Saturday 31 December 2022

Vice Ganda gusto na umanong magka-baby ngayong 2023

 

Ibinahagi ni Vice Ganda na gusto umano niyang magkababy ngayong darating na 2023 sa asawa niyang si Ion Perez.

Sa recent interview ng entertainment press, ay napag-usapan nila ang tungkol sa pagkakaroon ng baby sa asawa niyang si Ion ngunit sobrahg busy raw ng kanyang schedule.

"Mahirap magka-baby pero hindi ko siya maharap. Gustong gusto ko na," sabi niya 

Ibinahagi rin ni Vice na gustong-gusto raw niya magkababy peru marami daw siyang ginagawa.

"Actually ang laking part sa buhay ko na ayokong i-subject yung anak ko sa cruel world like scrutiny sa pamilya, sa jowa. Pero now kaya ko ng protektahan ang anak ko. Gusto ko na pero hindi ko talaga siya maharap dahil ang dami-dami kong ginagawa,” sabi ni Vice 

 “I still don’t have the luxury of time to do other things that I want to do. Kahit meron (time) naagaw pa rin talaga,”dagdag pa ni Vice 



Thursday 29 December 2022

Dimples at Jolina may nakaka-intrigang komento sa sweet photos nina Carlo at Charlie Dizon

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang sweet photos nina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Sa Instagram post ni Charlie, ibinahagi nito ang larawan nila ni Carlo kasama ang kanilang kaibigan.

"Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother " sabi ni Charlie sa kanyang post 

Sa comment section ay kapansin-pansin ang nakaka-intrigang komento nina Jolina Magdangal at Dimples Romana.

"Ayun na!!!" sabi ni Jolina 

Samantala si Dimples naman ay nagkomento ng emoji na "Smiling Face with heart shape eyes". 


Narito naman ang post ni Charlie.

Kaya naman maraming netizens ang napatanong kung may namamagitan nga ba kina Carlo at Dimples.

Xander Ford proud na ipinakilala ang kanyang baby; may mensahe sa bashers

 

Proud na ipinakilala sa publiko ni Marlou Arizala o mas kilala bilang Xander Ford ang kanyang baby.

Sa kanyang post sa Facebook, ibinahagi ni Xander ang video sa pagpanganak ng kanyang partner.

Ang kanyang bagong silang na sanggol ay pinangalanan niyang Xeres Isaiah.

"Sobrang saya ko. Alam ko talagang baby ko siya dahil sa akin siya nagmana. Pero tatanggapin ko siya nang lubos."sabi ni Xander

"Sa lahat ng mga viewers ko at mga basher ko, eto na po sila. Sobrang successful po ng panganganak po ng asawa ko. Salamat po Lord dahil tinulungan pong makaraos ang aking asawa," dagdag niya.

Inihayag pa ni Xander na "sobrang saya, sobrang tuwa ko dahil sa akin talaga siya nagmana."

"Proud ako na anak ko siya," sabi pa ni Xander

Panoorin:

Si Marlou Salcedo Arizala ay ipinanganak noong May 11, 1998. Siya ay kilala rin sa publiko bilang Xander Ford.

Wednesday 28 December 2022

Vice Ganda binili ang 30 sakong bigas para sa nadaanang magsasake ng palay

 

Abot langit ang saya ng magsasake ng palay nang bigyan sila ni Vice Ganda ng bigas.

Sa vlog kasi ni Vice ay may nadaanan sila kasama ang kanyang tatlong kaibigan na sina Donna, Negi at Petite na mga tatlong lalake na nagsasake ng bigas.

Huminto sila dito at hindi pinalampas ni Vice ang pagkakataon na subukan ang kanilang ginawa.

Humanga naman si Vice sa tatlo dahil aniya hindi raw madali ang trabaho nito lalo na at mabigat ang palay na nilalagay sa sako.

Matapos nito ay naisip ni Vice na bilhin ang mga bigas na kanilang sinasake ibigay ito sa tatlong lalake.

Abot langit naman ang saya ng tatlo dahil sa binigay ni Vice.

Narito ang video:

Vice Ganda ay kilalang komedyante at TV-host dito Pilipinas. Siya ay tinaguriang unkabogable star dahil sa mga box office hit niyang nga Pelikula. Kasalukuyan din ngayong main host si Vice ng noontime show na Its Showtime.

