Wednesday 30 November 2022

Darla Sauler ibinida ang pagbisita niya kay Kris Aquino sa US

 

Ibinida ni Darla Sauler ang pagbisita niya sa Queen of All Media na si Kris Aquino sa Amerika kamakailan lang.

Makikita sa kanyang post sa instagram, ang larawan nila ni Kris kasama si Josh.

Maraming netizens ang natuwa sa bagong larawan ngayon ni Kris na maaliwalas tingnan.

Ayon kay Darla sa kanyang post, masaya siya sa pagbisita niya sa mag-ina at patuloy niyang ipagdasal si Kris.

"You always make time for family. Happy to visit and catch up with you and the kids while you’re in the US, Krisy. Continuously praying for your well-being. Love, love, love you, Bimb and Kuya always, @krisaquino." sabi niya sa kanyang caption 

Narito ang kanyang post:

Si Kris Aquino ay tinaguriang Queen of All Media ng bansa dahil sa hindi niya matatawang galing pagdating sa hosting. Isa sa mga kilalang show noon ni Kris ay ang The Buzz, Kapamilya Deal or No Deal at marami pang iba.

Kris Aquino pinatamaan nga ba ang bagong movie ni Darryl Yap na "Martyr or Murderer"?

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong post ni Kris Aquino tungkol sa ama niyang si Ninoy Aquino sa gitna ng mga ulat sa bagong pelikula ni Director Darryl Yap na "Martyr or Murderer” 

Ang nasabing pelikula ay tungkol sa kanyang ama.

Sa nasabing post ni Kris ay nagbigay siya ng tribute sa ika-90th  birthday ng kanyang ama noong November 27. 

Ayon kay Kris, hindi na raw mababago ang kasaysayan na ang kanyang ama ay isang hero.

“Subukan mang baguhin ang kwento ng kahapon, it’s from you i learned to NEVER show anger, NEVER reveal your weakness. The child of Ninoy & Cory, the last still carrying their last names, learned from both: Faith in God, Patience, protecting your Integrity, standing firm w/ your words, Trustworthiness & caring for all Filipinos regardless of chosen ‘color’, and sharing w/ those in need – those are values i hold on to & do my best to instill in my sons. God sees all & that’s what matters. #hero,” sabi ni Kris sa kanyang post

Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa naturang post ni Kris.

Sabi ng ilang netizens:

“Subukan man baluktutin ang kasaysayan, hinding hindi ka MAG-IISA. #NinoyIsAHero.”

"NINOY will always be a hero, a martyr. An intelligent stateman who loves his fellow Filipinos. No fake propaganda can tarnish that. Only the insecure will paint a different Ninoy.”

“He was a hero. No matter how much they try to rewrite history.” 

Para kay Darryl Yap nga ba ang naturang post ni Kris? Anong masasabi mo dito?

Si Kris Aquino ay tinaguriang Queen of All Media ng bansa dahil sa hindi niya matatawang galing pagdating sa hosting. Isa sa mga kilalang show noon ni Kris ay ang The Buzz, Kapamilya Deal or No Deal at marami pang iba.

Karla Estrada tinapos na ang rumor na umanoy may alitan sila ni Regine Velasquez

 

Parang tinapos narin sa wakas ni Karla Estrada ang rumor na umanoy may alitan sila ni Regine Velasquez. 

Ito ay matapos ibinahagi ni Karla sa kanyang instagram ang proud moment niya kasama si Regine.

Sa nasabing video kasi ay naka-duet ni Karla si Regine na umanoy kanyang idol sa kanya mismong birthday.

Ayon kay Karla, isa umanong karangalan ang maka-duet niya ang kanyang idolo.

"Kahit isang kanta lang! Karangalan at katuparan ng pangarap ko maka duet ang aking idol! @reginevalcasid Thank you idol! Love you,”sabi niya sa kanyang caption 

<
p>Matatandaan kasi na may mga lumalabas na rumor na may alitan ang dalawa matapos palitan ni Regine si Karla sa Magandang Buhay sa kasagsagan ng campaign period noong nakaraang eleksyon.

