Wednesday 31 August 2022

International singer na si Nicki Minaj napacomment sa viral Tiktok Video ni Joshua Garcia

 

Talagang napacomment ang international singer na si Nicki Minaj sa nagviral na Tiktok video ng singer na si Joshua Garcia.

Sa nasabing tiktok video makikitang sumayaw si Joshua ng isang sikay na Dance Craze.


Isang araw palang itong ipinost ni Joshua ngunit pumalo agad ang nasabing video ng 17 million views and counting.

Nakakuha rin ito ng 3.3 million likes, 62.4k comments, 86.2k na nag-add sa kanilang favourites at mayroon lang namang 42.7k shares.

Maraming namang netizens ang kinilig at napacomment sa nasabing video ni Joshua. Kahit ilang artista ay napacomment rin kabilang na ang international singer na si Nikki Minaj.

Simpleng emoji lang ang komento ni Nicki ngunit isa itong karangalan na napansin ng isang international singger ang kagwapohan ng actor.

Narito ang video:

@iam.joshuagarcia Ito na pauwi na :) #fyp #foryoupage ♬ super freaky girl x luxurious - xxtristanxo

Sunday 28 August 2022

Official video ng proposal ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza viral na

 

Agad na nagviral sa social media ang official video ng proposal ni Arjo Atayde kay Mendoza.

Sa instagram post ni Maine, ibinahagi ng actress ang nasabing video.


Sa video ay ibinunyag ni Arjo ni hiningi ng dalawang beses ng actor ang kamay ni Maine sa mga magulang nito matapos madelay ang kanyang proposal dahil nagkaroon raw ng problema.

""I was supposed to propose last time, nagkaroon lang ng konting problema. Definitely something we really had to consider cause it involved family. So na-delay ng onti, and nagtanong ulit, nagpaalam kay Tito and Tita for the second time and nabigyan ng pagkakataon to ask for her hand in marriage," sabi ni Arjo 

Ibinunyag rin ni Arjo na isang taon narin niyang pinagplabohan ang pagpropose niya sa kanyang girlfriend.

Samantala inilahad din ni Maine kung paano siya tratohin ni Arjo.

"Lagi kong sinasabi para akong prinsesa sa kanya, the way he loves and cares for me, parang sobra and sometimes I really ask the Lord, 'What have I done to deserve this kind of love?' I've always prayed to find a man na who's gonna love me for who I am and you came" 

Narito ang video:


Saturday 27 August 2022

Andrew Schimmer nilinaw na hindi binayaran ni Coco ang hospital bill ng asawa niyang 6million

 

Nilinaw ni Andrew Schimmer sa vlog ni Ogie Diaz na hindi raw binayaran ni Coco Martin ng buo ang hospital bill ng kanyang asawa na nagkakahalaga ng 6million pesos.

Nakapag-decide si Andrew na linawin niya ito matapos siyang makatanggap ng mga masasakit na mga salita.


“Guys, hindi po binayaran nang buo ng ating kapatid na si Coco Martin ang amin pong bill sa hospital which is P6 million,” sabi ni Andrew 

"Nagbigay lang po ng konting tulong 'yung ating kapatid na si Coco Martin pero hindi niya po binayaran nang buo. Nagpahatid lang po ng tulong and for that, I am really really really grateful.” dagdag pa nito 

Paliwanag pa niya:

"Kaya ginawa ko itong correction na ito kasi marami nang nagpapadala din ng mga message sa'kin, very hurtful messages. 'Wag po kayong mag-alala guys, hindi po ako nagagalit, hindi rin sumasama ang loob ko sa inyo, nakakalungkot lang.” 

"So sana, 'wag niyo kong pagsalitaan ng masakit na salita mga kapatid, hindi po totoo 'yung inyong mga iniisip. Hindi po ganu'ng kalaki 'yung perang hawak ko po. Hindi po. Ang dami pong nagpapadala ng message na hindi magaganda, but it's okay, I understand you guys, ito ay bugso ng inyong damdamin. But again, this is not a betrayal of your trust.” 