Ivana Alawi nangaroling habang nag-disguise bilang pulubi;namigay ng pera

 

Viral ngayon sa social media ang actress na at social media personality na si Ivana Alawi matapos itong maispatang namigay ng pamasko.

Sa kanyang vlog ay nagpanggao si Ivana na isang Pulubi na may skin defects pagkatapos ay nangaroling sa ilang mga taga Maynila.

Binigyan si Ivana ng pagkain at tubig ng tatlong vendor at isang may-ari ng karenderya.

Dalawa sa mga ito ay binigyan niya ng P20,000 habang ang iba ay P10,000.

Panoorin: 

Samantala si Ivana ay bumida sa hit na pelikula ngayong MMFF 2022 na Partners In Crime na kung saan kasama niya si Vice Ganda.

Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas kilala bilang Ivana Alawi ay isang Filipina-Moroccan actress, model, at YouTuber. Huling napapanood si Ivana sa Philippine Television sa ABSCBN hit series na "A Family Affair".


Tuesday 27 December 2022

Ogie Diaz ibinulgar ang umanoy isang MMFF 2022 Film na "“Namudmod Ng Libreng Tickets”


Ibinulgar ni Ogie Diaz sa kanyang showbiz vlog na may isa umanong MMFF(Manila Movie Film Festival) 2022 Film na namudmod ng libreng ticket at may libre pa umanong popcorn.

Ang nasabing Film ay nagsisimula sa umano sa letter "M" na makikita sa screenshot sa vlog ni Ogie. Hindi naman makikita kung ano ang film na ito dahil naka-crush out ang title ng nasabing movie.

"Ayon sa chikahan sa group chat, 9 PM pa ang screening ng tickets na ipinamumudmod. So, they had to wait pa ng more than two hours para sa screening. Eh may kasama pa daw itong softdrink at popcorn pagpasok sa sinehan,"sabi ni Ogie 

"Flop ba itong pelikula kaya namumudmod ng libreng tickets?”dagdag pa niya 

Pwede mong panoorin ang buong storya dito: 

Samantala narito naman ang walong officrial entries ng MMFF.

  1. “Labyu with an Accent” starring Coco Martin and Jodi Sta. Maria, ABS-CBN Film Productions
  2. “Nanahimik ang Gabi” starring Ian Veneracion and Heaven Peralejo, Rein Entertainment Productions
  3. “Partners in Crime” starring Vice Ganda and Ivana Alawi, ABS-CBN Film Productions
  4. “My Teacher” starring Toni Gonzaga and Joey De Leon, TEN17P
  5. “Deleter” starring Nadine Lustre, Viva Communications Inc.
  6. “Family Matters” starring Noel Trinidad and Liza Lorena, Cineko Productions Inc.
  7. “Mamasapano: Now It Can Be Told” starring Edu Manzano, Aljur Abrenica and JC De Vera, Borracho Film Production
  8. “My Father, Myself” starring Jake Cuenca and Dimples Romana, 3:16 Media Network

Monday 26 December 2022

Angel Locsin binasag narin sa wakas ang matagal na pananahimik sa social media

 

Binasag narin sa wakas ni Angel Locsin ang kanyang matagal na pananahimik sa social media.

Maalala na kamakailan lang ay naging usap-usapan sila ng kanyang asawang si Neil Arce matapos intrigahin na umanoy hiwalay na.

Hindi nagsalita noon si Angel sa nasabing isyu. Ang kanyang asawa lang ang nagsalita sa pamamagitan ng pagpadala ng mensahe sa vlog ni Ogie Diaz.

Sa nasabing vlog ay nilinaw ni Arce na walang katotohanan ang nasabing isyu. Aniya idodonate nalang daw nila sa mga nagpakalat ng fakenews ang mga kinita nito.

"Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake News peddlers yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake news. Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan."sabi ni Neil 

Ilang beses ding itinanggi ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na walang katotohanan ang isyung hiwalay na sina Neil at Angel.

Samantala sa latest update sa social media ni Angel, ay binasag na niya ang kanyang matagal na pananahimik sa social media.