Dahil sa video na ito, ay parang tinapos na ang mga nasabing rumor tungkol sa dalawa at walang naging problema sa pagitan nina Karla at Regine.

Anong masasabi mo sa artikulong ito?


Tuesday 29 November 2022

Ivana Alawi agaw atensyon dahil kanyang suot niya gumala sa Baguio

 

Agaw atensyon ngayon sa social media ang actress-vlogger na si Ivana Alawi dahil sa kanyang suot nang rumampa siya sa Baguio City.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi nito ang paggala nila sa Baguio kasama ang kanyang mga kaibigan. 

Sa nasabing vlog ay napapayag si Ivana ng kanyang mga kaibigan na mag-bra ngunit may pants naman kahit na malamig ang nasabing lugar.

"Iniisip ko lang na nasa Boracay ako. Kasi ang mga kaibigan ko, iba mag-trip. Pinapa-remind ko lang sa kanila na pagabi nang pagabi, palamig na nang palamig."sabi ni Ivana 

"Pero happy naman ako, dahil first time ko itong ginawa! Mukhang first and last na ito, kasi ang boses ko, bumibigay na!" dagdag pa niya 

Hinamon din si Ivana na uminom ng malamig na tubig na puno ng ice o kumain ng ice ngunit hindi na siya pumayag.

May humamon rin kay Ivana na mag-ice bucket challenge ngunit umayaw narin ang actress.

“Grabe sila mag-isip, di ba? Nakakaloka! Sabaw na ang mga kasama ko!” sabi pa ni Ivana.

Panoorin dito ang kanilang video:

 Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas kilala bilang Ivana Alawi ay isang  Filipina-Moroccan actress, model, at YouTuber. Huling napapanood si Ivana sa Philippine Television sa ABSCBN hit series na "A Family Affair". 


Christian Bables nagsalita sa kumukwestyon sa tunay niyang kasarian: "TOMBOY po ako"

Nagsalita narin sa wakas ang actor na si Christian Bables kaugnay sa mga taong kumukwestyon sa tunay niyang kasarian.

 Sa kanyang post sa Twitter ay prangkang niyang sinagot ang mga ito.

Sabi niya: "Nakakatawang interesadong interesado kayong malaman kung ano ba ang “tunay na gender” ko, na para bang parte yun ng bawat pag hinga at pag utot niyo." 

Nagbiro ang actor na umanoy siya ay Tomboy.

"Ok to set the record straight, TOMBOY po ako. Kung hindi pa kayo maniwala, ewan ko nlng mga hinayupak kayo. Good night mga vuhkl" sabi niya 


Si Christian Mercurio Bables ay isang Pinoy actor. Siya ay dineklarang Best Leading Actor sa 5th Hanoi International Film Festival para sa kanyang karakter na "Intoy" para sa pelikulang Signa Rock. 

Kinilala rin siya bilang Best Supporting Actor sa Gawad Urian Awards para sa kanyang  trans woman character  na "Barbs" sa Pelikulang Die Beautiful.



Monday 28 November 2022

KathNiel magpapakasal na raw next year ani source ni Cristy Fermin

 

Magpapakasal na raw ngayong darating na 2023 ang longtime real life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. 

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ng beteranang columnist na si Cristy Fermin ang ibinunyag ng kanyang source.

Ayon kay Fermin, wala pa man daw nagaganap  na proposal ay tila magaganap na sa 2023 ang maituturing na magiging 'wedding of the century.' 

"Kung kailan po next year, 'yun po ang tandang pananong sa atin," sabi niya

 "Pero 'yun po ang kanilang paniniwala. at ako, sumasang-ayon ako" dagdag pa nito 

"Labing-isang taon na po silang magkarelasyon. It's about time. Pati po ang kanilang mga edad, tamang-tama po talaga. Hinog na hinog na ang relasyong ito para sa pagpapakasal," paglalahad pa ng beteranang columnist 

Bukod din sa sakto na sila sa edad ay sapat na rin daw ang kanilang pundasyon na umabot ng 11 years ang kanilang relasyon.

