nila."Kasi sabi ko na mahirap nga po kasi na lumaki ka sa broken family. Pero, may advantage din po yun.

"Dahil lumaki ako sa broken family, ayoko mangyari sa buhay ko yun. Kaya sabi ko nga, kung naapektuhan man yung mga kapatid ko, hindi ko ginawang ano yun, kahinaan. Which is yun po yung nagpalakas po sa akin, para tumayo nng ganito, para lumaban.

"Kasi sa totoo lang po, mahiyain ako, e. Pero natuto ako dahan-dahan, lumakas yung loob ko, kumapal ang mukha. Bakit po, sinabi ko, ‘Pag ako naging mahina, paano yung mga kapatid ko?’

"Ginawa ko po, talagang nagsumikap ako – kayod, kayod nang kayod nang kayod. Hanggang ngayon po, kagaya ng kinukuwento ko, ngayong maayos na po sila, anytime, anytime po, nakahanda po ako para sa sarili ko." 

Sabi pa ni Coco: "Kung naayos ko yung pamilya ko, handang-handa na rin po ako, magkakaroon po ako ng sarili kong pamilya." 

Hindi rin sinabi ni Coco kung sino ang kanyang the right one peru: "Nasa puso ko na yung right one."sabi niya  



Toni Gonzaga 'hirap na hirap' raw makakuha ng guest sa kanyang show?

 

Hirap na hirap diumano si Toni Gonzaga na makakuha ng guest sa kanyang show sa AMBS ani source ni Cristy Fermin.

Si Toni Gonzaga ay isang kilalang is a singer, entrepreneur, host, actress, producer, vlogger, at singer dito sa Pilipinas. Siya ay ang dating lead host ng kapamilya reality show na Pinoy Big Brother.

Nakapagdisesyon ang actress na magresign sa PBB matapos niyang suportahan ang kandidatura ni Pangulong Bong Bong Marcos na kasalukuyan ngayon Presidente ng bansa.

Kamakailan lang din ay bumida si Toni sa MMFF entry na My Teacher kung saan kasama niya si Joey de Leon. 

Sa online show ni Fermin, ibinunyag nito na hirap na hirap raw si Toni makakuha ng guest sa kanyang show sa AMBS.

"Meron akong chika. Totoo ba na si Toni Gonzaga, hirap na hirap sa pagkuha ng guest sa kanyang show sa AMBS-2? Hirap na hirap daw," sabi ni Fermin 

Ayon kay Fermin, baka raw ay dahil ito sa pulitika.

"Parang gusto raw sabihin nung mga iniimbita, ‘Eh teka muna, magkalaban nga tayo nun, pagkatapos ngayon papailalim ako sayo?’ Parang ganun."sabi ni Fermin 

"Ako ito ah, obserbasyon ko 'to ah, syempre alam ko naman ang nangyayari diba? At nanonood tayo. Parang maling sigaw yung AMBS ano? Parang hindi ito yun panahon para sila ay pumasok sa mundo ng pagne-network"dagdag pa ni Fermin 

Totoo kaya ito? Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Vice Ganda handang gumastos ng milyon para magkaroon ng anak

 

Nakahanda na si Vice Ganda na gumastos ng malaking halaga para magkaroon sila ng baby ni ng asawa niyang si Ion Perez.

Si Vice Ganda na may tunay na pangalan na Jose Marie Borja Viceral ay isang kilalang comedian, talk show host, television presenter, actor, entrepreneur at singer. Siya ay regular host ng noontime variety show ng ABSCBN na Its Showtime. 

Bumibida narin si Vice sa ilang pelikula at walo sa mga pelikulang niya ang considered to be the highest-grossing in Philippine cinema. 

Ikinasal narin si Vice sa kanya ngayong asawa na si Ion Perez sa Las Vegas noong October 2021. 

Sa isang vlog ni Isko Moreno ay ibinahagi ni Vice na gusto na niyang magkaroon ng baby. Dati raw ay wala pa siyang plano ukol sa pagkababy ngunit ngayon ay handang-handa na siya.

“Dati talaga no-no kahit nga ‘di biological kahit biological, no-no talaga ako. Ayoko kasing i-subject ‘yung magiging anak ko sa social injustices, sa discrimination,”sabi ni Vice 

Ibinahagi rin ni Vice na wala na siyang pakialam sa kung ano ang sasabihin ng iba ang mahalaga sa kanya ay ma-build niya ng maayos ang personality ng kanyang magiging anak.