Sa isang video post sa Facebook, ay nagpromote siya ng isang product at marami sa kanyang fans ang natuwa matapos masilayan nilang muli ang kanilang idolo.

Sa nasabing video ay nagbahagi ng greetings at mensahe ang actress sa mga tao. Ibinahagi niya kung ano ang kahalagahan ng pasko. Ito raw yung panahon ng pagmamahalan, pagpapatawad at pagiging mabuti sa kapwa.

Pwede mong panoorin ang video dito: https://fb.watch/hFVYahykJT/ 



Saturday 24 December 2022

Tanong ni Sarah G sa Its Showtime Audience: "Kilala pa ba nila ako?"


Kamakailan lang ay naguest si Sarah Geronimo sa noon time show ng Kapamilya Network na Its Showtime.

Mainit siyang winelcome ng mga host pati narin ng mga Audience.

Sa guesting ni Sarah ay sumayaw siya ng kanyang kantang "Dati Dati" 

Nang mainterview siya ni Vice Ganda kasama si Anne Curtisay tinanong niya ang maglang people kung may naka-alala pa ba raw sa kanya. 

"Kilala pa ba nila ako?”sabi ni Sarah

Agad siyang binara ng mga host at sabi ni Vice hindi raw mangyayari na makalimutan siya ng madlang people.

"Ang dami mong napasayang tao. ‘Yung mga tao, sabik na sabik sila sa ‘yo. At mahal na mahal ka namin. Don’t ever think na ganoon ka kadali kalimutan. Ano ka ba? Makakalimutan namin mga passwords namin, pero hindi naman makakalimutan si Sarah G.” 

Si Sarah Asher Tua Geronimo-Guidicelli ay isang Filipino singer, performer at actress. Sumikat si Sarah matapos siyang manalo sa television singing contest na Star for a Night. Isa rin si Sarah sa mga Judge ng The Voice

Merry Christmas to Our Readers 2022

It’s the right time to say Merry Christmas. I wish you and your family a peaceful and joyful Christmas Eve. May the happiness, peace and joy that Christmas always brings with you and your family.Merry Christmas to Our Readers 2022

I have never talked about myself before, but I’d like to share something about myself and the website today. It should be the 13th greeting post of mine at Christmas. Because of the website, I luckily reconnected with the world ideologically and achieved the life I enjoy.

My name is Daniel. I’m a person with a disability. For any person with a disability in China, finding and retaining a job is challenging. So I built up Gadgetsin in September 2009, which has been online for over 13 years. As you can see below every post title, I’m the only writer, editor and administrator of the website. Over the past decade, I learned many things and earned money via the website, which enriched my mind and supported my family.

No doubt, my site will never be offline. I live in Australia and have a job working on another website, so I’ve stopped updating the website currently. I will be back to bring some exciting stuff to the website from time to time. If you have any questions about gadgets or consumer electronics, please message Gadgetsin’s Facebook page or the comment section below every post. I will try my best to answer any questions about the topics.

Undoubtedly, without the continuous support of my readers, I could not achieve what I have today. I’m grateful to everyone who visits my website.

The post Merry Christmas to Our Readers 2022 appeared first on Gadgetsin.



Merry Christmas to Our Readers 2022
Juan Balita Ngayon

Friday 23 December 2022

Ogie Diaz nagbigay ng update sa pagbabalik ni Vhong sa Its Showtime

 

Nagbigay na ng update si Ogie Diaz sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa Its Showtime.

Matatandaan na kamakailan lang ay nakulong si Vhong dahil kasong r@pe na isinampa ni Deniece Cornejo sa kanya. 

Peru kamakailan lang ay pinayagan si Vhong na makapagpiyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Samantala sa latest vlog ni Ogie Diaz, ay ibinunyag nito na naka-usap niya si Vhong.

"Kasi nga nakausap ko si Vhong Navarro, “Hindi pa muna siya babalik sa ‘It’s Showtime.’ Pero babalik din siya,”ani Ogie 

Ayon pa kay Ogie, magfu-fucos raw muna si Vhong sa kanyang pamilya sa ngayon.