Narito ang kabuuang interview:



Reaksyon ni Alora Sasam sa viral videi ng sweet moments ni Edu at Cherry Pie viral

 

Viral ngayon sa social media ang naging reaksyon ni Alora Sasam sa video ng sweet moments nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Sa video makikita na sweet na sweet ang dalawa habang kinukuhanan ito ng video ni Alora sa isang gathering.


Maraming netizens ang kinilig sa post na iyon ni Alora ngunit kapansin-pansin din ang nakakatuwang reaksyon ng ilang netizens sa reaksyon ni Alora.

Makikita na gamit ang isang filter ay naiiyak si Alora. 

Aliw na aliw naman ang ilang netizens kay Alora at tila maraming netizens ang nakarelate.

"For today’s episode of #AlwaysTheThirdWheelNeverTheMainWheel Mga batikang aktor naman po ang nang elbow sa atin. Gutom po kayo? @realedumanzano @yescppicache? Okay lang ako. marami naman akong perlas. Bilangin ko na lang to..." sabi ni Alora sa kanyang caption 

Narito ang video:


Thursday 25 August 2022

Andrew Schimmer ibinunyag na tumulog sina Coco at Ejay para sa kanyang asawa

 

Ibinahagi ni Andrew Schimmer na tinulungan siya nina Coco Martin at Ejay Falcon para sa kanyang asawa niyang si Jho Rivero nagkasakit. 

Si Rivero ay ilang buwan ng na-ospital dahil sa severe asthma attack na naging sanhi sa kanyang cardiac arrest at brain hypoxia.  


Sa isang panayam, ibinahagi ni Andrew na si Coco ang unang nagbigay sa kanya ng tulong.

Kabilang din si Ejay Falcon na nagbigay ng tulong.

"Actually, ang unang talagang nagpadala ng tulong ay itong aking kapatid na si Coco. Si Coco nagpadala po talaga siya right away nung December. Nagpadala kaagad si Coco ng P20,000.

 “Tapos sila Ketchup, Ejay Falcon. Nung December nagbigay sa akin si Ejay Falcon ng P5,000.

 “Michael Roy, Paulo Serrano, mga kapatid ko talaga yan,” 

Panoorin dito:


Wednesday 24 August 2022

Video ng reaksyon ni Melai sa natanggap niyang bill sa Meralco usap-usapan na

 

Viral ngayon sa social media ang reaksyon ni Melai Cantiveros nang dumating sa kanya ang bill ng kanyang kuryente.

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Melai ang kanyang nakakatuwang reaksyon habang tinitingnan nito kung magkano ang kanyang bill.


Makikita sa video na umabot ng mahigit 20k ang bill ni Melai.

Ayon kay Melai, nagbabakasyon raw doon ang mga pinsan ng kanyang mga anak.

"Dahil dtu nagbakasyon in 1 month ang mga pinsan ni Mela at Stela Well well well sabi ng kuryente its PayBackTime"sabi niya sa kanyang viral post 

Narito ang video:

Si Melai Cantiveros ay isang kilalang komedyante at host dito sa Pilipinas. Unang nakilala si Melai nang sumali siya bilang house sa Pinoy Big Brother. Siya rin ang itinanghal na Big Winner sa nasabing show.

Sa ngayon ay kasalukuyan siyang host sa Morning Talkshow ng kapamilya network na "Magandang Buhay".



Monday 22 August 2022

Judy Ann Santos naiyak sa sobrang mahal na presyo ng sibuyas

 



Gaya ng ordinaryong tao ay umaaray na rin si Judy Anne Santos dahil sa pagkamahal ng presyo ng puting sibuyas.

Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ni Juday ang kanyang larawan ang niyayakap nito ang pagkamahal-mahal na sibuyas.


Sabi niya: "Sibuyas na puti!! Nakakaloka ka! Dati kelangan ka munang hiwain bago maluha... ngayon, naiisip pa lang kita naiiyak na ko sa presyo mo!” 