"Until I met Ion at na-build ‘tong relationship namin and I found it really so beautiful; na sabi ko na kayang-kaya naming magka-baby “Bigla lang, ‘Ay gusto ko nang magka-baby. Wala na ‘kong pakialam sa sasabihin nila. Ang mahalaga na lang ay ibi-build ko ‘yung personality ng magiging anak ko; ‘yung character niya," kwento ni Vice 

Sa naturang interview, ibinahagi ni Vice na kumunsulta na umano siya sa mga medical experts sa Amerika. Base sa investopedia.com, tinatayang aabot sa $100,000 o 5milyon pesos hanggang $250,000 o P12,5000,000 ang pagpapa-surrogate. 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Sunday 22 January 2023

Sunshine Dizon may prangkang sagot sa mga basher sa pagbabalik niya kapuso

 

May prangkang sagot ang batikang actress na si Sunshine Dizon sa kanyang mga basher sa pagbabalik niya sa Kapuso Network matapos makagawa ng isang serye sa ABSCBN.

Si Sunshine Dizon na may tunay na pangalan na  Margaret Sunshine Cansancio Dizon ay isang award-winning actress, director at producer. Siya ay tinawag na “Daytime Drama Queen” sa ibat-ibang media outlet dahil sa galing niya sa pag-arte.

Sa kabila ng kawalan ng prankisa ng ABSCBN, ay lumipat si Sunshine sa Kapamilya Network. Siya ay naging parte sa ABSCBN series na Marry Me, Marry You na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez at Jake Ejercito. 

Ngayon namang 2023, ay bumalik na si Dizon sa GMA Network at isa sa mga cast ng upcoming show ng kapuso network na "Mga Lihim ni Urduja".

Ngunit sa kanyang pagbabalik kapuso, ay tila ilang netizens ang hindi ito nagustuhan. Kaya sa kanyang twitter ay diretsahan niyang sinagot ang kanyang basher.

"Wag pong kuda ng kuda hindi mo alam ang real story. wala akong na burn na bridge. I can work with anyone i want to work with. I can also choose not to work kung gusto ko. Wag masyadong nag MAMARUNONG. TY" sabi ni Sunshine 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Sylvia Sanchez prangkang sinagot ang basher ni Ria Atayde dahil sa pagiging Calendar Girl

 

Prangkang sinagot ni Sylvia Sanchez ang basher ng kanyang anak na si Ria Atayde na maalalang naging Calendar Girl ng White Castle Whiskey.

Si Sylvia Sanchez na may tunay na pangalan na Jossette Campo-Atayde ay isang beteranang actress at comedian dito sa Pilipinas. Siya ay ang asawa ni Art Atayde at ina ni Ria at actor na si Arjo Atayde.

Sobrang proud kamakailan si Sylvia sa pagiging Calendar Girl ni Ria sa naturang Whiskey Brand. Ibinahagi niya kamakailan sa kanyang instagram ang ilang larawan ni Ria bilang Calendar Girl. 

Kalakip ng mga larawam ay ang mensahe niya bilang proud mother sa anak. "I’m so proud of you Potpot White Castle Whisky’s 2023 Calendar Girl love you @Ria"sabi ni Sylvia 

Sa panayam ng Push kay Sylvia, ay ibinahagi niya na mayroong nambabatikos sa pagiging Calendar Girl ni Ria. Ngunit wala raw siyang pakialam nito dahil masaya naman ang kanilang buhay.

“Merong nag-ba-bash kay Ria pero wala akong pakialam sa kanilang lahat. You know why? Masaya ang buhay ng anak ko, masaya kaming pamilya. Okay ang anak ko. So bakit ko iintindihin 'yung mga taong bashers na mga walang mukha? So mas prioirty ko ang kaligayahan ng anak ko, mas importante sa akin si Ria kesa sa mga bashers. Ngayon may kasabihan nga, pag inggit, pikit (laughs),” sabi ni Sylvia  

Anong masasabi mo sa balitang ito? Mag-iwan ng iyong komento at maraming salamat sa pagsuporta mga ka-tabloid.


Saturday 21 January 2023

Moira nagreact sa netizen na manood ng concert niya sa Qatar na nagpapadala ng dangdit

 

Napareact ang kilalang hugoterang  singer na si Moira dela Torre sa isang netizen na manonod ng concert niya sa Qatar na nagpadala ng danggit sa singer.

Si Moira dela Torre na may tunay na pangalan na Moira Rachelle Bustamante Dela Torre ay ipinanganak noong November 4, 1993. Siya ay kilalang Filipino singer-songwriter. 