"Pero sa ngayon, ini-enjoy niya nga muna ‘yung kanyang mag-iina. Katulad ‘yung mga anak niya na medyo dinapuan din ng anxiety, ng depression mula nung ang kanilang ama ay nakulong kaya ngayon ay ini-enjoy nang bonggang-bongga ni Vhong ‘yung kanyang mag-iina lalo na ‘yung kanilang mga kids." Sabi ni Ogie 

"Siyempre gusto ni Vhong, itong Pasko at Bagong Taon ay magkakasama sila na walang ibang iniintindi na trabaho kundi ‘yung kanyang mga anak lang"dagdag pa ni Ogie


Thursday 22 December 2022

Sweet video nina Kylie Versosa at Jake Ejercito kinakiligan

 

Kinakiligan ngayon ng mga netizens ang super sweet na video nina Kylie Versosa at Jake Ejercito.

Ang nasabing video ay ipinost ni Kim Chiu sa kanyang instagram stories at nirepost ng isa sa mga fan page ni Jake sa Instagram.

Sa nasabing video ay makikita sobrang sweet ang dalawa sa nasabing video.

Isang netizen naman ang kinantyawan si Kylie at sinabihan siya na "Kylie, tama ka na sa Jake. Quota ka na," 

Nagreply naman agad si Kylie at sabi niya: "Tru mi." 

Matatandaan na si Jake Cuenca ang naging ex ni Kylie na maalala ding nagviral ang kanilang naging hiwalayan.

Panoorin dito ang video:

Si Kylie Fausto Verzosa ay isang kilalang Pinay actress, model, at beauty queen na kinoronahan bilang Binibining Pilipinas International 2016 at Miss International 2016. Siya ang ika-6 na pinay na nanalo nang Miss International crown.

Wednesday 21 December 2022

Anak ni Andrew Schimmer nagcelebrate ng birthday sa burol ng kanyang ina

 

Nagdiwang ng kanyang ika-siyam na kaarawan ang anak ni Andrew Schimmer na si Xander Schimmer sa burol ng kanyang ina na si Jorhomy Rovero.

Sa latest video ni Andrew sa kanyang youtube ay ibinahagi nito na kina-usap ni Xander ang kanyang ina na nasa loob ng casket.

Sabi ni Xander:

"Mommy, today is my birthday. I went first time to 7-Eleven. I helped someone. I gave them noodles because that's what you wanted.

 "Also, I really miss you super dearly. Mommy, someday we will see each other again. I love you. I love you so much. I miss you super-duper much.

"I love you forever and ever, Mommy. I just wish you were well again and come home...I really, really wish that you come home and you are okay. 

"And I really want you to be proud of me and ate and Daddy. We'll keep making you proud every single day. Mommy, I love you so much. Babay na, Mommy,"

Got anything to share? we like to hear from you! if you have topic suggestions, violent reactions or anything awesome to share, please kindly leave a comment and we will do our best to reply as soon as possible (ASAP).

Tuesday 20 December 2022

Andrew Schimmer nagbahagi ng heartbreaking story nang pumanaw ang kanyang asawa

 

Nagbahagi ng isang nakakaiyak na kwento ang si Andrew Schimmer matapos pumanaw ang asawang niyang si Jho Rovero.

Matatandaan na mahigit isang taon nang naka-confine si Jho sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig City dahil sa mga komplikasyon sa sakit niyang hypoxemia.

Hinangaan naman ng marami si Andrew dahil sa pag-alaga nito sa kanyang asawa.

Samantala nang dumating umano siya sa ospital kung saan naka-confine ang kanya asawa ay naabutan raw niya itong ni-revived na ng mga doktor.

"Inabutan natin siyang actually nire-revive ng ating mga doctors and nurses. They did everything they could. Masakit lang."sabi ni Andrew

Naiyak rin si Andrew sa kanyang video na nagkwento. Tinawag din niyang sleeping beauty ang kanyang asawa.

"Ang sakit lang kasi birthday ng bunso namin mamaya, di siya inabutan ng bunso namin. So, we still keep you posted"sabi ni Andrew 

Panoorin:


Got anything to share? we like to hear from you! if you have topic suggestions, violent reactions or anything awesome to share, please kindly leave a comment and we will do our best to reply as soon as possible (ASAP).

Jodi Sta Maria nabudol ni spiderman; Coco Martin tawang-tawa


Ibinahagi ng actress na si Jodi Sta Maria kung paano siya nabudol ni Spider Man.