“Pero dahil kailangan kita, kaysa mas kailangan mo ako, ha-hug kita at nanamnamin kita bago kita iluto… importanteng namnamin ka dahil 550 ka per kilo! Kalerks!” dagdag niya pa.


Si Judy Ann Santos ay kilalang artista dito sa Pilipinas. Isa siya sa mga hinahangaang actress ng bansa dahil sa galing at husay nito sa pag-arte.

Si Juday ay may anak naring tatlo sa asawa niyang si Ryan Agincillo.


Sunday 21 August 2022

Video kung saan nagpropose na si Ejay Falcon sa kanyang girlfriend viral na

 

Viral ngayon sa social media ang video kung saan nagpropose na ang actor na si Ejay Falcon sa kanyang girlfriend.

Sa video makikita na tila nasa isang okasyon sina Ejay at kanyang girlfriend at kasama.


Nabanggit rin ni Ejay na kasama nito ang kanyang pamilya at ang pamilya ng kanyang girlfriend.

Naiyak naman ang girlfriend ni Ejay nang lumuhod si Ejay sa kanyang harapan at hiningi nito ang kanyang matamis na "oo".

Panoorin dito ang video:


Si Ejay Falcon ay unang makilala ng sumali siya sa reality show na Pinoy Big Brother.

Siya ay itinanghal bilang Big Winner sa nasabing show.

Samantala si Ejay ngayon ay kasalukuyang Vice-Governor sa kanyang probinsya sa Oriental Mindoro.

Lolit ayaw tantanan si Bea, tinawag na "mukhang losyang na laos na star"

 

Usap-usapan na naman ngayon sa social media ang matinding banat ni Lolit Solis kay Bea Alonzo.

Sa kanyang post sa instagram, muli na naman niyang binanatan ang actress at tinawag pa niya itong na mukha na raw laos na star.

Narito ang kabuuang post ni Lolit laban kay Bea: 


"Tawa ako ng tawa Salve sa reaction na mukhang Tita ni Alden Richards si Bea Alonzo. Nag react daw ang Korea bakit mukhang matandang Tita ni Bae Suzy ang kinuha ng Pinas para sa Start Up. Ano ba iyan, talaga bang labas na wrinkles ni Bea at kahit anong gawin make up talagang kita ng mukha siyang matandang Tita ? 

"Grabe naman hindi na matakpan ng make up at styling ng glam team niya ang edad ni Bea eh ang mahal ng bayad sa mga ito pero hirap parin ayusin ang edad. At sobra naman iyon balita na kailangan mag mukhang matanda si Alden Richards para pantay tignan ang edad nila ni Bea Alonzo na mukhang Tita talaga.

"Hay naku, talagang nakaka alis ilusyon ang nagaganap na discovery ngayon kay Bea Alonzo . Iyon mukha siyang matanda, maraming wrinkles, laylay mga bilbil, mukhang losyang na laos na star, at marami pa after iwanan siya ni Gerald Anderson para sa mas bata at magandang Julia Barretto. 

"Dapat talaga nagkaruon agad ng saving releases para lumabas na bida si Bea after the break up. Kailangan sa ganitong sitwasyon meron team Bea Alonzo para sa back up ng image ni Bea. Hayun nauna tuloy iyon question, 'bakit iniwan ? Hindi worth it?'. Image building sana inasikaso kesa consulting a lawyer, simple management issue ng isang publicist. 

"Wrong move Salve at Gorgy, no amount of meet and greet, kung wala naman planning ang management niya will save Bea Alonzo sa pagka laos pag ganyan takbo ng career niya. Tell me if I am wrong ? Bongga"


Saturday 20 August 2022

Jane de Leon nagreact sa bagong post ni RR Enriquez tungkol sa kanya

 

Di mapigilang magreact ni Jane de Leon sa panibagong post ni RR Enriquez tungkol sa kanya.

Sa panibagong post ni RR ay pinuri nito si Jane dahil sa husay nito.


Matatandaan kasi na kamakailan lang din ay binatikos ni RR si Jane dahil kulang daw ito sa dating.