Kilala si Moira dahil sa mga hugot niyang kanta. Unang nakilala si Moira sa cover  niya ng kanta ng Imago na "Sundo", Moonstar88 na "Torete", at ang Himig Handog-winning single "Titibo-Tibo".

Viral din si Moira kamakailan lang matapos silang maghiwalay ng asawa niyang si Jason Hernandez. Ang kanilang relasyon ay nag-last lang ng tatlong taon.

Samantala sa post ng Kapamilya Online World ay ibinahagi nito ang screenshot ng convo ni Moira at ng isang netizen.

Ayon kasi netizen magpapasabay raw siya ng danggit kay Moira at bayaran na lang daw niya pagdating dahil manonood daw siya ng concert ng singer sa Qatar.

"Manunood po ako ng concert mo sa Qatar. Pwede pasabay po ng danggit? Bayaran q dito,” sabi ng netizen  

"Hanep," ang sabi ni Moira sa naturang netizens 

Good vibes naman ang hatid ng komento ng netizen.

Photo from: Kapamilya Online World





Video Creator Dra. Krizzle Luna humingi ng panalangin matapos maaksidente

 

Humihiling ngayon ng panalangin ang video creator na si Dra. Krizzle Luna matapos siyang naaksidente.

Sa kanyang post sa Facebook, ibinahagi niya ang video kung saan makikita ang kanyang kalagayan ngayon matapos maaksidente.

Kwento ni Dra Krizzle, nawalan daw ng preno ang kasalubong nilang sasakyan kaya bumangga ito sa kanila.

Nagpapasalamat naman si Dra. dahil binigyan pa siya ng panginoon ng pangalawang buhay.

"Please, pray for my recovery. Pray for my family na malagpasan namin ito,"ani Krizzle sa kanyang video 

Kasalukuyan naman siyang nagpapagaling ngayon sa natamo niyang injury.

Pwede mong panoorin ang video dito: https://fb.watch/ibo2HhAM7N/ 

Sa mga hindi nakakakilala kay Dra. Krizzle, siya ay isang sikat na video creator na ang kanyang content ay tungkol sa mga health tips.


Friday 20 January 2023

Mainit-init pa! Glenda dela Cruz hiwalay na sa kanyang partner?

 

Usap-usapan na naman ngayon sa social media ang post ng social media influencer at CEO na si Glenda dela Cruz.

Sa kanyang post kasi ay tila nagpahiwatig ito na may pinagdadaanan ngayon.

"Today, marami akong narealize. Sa lahat ng success, hindi talaga palaging 100% ibibigay sa'yo. I am SORRY. Because I know everyone will be dissapointed, kasi kung ano pa yung dapat kong ayusin, hindi ko na maayos. "sabi niya sa kanyang post

Dagdag pa niya wag daw ipilit ang mga bagay-bayag.

"Huwag ng ipilit ang mga bagay na hindi na kayang ipilit pa. Today, I'm officially ending a memorable chapter of my life... " Sey pa ni Glenda

"Kaya pasensya na kayo, inactive ako lately. Kailangan kong pagdaanan ang mga bagay na dapat kong pagdaanan." sabi pa ni Glenda

Ang nakaka-intriga ay nang sinabi niya ang tungkol sa lovestory na hindi daw lahat may happy ending.

"Hindi lahat ng love story, happy ending. Still thankful, grateful, thank you for the memories... "sey ni Glenda 

Hiwalay na kaya sila ng kanyang partner? Ano sa tingin niyo mga ka-tabloid.



Jessy Mendiola may pasilip sa baby nila ni Luis Manzano

 

Nagpasilip ang actress na si Jessy Mendiola sa baby nila ni Luis Manzano. 

Sa kanyang post sa instagram stories, ay ibinahagi ni Jessy ang ilang snap sa baby nila ni Luis.

Matatandaan na kamakailan lang masayang wenelcome nina Luis at Jessy ang kanilang baby girl na si Isabella Rose.

Sa una niyang post ay makikita na natutulog ang kanilang baby kasama ang ama nitong si Luis.

Sabi niya sa kanyang caption "Tulog na tulog kay papa" followed by a red heart emoji.  

Screenshot from Jessy Mendiola's Instagram (@jessymendiola)

Sa isa naman niyang post ay naghayag siya ng pagmamahal sa kanyang anak. "I love you ana" sabi niya sa caption 

Screenshot from Jessy Mendiola's Instagram (@jessymendiola)

Sa isa namang post ay maraming netizens ang naalaw sa post ni Jessy tungkol sa kanyang aso na aniya ay nagseselos raw ito.