Sa kanyang post sa instagram, ikuwento niya kung naging pakulo ni Spider Man.

Sabi ni Jodi:

" Hollywood Blvd Photo Dump 

1. Niyaya ni Spider-Man habang kausap ko yung leading man at director ko.

2. He’s super friendly. Dun daw kami sa gitna. Sumama naman ako.

3. Obvious ba na kinilig ako sa susunod nyang gagawin

4. Hindi ako makapaniwala na yung super hero ng pinakaayaw kong insekto ay lumuhod at tila magpo-propose. Habang yung mama sa likod ko na ang pangalan ay Coco Martin ay tila aliw na aliw sa mga kaganapan kasi alam na nya ang susunod na mangyayari…." 

At ang nakakaaliw ay hiningan daw siya ng $20 at dahil wala siyang pera ay nagutang raw siya.

"Not in photo —- Ayun na nga…Nabudol ako ni Spider-Man. Siningil ako ng $20 dollars para sa pakulo na ito na akala ko ay libre. Hahahaha. Wala akong dalang pera kaya ending…nagkautang pa ako"sabi ni Jodi 

Samantala mapapanood sina Jodi at Coco sa pelikulang "Lab You With an Accent" ngayong December 25 na. 

Si Jodi Sta. Maria ay isang kilalang artista dito sa Pilipinas. Si Jodi ay kilala sa tanyag na most sought-after actresses sa entertainment industry.

Samantala kilala rin si Jodi sa kanyang role bilang Doc Jill sa 2022 drama series na The Broken Marriage Vow na kung saan pinasikat niya ang tagline na "Papunta Palang Tayo sa Exciting Part"  na nagviral sa online world.

Video ni Dennis Padilla na dismayado sa sobrang mahal na presyo sa isang restaurant viral na

 

Viral at umani agad ng marami reaksyon ang video ni Dennis Padilla na dismayado dahil sa sobrang mahal na presyo ng pagkain sa isang restaurant.

Umabot kasi ang bill ni Dennis at kaibigan niyang balikbayan ng higit sa P38,000. 

Kwento ni Dennis, nasa P5,500 raw ang per kilo ng lobster dito, at nasa P450 naman ang nainom niyang mango shake. 

Sanay naman daw silang magbayad nang mahal pero sobra aniya ang presyo sa restaurant na ito, lalo sa mga balikbayan at ibang mga Pilipino.

"Alam niyo ba kung magkano itong isang pineapple shake? P450! Alam niyo ba kung magkano per kilo ng lobster? P5,500... Ito po 'yung resibo namin, umabot po ng P38,000."sabi ni Dennis 

Samantala nananawagan din ang actor sa Department of Tourism upang pansinin ang restaurant para sa mga OFW na aniya'y tila naholdap sa presyo ng mga pagkain at inumin dito. 

Narito ang video:

Si Dennis Esteban Dominguez Baldivia o mas kilala bilang Dennis Padilla ay isang Filipino comedian, TV host, radio broadcaster at actor. Siya ay ama ang ama ng actress na si Julia Barretto.

Monday 19 December 2022

Janine Gutierrez diretsahang sinagot ang netizens na nagtatanong kung siya ay buntis

 

Diretsahang sinagot ng "Dirty Linen" star na si Janine Gutierrez ang netizen na nagtatanong kung siya ba raw ay buntis.

Sa kanyang sa instagram, ibinahagi ni Janine ang kanyang larawan kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Paolo Avelino.

Sa nasabing post ay binati niya ang kanyang fans ng "Merry Christmas".

Ngunit sa comment section ng kanyang post ay may isang netizen na nagtatanong kung buntis ba raw ang actress.

Tanong ng netizen: "@janinegutierrez priggy ka ba? Bakit ang laki ng tiyan mo[?]" 

Nang makita ito ni Janine ay kalma niyang sinagot ang netizen.

"PMS bloat actually," paglilinaw ni Janine, na ang tinukoy na PMS ay "premenstrual syndrome." 

Dagdag pa ng actress: "I've been holiday eating since wala pang taping. It's okay to enjoy the off season [smile] Diet na ulit after Christmas." 