Ngunit ng makita na niya ang paglipad ni Jane bilang darna ay tila nagbago ang isip nito at pinuri pa niya ito.

Sabi niya: 

"Parang si Wonderwoman! Gal Gadot peg lang. I saw Gal Gadot (wonder woman in her) Hindi din sya pa super s*xy diba?

So that’s what I saw with Jane.. Pinatunayan nya na hindi kailangan maging super pas*xy to prove that you’re s*xy Darna na pinagpapantasyahan because of your body.

Siguro nasanay kasi ako na kapag Darna pina fantasize agad (marami kasing maniac sa pinas isa na ako dun) CHAROT😅

But sa character na nakita ko parang nagets ko na they wanted to show us na hindi lang pang s*x symbol, s*xy fantasize si new Darna. You can love her and focused on her other characteristics…. A strong define classy young empowered DARNA!

One thing I noticed also pinapackage sya as Darna pero hindi pang FHM or Maxim or Playboy where people can fantasize you.. Pansinin nyo metro mag sya lumabas because her beauty is not for any s*xy magazine… Pang high class packaging

Maganda po ang packaging nya so gets ko na po si Abs cbn

So ayun po congrats Jane! You nailed it❤️" 

Samanta nagpapasalamat naman si Jane sa naging komento ni RR. 

"Thank you"simpleng komento ni Jane sa post ni RR 

Narito ang kabuuang post ni RR:



Friday 19 August 2022

Ogie may pasaring sa "OA" na reaksyon sa pagbili ng shares ng ABS sa TV5

 

Nagpasaring ang komedyanteng si Ogie Diaz sa mga "OA" ang reaksyon sa pagbili ng shares ng Kapamilya Network sa TV5.

Sa kanyang tweet post, ay inilahad ni Ogie ang kanyang saloobin sa taong "OA" kung makareact.


"OA sa reaction nung bumili ng shares ng tv 5 ang kapamilya, pero deadma sa Pharmally at Philhealth issue?"sabi ni Ogie 

 "Me nakasuhan na ba? Nakulong? Share nyo naman." dagdag pa niya

Wala namang binanggit na pangalan si Ogie kung sino ang tao na kanyang pinapatamaan.

May idea na ba kayo kung sino ang taong ito? Ano sa tingin niyo nga ka-tabloid?



Joshua Garcia tapat inaming ilang beses nang sinubukan nilang magkita ni Bella Poarch

 

Tapat na inamin ng actor na si Joshua Garcia na ilang beses na nilang sinubukang magkita ni Fil-Am TikTok superstar na si Bella Poarch.
Sa panayam ni Mj Felipe ay inamin ng actor na matagal na pala silang nakapagkwentohan ang dalawa.


"Nagkakausap kami. Parang June ata dapat magkikita kami. Pero hindi natuloy 'yung Star Magic tour ko. Hindi ako nakasama. So parang July 2 ata pupunta siya pero hindi rin naman so, hindi natin alam," sabi ng actor 
 
Kwento pa ng actor ay good friend sila ni Bella at hinahanap-hanap raw niya ang English ni Bella.

"May mga konting katanungan, hinanap ko pa 'yung English, pero nagta-Tagalog naman siya," sabi ng actor 

Hiniling din ni Joshua na sana ay magkita sila pag pumunta na dito sa bansa si Bella.

"Thank you and sana makita kita. Magpakita ka sa'kin. 'Di ba? Exciting!,"sabi pa ni Joshua 



Thursday 18 August 2022

Video ng madamdaming eksena nina Jane at Zaijan sa Darna hinangaan ng netizens

 

Hinangaan ng maraming netizens ang madamdamaming eksena nina Jane de Leon at Zaijan Jaranilla sa isang episode ng Darna.

Sa nasabing episode ay nagkasagutan sina Jane na gumanap bilang "Narda" at si Zaijan na gumanap bilang "Ding" dahil tungkol sa pag-aaral.