Panoorin: 

Read Also: Video ng pagbirit nina Anne, Jackie at Kim ng kantang "Bakit Nga Ba Mahal Kita" viral na
Anong masasabi niyo sa artikulong ito? Nagustuhan mo ba? Kung may suhistyon ka ay mag-iwan ng iyong komento sa ibaba. Maraming salamat ka-tabloid.

Video ng pagbirit nina Anne, Jackie at Kim ng kantang "Bakit Nga Ba Mahal Kita" viral na

 

Viral na ngayon sa social media ang video ng pagbirit nina Anne Curtis, Jackie Gonzaga at Kim Chiu ng kantang "Bakit Nga Ba Mahal Kita".

Kabilang din sa nakipagbiritan sina Roselle Nava hit sina Cianne, Tsang Amy, at Karylle. 

Nang pataas na ang tono ng kanta ay highlight ang tatlo na pinangunahan ni Anne.

Nagdala naman ito ng good vibes sa madlang people.

Matatandaan na kamakailan lang din ay nagviral ang pagbirit nina Anne, Cianne at Jackie ng kantang "Gusto Ko Nang Bumitaw".

Narito ang video: 

Read Also: Post ni Dennis Padilla kung saan tinawag niyang "anak" si Maja Salvador agaw atensyon ngayon sa social media
Anong masasabi niyo sa artikulong ito? Nagustuhan mo ba? Kung may suhistyon ka ay mag-iwan ng iyong komento sa ibaba. Maraming salamat ka-tabloid.

Sunday 27 November 2022

AJ Raval nanganak na umano ani source ni Ogie Diaz

 

Sa latest update ng vlog ni Ogie Diaz kasama si Mama Loi ay napag-usapan nila ang tungkol kay Aj Raval.

Ayon kay Ogie may nagconfirm na raw na nanganak na si AJ.

Ngunit medyo duda umano siya sa kanyang source na umanoy buntis si AJ dahil kamakailan lang ay itinanggi ng ama nitong si Jeric Raval ang pangbubuntis ni Aj.

"Ako'y nagugulumihanan. Ano ba ang paniniwalaan natin? Itong source natin na sinabing nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig itong si AJ, na nung dumating doon eh nakatakip ang mukha. Pero hindi siya dun sa delivery room nag-deliver, ni-room in lang," sabi ni Ogie 

Sinabi rin umano ng source ni Ogie na nag-aantay raw si Aljur kay AJ.

"Si Aljur Abrenica raw ay nandun sa labas ng madaling araw, noong November 19, nag-aabang sa labas. Nandun siya sa loob ng sasakyan, naka-face mask, hanggang sa eventually malaman ng ating source na, 'Ayun. Si Aljur nga yun.' Kasi tinanggal ang face mask," pagbubunyag ni Ogie 

Ayon pa sa source ni Ogie, Alvarez raw ang ginamit ni AJ sa halip na Raval.

"Tapos agad-agad naman daw, pagkatapos manganak ay inilabas na. Ang ginamit daw na apelyido nitong si AJ ay Alvarez" sey ni Ogie 

Panoorin dito ang buong kwento ni Ogie tungkol kay AJ:

 Anong masasabi niyo sa artikulong ito? Nagustuhan mo ba? Kung may suhistyon ka ay mag-iwan ng iyong komento sa ibaba. Maraming salamat ka-tabloid.

Rendon Labador may matinding banat kay Kean Cipriano: "Napakasama ng ugali mo!"

 

Sa youtube vlog ni Rendon Labador ay naging guest niya ang isa sa mga miyembro ng bandang "Calialily" na ngayon ay tinawag ng bandang "The Lily".

Sa nasabing panayam ay ibinunyag ng kabanda ni Kean Cipriano ang paglisan nito sa grupo. 

Si Kean ang vocalist ng nabanggit na banda sa itaas na nagpasikat sa kantang "Magbalik".