"Sana masarap din kain mo this December [smile emoji]."sabi pa ng actress 




Si Janine Marie Elizabeth de Leon Gutierrez o mas kilala bilang Janine Gutierrez ay isang kilalang television host, commercial model, at singer. Siya ay graduate sa Ateneo de Manila University na may degree nang European Studies. Siya ngayon ay isang Talent ng ABSCBN.

Sunday 18 December 2022

Video ni Vice Ganda na nagbigay tulong sa mag-amang nakilala sa simbahan viral

 

Nagviral ngayon sa social media ang video ni Vice Ganda na kung saan nagbigay siya ng tulong sa mag-ama na nakilala niya sa labas ng simbahan.

Sa video ay bumabiyahi si Vice kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Donna, Petite at Negi. Sila ay napadaan simbahan para magdasal. 

Ngunit sa paglabas nila ay napansin ni Vice ang 43 anyos na ama na si Mang Arsenio Guererro.

Si Mang Arsenio ay walang kakayahang makita ngunit sa kabila ng kanyang kapansanan ay nagsusumikap parin siya para sa kanyang pamilya.

Samantala sa video ay kasama ni Mang Arsenio ang kanyang anak na lalaki. Tumutogtog at kumakanta si Mang Arsenio para ipangastos sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Sa huling parte ng video ay nagbigay si Vice ng tulong sa nasabing ama. Binigyan niya ito ng pangnegosyo at sinisiguro din nito na matutuloy ang pag-aaraw ng anak ni Mang Arsenio.

Narito ang video:


Si Vice Ganda ay kilalang komedyante at TV-host dito Pilipinas. Siya ay tinaguriang unkabogable star dahil sa mga box office hit niyang nga Pelikula. Kasalukuyan din ngayong main host si Vice ng noontime show na Its Showtime.

Saturday 17 December 2022

Karla Estrada pumalag sa basher na pinagkumpara ang pamilya ni Daniel at Donny

 

Pinalagan ng actress na si Karla Estrada ang basher na pinagkumpara ang pamilya ni Daniel Padilla sa pamilya ni Donny Pangilinan.

Inakusahan kasi ng isang basher si Daniel na cheater at problamatic raw ang pamilya nito.

"Si DJ, cheater, si Donny, hindi. yung nanay ni DJ, problematic. yung nanay ni Donny, hindi. si DJ, chaotic yung fam. si Donny, complete and & happy family. gusto niyo talaga mag-compare? Okay,” sabi ng basher 

Nang makita ito ni Karla ay agad niyang neresbakan ang nasabing basher.

Sabi ni Karla: "Huh? Saan galing ang mega judgment na ito? Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko? at Akala mo alam mo lahat?!?” 

“Mag hunos dili ka huy . Maka problematic at chaotic ito?? hala inday pagtarong diha! Wag mandamay ng pamilya, panget yun,” dagdag pa niya 

Photo from:twittee @Estrada21Karla via KAMI 


Friday 16 December 2022

Ian Veneracion nagsalita na kaugnay sa nambabash kay Heaven dahil sa viral nilang video

 

Nagsalita na rin sa wakas si Ian Veneracion matapos batikusin si Heaven Peralejo dahil sa nagviral nilang video.

Ang nasabing video ay pinost ni Heaven sa TikTok para sa promotion ng kanilang upcoming MMFF movie entey na "Nananahimik ang Gabi".

Sa nasabing video ay makikitang hinalikan ni Ian si Heaven sa noo.

Ngunit umani ito ng samut-saring reaksyon ng ilang netizens. Kaya ipinagtataka ni Ian kung bakit binatikos ng husto si Heaven.

@heavenlyanperalejo

gangster

♬ A Gangster's Wife - Ms. Krazie

"Ang daming nagalit. Ang daming natuwa. Ang daming kinilig. Sabi ko nga, bakit gano’n? Ikaw ‘yung 22 years old, ikaw ‘yung babae, bakit parang ako ‘yung biktima?”sabi ni Ian 

Ipinaliwanag din ni Heaven na nakita lang din umano nila ang video sa Tiktok at ginaya nila ito. Wala raw malisya para sa kanila ang kanilang ginawa.

Ibinahagi rin ni Ian ang umanoy sinabi ng isang babae sa kanya dahil sa kanilang video.