Ayaw na kasi mag-aral ni Ding dahil kumikita na raw siya sa gaming ngunit ayaw kay Narda ay kailangan nitong mag-aral.

Dahil sa emosyonal ay nasampal ni Narda si Ding at biglang natigilan ang dalawa.

Umani naman ng positibong reaksyon ang nasabing eksena.

Ayon sa ilang netizens: 

"this scene between Jane and Zaijan was beautifully done. the emotion, frustration and tears… it's something that you can relate especially in our filipino household, ramdam mo yung sakit" 

“After watching the real life story of Jane De Leon’s life and the parallels of her NARDA character made me teary eyed… ramdam ko ung sakit kanina sa scene nila ni DING (Zaijan) and for the 2nd time, Jane really can act! Walang kokontra!” 

"Super duper galing nong eksena ni Jane at Zaijan. Short lang pero the way they executed it how and they delivered their lines is so amazing specially Jane I know magaling sya but i didn't know na she can act really well. Linis pa umiyak." 



Netizens sa larawan ni Julia Montes: "Buntis ba si Julia?"

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga larawan ni Julia Montes sa naganap na thanksgiving party ng Ang Probinsyano.

Sa mga larawan na ibinahagi ni Sharon sa instagram, ay marami ang nakapansin na tila tinakpan ni Julia ang kanyang tiyan.


Kaya maraming netizens ang napatanong kung di umanoy buntis ba si Julia.

Sabi ng ilang netizens: 

"Buntis ba si Julia?"

"Zoom in zoom out kay Julia.. color black jud makatago dpat tagoan."

"Mas sexy pa si Sharon kay Julia."

"Tinatakpan ang tiyan."

"Halata nga talaga kasi side view na siya at medyo malapit kuha ng picture."

Ang nasabing party ay ginanap sa Bonifacio Global City nitong Miyerkules.

Narito ang post. I-swipe left para makita ang mga larawan:


Jane de Leon emosyonal na ibinahagi ang hirap na pinagdaanan nila noon

Ibinahagi ni "Darna" star Jane de Leon ang hirap na pinagdaanan niya noon.

Sa showbiz vlog ni Ogie Diaz, ibinunyag ni Jane na dahil sa hirap ay naranasan na raw niyang asin ang kanilang inuulam.

"Yung hirap talaga namin, wala talaga kaming makain, asin lang po talaga kinakain namin," ani Jane kay Ogie Diaz.

"Asin? Bakit asin?" tanong ni Ogie

"Kasi walang-wala po talaga kaming pera," ani Jane.

Ibinahagi rin ni Jane na pumanaw raw ang kanyang ama na hindi man lang narasanan ang buhay na mayroon ngayon si Jane.

Panoorin dito:



Wednesday 17 August 2022

Anak ni Cherie Gil rumesbak sa basher matapos kwestyunin ang pagpunta niya sa party

 

Di mapigilang resbakan ng anak ni Cherie Gil na si Bianca Rogoff ang kanyang basher na kumwestyon sa pagpunta niya sa isang party.

Maalala na nitong August 5 ay pumanaw si Cherie Gil.


Sa kanyang post sa Instagram Stories, ibinahagi ni Bianca ang screen ng mensahe ng basher sa kanyang na umanoy nagparty siya kahit kakam**tay lang ng kanyang ina.

"Your mom just passed away and you are in a party right now?” sabi ng netizen 

Agad itong sinagit ni Bianca at pinatahimik ang basher. 

Sabi niya: "Absolutely.

“Life is sacred and should be valued and honored, and most importantly, lived.


“If you knew her, she’d be the first one to tell anyone to live their life adventurously and joyfully.

“I am grieving and that is similarly sacred – but it is not my job to show you that. I love my mother and am allowed to grieve as publicly or privately as I wish. I am not here to perform for those who chose to follow me."

Sinabihan rin niya ang basher na pwede siya nitong in-unfollow .