Kwento ng kabanda ni Kean may ginawang kanta umano si Lem Belaro na drummer ng kanilang banda kung saan ipinalagay daw ng dati nilang bokalista na silang lahat ang gumawa gayung siya lamang ang bumuo nito mula sa lyrics at music ng naturang awit.  

Umalma si Rendo nang malaman niya ang kwento ng nasabing kabanda ni Kean lalo na nung malaman niyang kaya nagpalit ng 'The Lily' ang pangalan ng grupo dahil nakalisensya umano ang pangalang 'Callalily' kay Kean.  

"Ang problema, iniwan mo 'yung mga kasama mong umakyat na walang-wala... Kasi 'di mo na pinagamit 'yung Callalily na name sa kanila,” sabi ni Rendon 

"Napaka-selfish mong tao! Ok lang na humiwalay ka eh...Pero 'yung nag-iisang binuild niyo, sana manlang 'di mo ipinagkait sa kanila," dagdag pa niya 

Panoorin dito ang buong interview:

 Anong masasabi niyo sa artikulong ito? Nagustuhan mo? Kung suhistyon ka ay mag-iwan ng iyong komento sa ibaba. Maraming salamat ka-tabloid.

Saturday 26 November 2022

Maja Salvador nagpa-alam na sa Iron Heart : "Thank you Kapamilya!"

 

Nagpa-alam na ang actress na si Maja Salvador sa kanyang karakter sa Kapamilya Series na Iron Heart.

Ginampanan ng actress ang role bilang Cassandra ang girlfriend ni Apollo na ginampanan ni Richard Gutierrez.

Sa kanyang tweet ay nagpapasalamat siya sa Kapamilya at Star Creatives sa binigay na tiwala sa kanya.

"Thank you Kapamilya! ❤ Thank you @StarCreativesTV sa pagtitiwala sa akin na gampanan ko si Cassandra! Hanggang sa muli! Paalam Cassandra!" sabi niya 

Read Also: Itsura ni Brenda Mage matapos magparetoke ng ilong viral na

Tila marami namang netizens ang nalungkot sa mabilis na pagkawala ni Maja sa nasabing serye.

Sabi ng ilang netizens: 

"Congratulations, Maja! We are so happy to see you on Kapamilya channel again. Thank you @StarCreativesTV Cassandra will hold a special place in our hearts." 

"Sad naman special participation ka lang pala sa iron heart sobrang saya ko pa naman nung malaman ko na may teleserye ka ulit sa kapamilya network pero ang bilis mo naman pala nawala" 

"Sana makita ka pa namin sa mga Kapamilya Teleserye"

"Paalam Cassandra na ba talaga? final na? huhu mamimiss ka namin, cassandra!"

Itsura ni Brenda Mage matapos magparetoke ng ilong viral na

 

Viral na ngayon sa social media ang bagong itsura ng dating PBB housemate na si Brenda Mage matapos siyang magparetoke ng kanyang ilong.

Ipinakita ni Brenda sa kanyang vlog ang ilang procedure sa pagpagawa niya ng ilong.

Nilinaw naman ni Brenda na hindi io-overhaul ang kanyang ilong.

"Hindi pa ako magpapa-rhinoplasty kasi delikado po sa akin. Mahilig ako mag-disco, magrampa-rampa. Kung minsan may nagpapapiktyur sa akin, nangungurot ng ilong, minsan nananampal. Delikado po ako sa mga ganun," sabi niya

"So, hiko and fillers lang po ilalagay sa akin. Parang threading, parang ganun. Basta enhance lang bridge ko tsaka elar trim na rin kasi medyo loose na gamay ng ilong na ko. Medyo maluwag-luwag ilong ko," dagdag pa niya 

Panoorin: 

Samantala sa kanyang post sa Facebook ay ibinahagi niya ang kanyang bagong looks na kunh saan maraming netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon.

 Ayon sa ilang netizens: 

"Ingatan Ang bagong gawang ilong ses" 

"Wow.looking good .brenda mage." 