"Yung isa rin naming baby nagseselos"sabi ni Jessy sa kanyang post 

Screenshot from Jessy Mendiola's Instagram (@jessymendiola)

Nagkabalikan? Elisse Joson at Mccoy naispatang magkasama

 

Nagviral ngayon sa social media ang ilang mga larawan kung saan spotted na magkasama sina Mccoy de Leon at Elisse Joson.

Ang nasabing video ay ipinost ng netizen sa tiktok nito lamang January 17, 2023. 

Kasama din nila ang kanilang anak na si Baby Felize sa Sky Ranch Tagaytay.

Kaya naman maraming netizens ang napatanong kung nagkabalikan na ba ang dalawa.

Matatandaan kasi na kamakailan lang ay inamin ni McCoy na hiwalay na sila ni Elisse ngunit walang ibang involve sa kanilang hiwalayan.

Sabi ng ilang netizens:

"sana magkaayus na kayu wala nmn perpektong relastion !! at sana kung may prob kayu ayusin in private and mag away kayu in private para nlng din sa anak nio godbless" 

"Sana wag kayong maghiwalay mag intindihan kayo alang alang sa anak niyo be happy" 

Panoorin:

@azr.914 @Mccoy De Leon @felizemckenzieee Nahiya naman po yung braso ko sa braso po ni Maam Ellise. Sobrang ganda at sexy. 😍 Sobrang cutie din ni felize. 😍 Sobrang bait po nila. kinausap pa po si baby kahit tulog. Hehe. #ellisejoson #mccoydeleon #felizemckenzie #sweetcouple #happyfamily ♬ Jopay - Mayonnaise

Thursday 19 January 2023

Mikee Morada aminado sa pagkakamali ni Alex: "Nagkamali talaga siya!’

 

Binasag narin sa wakas ni Mikee Morada ang kanyang katahimikan kaugnay sa isyu ng kanyang asawang si Alex Gonzaga.

Ang nasabing isyu ay tungkol sa pagpahid ni Alex ng icing sa noo ng isang waiter sa kanyang 35th birthday.

Humingi na ng tawad si Alex sa naturang waiter at sinabi rin ng waiter na okay na sila.

Sa isang posy ay inamin ni Mikee na nagkamali ang kanyang asawa.

"Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration. Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa,” saad ni Mikee sa kanyang post

“Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya. Na recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan" dagdag pa niya 

Aminado rin si Mikee na nasasaktan siya sa mga pambabatikos na natanggap ng kanyang asawa dahil sa insidente.

“Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya. Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa. Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito.”

“Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan.”

“Nakakahiya din sa employer ni Kuya Allan na ngayon ay napilitan nang maglabas ng statement dahil ayaw silang tigilan ng mga nais na lalong magpalaki ng isyung ito. Humihingi kami ng paumanhin sa inyo.”

“Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat.”

“I love you!,”


Dolly De Leon gaganap bilang stepmother ni Jason Schwartzman sa isang Hollywood Comedy

 

Kinuha bilang parte ng isang Hollywood Comedy film ang batikang actress at 'Dirty Linen' star na si Dolly de Leon.

Siya ay gaganap bilang stepmother ni Jason Schwartzman.

Ayon pa sa report magsisimula na daw Filming sa darating na March.

Maraming namang netizens ang masaya sa bagong project ni Dolly.

Sabi ng ilang netizens:

 "wow. congrats inang dolly. proud pinoy" 

"Taray! Yan ang tahimik lang pero matindi ang pasabog. Goodluck Dolly! So happy for your success." 

"Wow, she's becoming mainstream in Hollywood. Congrats and more projects for you!" 



Wednesday 18 January 2023

Pambansang Kolokoy nagmukbang kasama ang isang "special" sa kanya na si Gladys Guevara

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang latest vlog ni Pambansang Kolokoy.

Sa nasabing vlog, ay ipinakilala niya ang kasama niya sa pagmu-mukbang.

Ayon kay Pambansang Kolokoy ang babaeng ito raw ay special kaya naghanda siya ng very special na pagkain.

Kasama din niya ang isang napaka-cute na baby ngunit hindi pa malinaw kung anak niya ba ito.

Nang ipinakilala na niya ay ang bumaba sa hagdan ang actress na si Gladys Guevarra at aksidente pa itong nadulas dahil sa lauran ng baby.

Hindi ngayon malinaw kung ano ang totoong ugnayan ng dalawa.

Matatandaan na naghiwalay si Pambansang Kolokoy kamakailan lang ng kanyang partner na si Marites.

Panoorin dito:


Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...