"May babae na nagsabi sa akin, ‘Ksi babae kami. Alam namin ‘yung mga ganoong tingin ni Heaven"sabi ni Ian 





Thursday 15 December 2022

Heaven Peralejo tapat na inaming posible siyang mainlove kay Ian Veneracion

 



Tapat na inamin ng actress na si Heaven Peralejo na posible umano siyang mainlove sa kanyang leading man na si Ian Veneracion sa Pelikulang Nanahimik ang Gabi.

Sa isang panayam ay diretsahang sinagot ni Heaven na kung binata si Ian ay may posibilidad na mainlove siya rito.

“With all the qualities that he has, I think kung binata siya, yes. Let’s see", sabi ni Heaven 

Peru ayon naman kay Ian, parang di raw niya bet na tawaging sugar baby si Heaven.

"Naisip ko kung binata ako, maging sugar baby kita, hindi. Hindi kailangan. Hindi ka naman pang-sugar baby eh,” sabi ni Ian

Sagot naman ni Heaven sa sinabi ni Ian:“Hindi talaga ko papayag maging sugar baby. 'Yung character ko sobrang dependent niya kay Ian. Lahat ng glamorous life niya is because of him,” 

Si Heaven Peralejo ay kilalang actress at model dito sa Pilipinas. Una siyang nakilala nang sumali siya sa reality show na Pinoy Big Brother Lucky 7 noong 2016.

Cristy Fermin nagreact sa pagkikitang muli ni Vhong Navarro at nang Streetboys

 

Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon ang actor na si Cristy Fermin kaugnay sa pagkikitang muli ni Vhong Navarro at kagrupo niyang Streetboys.

Sa facebook post ng Streetboys, ay ibinahagi nito ang larawan ng merry reunion nila ni Vhong.

Samantala sa online show ni Cristy Fermin ay nagbigay siya ng kanyang reaksyon.

"Eto na, pinasyalan siya ng kanyang mga kaibigan. Nangunguna diyan si Jhong Hilario at mga kasamahan niya sa Streetboys," ani ni Romel na kasama ni Fermin sa kanyang online show

Matapos nito ay pinuri ni Fermin ang magandang relasyon ng mga kagrupo ni Vhong.

“'Yun 'yung mga kaibigan na ika nga ay kaibigan sa hirap at sa ginhawa, sa makapal at sa manipis, sa pagbagsak at pagbangon, sa meron o sa wala, sa kalungkutan at halakhakan, diba? Ito po 'yung mga tao na sa haba po ng panahon na kanilang pinagsaluhan, hindi sila naglilimutan talaga.”sabi ni Fermin

“Kung pupwede nga lang na at NBI at sa Taguig City Jail ay dalawin nila si Vhong Navarro, kaya lang pare-pareho din silang may mga trabaho,” dagdag ni Fermin 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Wednesday 14 December 2022

Nadine ayaw parin magka-anak kahit mag-30 na next year

 

Ibinahagi ng actress na si Nadine Lustre na yaw parin daw niyang magka-anak kahit mag- 30 years old na siya sa susunod na taon.

Sa panayawam ng Mega Entertainment kay Nadine, ibinahagi niya ang tungkol sa mga plano niya para sa kanyang future.

“I'm securing myself na. With the things I'm investing in now, and the things that I'm doing, I ask myself, 'Is this going to sustain me for the rest of my life?' Nandoon na siya."sabi ni Nadine 

Mag-30 na raw siya next year ngunit ayaw pa raw niya magkaroon ng anak.

"I'm 30 next year. I don't want kids yet. I don't even know if I want kids. Let's see. If it happens, it happens."sabi ni Nadine

Dagdag pa niya kung magkakaroon daw siya ng anak, paano niya raw ito bubuhayin kung hindi pa sapat ang kanyang investment ngayon.

Ngayon kasi, nandoon na headspace ko: if I have kids, pano ko sila bubuhayin? Adulting na talaga!"dagdag pa niya

Si Nadine Alexis Paguia Lustre ay isang Filipino actress at singer. Sumikat si Nadine matapos siyang bumida sa pelikulang Diary ng Panget noong 2014 na kung sa ginampanan niya ang role na Eya Rodriguez.

Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...