"U look more beautiful  super bagay ung nose, sana all ingat lagi po" 

"Wow ganda na ilong mo brenda"

Friday 25 November 2022

Dating The Voice Kids Contestant isa na ngayong bagong miyembro ng P-pop girl group na YGIG


Isa na ngayong bagong miyembro ng P-pop girl group na YGIG (You Go, I Go) ang dating contestant at finalist ng The Voice Kids Philippines Season 1 na si Darlene Vibares.

Ang YGIG ay under ng SBTown entertainment. 

Kasama ni Darlene bilang top 4 finalist ng nasabing reality show program sina Juan Karlos "JK" Labajo, Darren Espanto, at ang grand winner ng naturang season na si Lyka Gairanod. 

READ ALSO: Andrew Schimmer inalay ang kanyang Most Inspiring Actor award para sa kanyang asawa
Nagustuhan mo ba ang artikulong ito? Mag-iwan ng iyong komento pa malaman namin kung may gusto kang suhistyon sa aming website.

Thursday 24 November 2022

Luis Manzano kinabahan na raw na baka maging kamukha niya ang anak nila ni Jessy Mendiola

 

Kinabahan na raw ang actor na si Luis Manzano na baka maging kamukha raw niya ang kanilang anak ni Jessy Mendiola.

Sa kanyang post sa Facebook, kahapon November 24 ay ipinost ng actor ang kanyang larawan na nakabihis pambabae.

Nagbiro siya sa kanyang post na umanoy kinabahan siya na maging kamukha niya ang kanilang baby ni Jessy na papangalanan nilang Peanut.

"Kinakabahan ako na baka ganito itsura ni Peanut, " sabi ni Luis 

Kaya ngayon palang daw ay magsosorry na siya sa kanyang asawa. 

"ngayon palang, sorry Jessy Mendiola wowow if ever [emoji's].

Narito ang kanyang post:

Photo Credits Lucky Manzano on Facebook

Si Luis Manzano o mas kilala sa nickname niyang Lucky ay isang Filipino-American TV host, actor, comedian, VJ, and model. 

Siya ay anak ng beteranong actor na si Edu Manzano at ng beteranang actress at ngayon isa ng politiko na si Vilma Santos.



Wednesday 23 November 2022

Angelica Panganiban ibinahagi ang natutunan niya bilang isang ina

 

Proud na ibinahagi ni Angelica Panganiban ang kanyang mga natutunan bilang isang ganap na ina.

Sa kanyang post sa instagram ay ikinuwento niyang ang kanyang mga natutunan.

Sabi niya:

"2 months into motherhood, at eto mga natutunan ko.

"Bago ka mag padede kapag 4am na, mag sipilyo, hilamos at umihi ka na. You'll never know kung papayag pa ba siyang magpababa sayo (ibulong mo na din kay Lord na sana makaligo ka sa araw na ito)," 

"Pangalawa, ipunin ang mga kailangan sa tabi mo kapag nagpa dede ka, remote ng tv, at ng aircon, libro, phone, charger, tubig at snacks," dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Angelica na hindi na siya nakakapagdamit dahil maya't maya ay kailangan magpa-breastfeed.

"Pangatlo, hindi ka na makakapag damit. Tanggapin mo na, na naka bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo. Kasama na rin dito ang pag suklay ng buhok. What is hair brush na po tayo. Opo," kwento niya.

"Pang apat, kumain ng marami at mabilis. Pero bawal ang kalansing ng kubyertos at baka magising mo ang nabudol mong baby.

"At, matulog kapag tulog si baby. Subukang pakalmahin ang isip. I know madami tayong gustong gawin at ma accomplish. Pero, tanggapin mo nang, hindi ka naman talaga makakatayo sa kinauupuan mo. Kaya matuto kang matulog ng nakaupo,"

Kaya naman sa dulo ng kanyang post ay inamin ni Angelica na saludo siya sa mga nanay.