“I will keep enjoying the life my mother gave and granted me,” 




Tuesday 16 August 2022

Sharon labis na nagdadalamhati ngayon dahil sa kaibigan niyang na ICU dahil sa stroke

 

Labis na nagdadalamhati ngayon si Sharon Cuneta o mas kilala bilang Megastar dahil sa kanyang kaibigang na ICU matapos itong mastroke.

Nanalangin ang actress na sana ay madagdagan pa umano abg buhay ng kanyang kaibigan.


Hindi pa raw handa ang actress dahil kamakailan lang ay pumanaw din ang kaibigan niya si Cherie Gil.

"Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me…I just found out that she is in the ICU now because of a ‘silent stroke.’" 

“Please, please pray with me for her healing…Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya. Please pray. My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit. Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves,” sabi ni Sharon sa kanyang post 


Monday 15 August 2022

Video kung saan natapilok si Jane de Leon sa Its Showtime viral na

 

Viral ngayon sa social media ang video kung saan natapilok si Jane de Leon sa Its Showtime.

Kamakailan lang ay naguest si Jane sa nasabing noontime show at naglaro siya sa isang segment ng Its Showtime na "Vest in Spelling".


Sa nasabing segment ay tumatakbo si Jane para sagutin ang tanong na "Ano ang official currency ng Pilipinas?” at biglaan siyang natapilok.

Agad namang tinulungan si Jane, na natanggal ang sapatos, ng mga hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Anne Curtis para makatayo.

Panoorin dito:


Julia Montes nagreact sa isyu na umanoy buntis si Julia Montes

 

Nagbigay narin ng kanyang prangkang reaksyon si Ogie Diaz kaugnay sa tsismis na umanoy buntis si Julia Montes.

Sa kanilang showbiz update vlog ay napag-usapan nila ang tungkol supresang pagbabalik ni "Mara" [Julia Montes] sa Ang Probinsyano.


"Eto ang pag-usapan natin, lumabas si Mara, si Julia Montes, sa ending. Nagtataka ko, 'Te, bakit walang mga close-up shot? "sabi ni Jegs 

"Puro close-up nga e." sabi naman ni Ogie 

"Hindi, ng Tiya Nena," sabi naman ni Jegs na kung saan tinutukoy nito ang tiyan ni Julia

 “'E diba may tsismis na buntis?" pagpatuloy pa ni Jegs

 "So, parang itinago 'yung tiyan part, ganu'n ba?" tanong naman ni Mama Loi

"Oo, 'Te. Diba tinago? Kasi may long shot, may wide shot, pero walang medium shot, diba?" sabi naman ni Jegs 

Kaya naman ay pinagsabihan ni Ogie ang dalawa na maghintay nalang raw na umanin sila.

"Alam mo, antayin natin kung totoo man 'yang haka-haka na buntis si Julia Montes. Hintayin nating sila ang umamin. So, kung sinabi nila na hindi buntis, edi hindi buntis. Nagmamadali ka ba? May nag-aabang bang taxi sa baba?" sabi ni Ogie 

Sambat naman ni Jegs "Hindi, kasi may napanood akong TikTok video na medyo malapit 'yung kuha. Medyo parang lumapad si Julia du'n sa video," 

 "Porke lumapad, buntis na, Jegs. Baka pwedeng napalakas lang ang kain.” prangkang sagot ni Ogie kay Jegs 



Sunday 14 August 2022

Ion Perez si Cristy Fermin nga ba ang pinapatamaan niya sa kanyang viral video?

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ni Ion Perez na pinost niya sa kanyang tiktok account.

Sa nasabing video ay tila nagpasaring si Ion sa isang taong walang matinong sinabi kundi puro masama.


Sabi ni Ion:

"Halos wala ka na ngang boses wala paring lumalabas na matino at maganda sa bibig mo. Uy 2022 na iilan nalang yung araw sa mundo" 

@perezion27

Bulalakaw! Hahaha

♬ original sound - Perezion27

Samantala walang pinangalanan si Ion sa kanyang viral video ngunit ilang mga netizens ang pinaghihinalaan na si Cristy Fermin raw ang tinutokoy ng actor.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na galing sa comment section ng post ni Ion.





Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...