Si Angelica Panganiban ay kilalang actress, model, TV host at comedienne. Isa siya sa tinaguriang seasoned and most versatile actresses dito sa Pilipinas.


Tuesday 22 November 2022

Marco Gumabao usap-usapan matapos gaganap bilang "Young Marcos" sa Pelikula ni Darryl Yap

 

Usap-usapan ngayon sa sociap media ang actor na si Marco Gumabao na gaganap bilang Young Marcos sa pilikula ng controversial Direktor na si Darryl Yap.

Inanunsyo ito ng nasabing Direktor sa kanyang Facebook Page.

"Batang Macoy

Marco Gumabao is the Young Ferdinand Marcos

#MoM #MARTYRorMURDER #MoM2023"mababasa sa caption ng post ni Darryl 

Anong masasabi niyo dito nga Kapamilya? 


Si Marco Gumabao ay isang  actor, model, athlete at entrepreneur dito sa Pilipinas. 

Siya ay bumida sa hit ABSCBN Series Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos na kung saan kasama niya sina Jake Cuenca, Ronaldo Valdez,Albie Casiño, Joshua Colet, Joseph Marco, Diego Loyzaga at Gloria Diaz. 


Cristy Fermin di mapigilang magreact nang makita si Vhong Navarro na nakaposas

 

Di magpigilang magreact ng beteranang columnist na si Cristy Fermin matapos makita niyang nakaposas ang actor na si Vhong Navarro.

Matatandaan na inilipat na mula sa NBI Detention Center si Vhong Navarro papunta sa Taguig City Jail.

Ibinahagi rin ng NBI ang larawan ni Vhong na na nakasuot ng kulay orange na tshirt at nakasumbrero.

Sa isang show ni Fermin, ibinahagi niyang nasaktan siya ng makita niya si Vhong na nakaposas.

"Yung tinakpan ng panyo o twalya 'yung kanyang mga kamay, opo, totoo po 'yan na kailangang gawin ng mga taga-NBI 'yan. Kasama po 'yan sa protocol"sabi ni Fermin 

"Pero napakasakit po kasing tanggapin na ang isang kasama namin sa industriya ay makikita namin talaga na nakaposas. Diba napakasakit no'n? Sa totoo lang,” dagdag pa niya 

Pwede mong panoorin ang buong pagtalakay ni Fermin kay Vhong sa tatak na 5:41:

 Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong. 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Monday 21 November 2022

Vhong Navarro inilipat na sa Taguig City Jail

 

Viral na ngayon sa social media ang actual video ng kung saan inilipat na ang actor na si  Vhong Navarro sa Taguig City Jail.

Ang nasabing video ay kuha sa paglabas ni Vhong mula sa NBI Detention Center na kung saan doon siya naka-detain simula pa noong September.

Ang nasabing video ay ibinahagi ng ABSCBN News sa twitter.

Panoorin dito ang video:

Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong. 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Sa kasalukuyan ay isa si Vhong sa mga main host ng noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

Sunday 20 November 2022

Ang sweet! Yen Santos masayang nagcelebrate ng birthday kasama si Paolo Contis

 

Masayang nagcelebrate ng kanyang 30th birthday ang actress na si Yen Santos kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Paolo Contis.

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi proud na ibinahagi ni Paolo ang masayang larawan nila ni Yen 

Makikita sa larawan na pinost ni Paolo na tila gumagala ang dalawa.

Sabi pa sa caption ni Paolo: "Happy Birthday My Best Actress" 

Official na nga bang kinompirma ni Paolo na may relasyon na sila? Ano sa tingin niyo dito ka-tabloid.

Si Yen Santos ay kilalang actress dito sa Pilipinas. Una siyang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother Teen Clash 2010. 

Sumikat ang actress dahil sa pagganap niya bilang si Ysabel Espiritu sa Pure Love, isang Philippine adaptation ng Korean drama na 49 Days. Bumida rin si Yen sa hit series ng Kapamilya Network na Halik kung saan kasama niya sina Sam Milby, Jericho Rosales at Yam Concepcion.

Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...