Tuesday 31 May 2022

Asawa ni Moira dela Torre kinumpirmang hiwalay na sila ng singer

 

Matapos ang tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay kinumpirma ngayon ng asawa ni Moira dela Torre na si Jason Hernandez na sila ay hiwalay na.

Sa kanyang post sa facebook ay inilahad niya na naging unfaithful siya kay Moira.


Narito ang buong post ni Jason sa kanyang post sa Facebook.

"This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me. 

"3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better. 

"From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi." 



Video ni Andrea Brillantes na namumulot ng basura sa Siargao usap-usapan

 

Viral ngayon at umani ng samut-saring reaksyon ang video ni Andrea Brillantes na namulot ng basura sa Siargao.

Makikita sa video na dala-dala ni Andrea ang isang sako habang namumulot ito ng mga basura.


Umani naman ng papuri ang actress mula sa mga netizens ngunit may ilan din na nakapansin na umanoy nagbabay talk raw ang actress.

"Tignan mo yung mga nakuha ko...dami na o," sabi ni Andrea

"May mga chirchirya pa dun," dagdag niya.

Maalala na kamakailan din nagviral ang video ni Andrea na bumili sa isang tindahan na ayon sa ilang netizens ay nagbaby-talk rin daw ang actress.



Monday 30 May 2022

Andrea Brillantes wild daw at palaging lasing sey ni Ricci sa viral nilang tiktok video

 

Viral ngayon sa social ang tiktok video nina Andrea Brillantes at kanyang boyfriend na si Ricci Rivero.

Sa nasabing tiktok video ay gumawa sila ng challenge na kung saan sinagot nila ang mga tanong na kung "sino ang"  habang sila ay nasa swimming pool.


Narito ang mga tanong kabilang narin abg umanoy mga sagot.

Sino ang pinaka-toyoin? “Andrea!”

Pinakamalakas tumawa? “Andrea!”

Sino mahilig manlait? “Andrea!”

Sino palaging lasing? “Andrea.”

Sino pinaka-wild? “Andrea?”

Sino pinaka-sweet na halos laggamin? “Andrea, Ricci!” 

Sino ang madalas matulog? “Andrea, Ricci!”

Sino ang madalas magselos? “Andrea!”

Sino ang madaling umiyak? “Andrea!”

Sino ang pinaka-matakaw? “Ricci.”

Sino ang palaging sumusuyo? “Ricci.” 

Narito ang video:


@blythe Happy Birthday bebe haha πŸ’–@riccipaolorivero #fyp #fypγ‚· ♬ original sound - CarlNeth - gwyneth
Sa ngayon ang nasabing tiktok video ay pumalo na sa 8.1 million views.

Sunday 29 May 2022

Anne Curtis aminadong kinabahan sa pagbabalik sa Its Showtime! Nagtake-2 sa kanyang prod

 

Aminado ang actress na si Anne Curtis na kinabahan siya sa pagbabalik niya sa Its Showtime sa katunayan ay nag-take 2 pa ito sa kanyang pasabog na production number.
Nakakailang linya pa lang si Anne sa kantang "Break Free" ni Ariana Grande nang bigla itong tumigil.


"Isa pa, isa pa...kinakabahan ako," sabi ng host

“I’m still rusty. Rusty ako ngayon, ’yung performance ko ngayon. Parang it will take a while again to get back into the groove. Kaya pagpasensyahan n’yo na po madlang pipol,” sabi ni Anne 

Samantala di rin mapigilang maging emosyonal ni Anne nang salubungin siya ng kanyang mga co-host sa nasabing noontime show.

“Grabe na-miss ko kayong lahat. It’s a new experience. I’m just so happy to be here again, guys. It’s been so long,” aniya.



Saturday 28 May 2022

Mga netizens napa-wow sa bagong looks ni Angel Locsin

 

Maraming netizens nang napawow ngayon sa bagong looks ng actress na si Angel Locsin. 

Sa kanyang recent post sa instagram ay ibinida ni Angel ang kanyang bagong look na ayon sa karamihan ay korean look raw ito.


"She bangs" simpleng caption ng actress sa kanyang post  

Si Angel Locsin ay isang sikat na artista dito sa Pilipinas. Maraming mga tao ang humanga kay Angel dahil sa taglay nitong kabutihan. 

Sa katunayan ay tinawag pa siyang real life Darna dahil sa agaran niyang pagtulong sa mga nangangailanan.

Ivana Alawi sobrang natouch sa pagiging maalaga ni Gerald Anderson

 

Sobrang natouch raw ang actress na si Ivana Alawi sa pagiging maalaga ng actor na si Gerald Anderson sa kanilang taping.

Sina Ivana at Gerald ay magkasama sa isang teleserye na family affair na A Family Affair na kung saan makakasama rin nila sina Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake. 


Ayon kay Ivana sobrang professional raw ni Gerald sa set.

Gerald is “very professional" especially during taping, nag-i-internalize siya. When he becomes the character, ang galing talaga. So, parang ako na nahiya, parang ayoko magbiro kay Gerald because he’s really professional.” sabi ni Ivana. 

Dagdag pa niya na napakabait raw ni Gerald at natotouch raw siya sa pagiging maalaga ng actor.

"Sobrang bait nila lalo na si Gerald kasi more on nakaka-eksena ko ngayon si Gerald recently. Sobrang na-to-touch ako sa sobrang pagiging maalaga niya. Kasi may scene na tumatakbo ako na parang nakapaa. Siya mismo yung nagwawalis. Sobrang bait.” 

Source: Philstar


Friday 27 May 2022

Kuya Kim nagreact sa teaser ng video ng pagbabalik ni Anne Curtis sa Its Showtime

 

Di mapigilang magreact ni Kuya Kim Atienza sa isa isang teaser video ng big comback ni Anne Curtis sa Its Showtime.

Sa kanyang post sa instagram nito lamang biyenes May 27, ibinahagi ni Anne sa kanyang instagram ang nasabing teaser video.


"This time. Tomorrow. FINALLY, See you MADLANG PEOPLE! #ANNEditoNaSaShowtime" sabi ni Anne sa kanyang post 

Maraming celebrities ang nagreact at tila excited narin sa pagbabalik ng host sa nasabing noontime show ng kapamilya network.

Kabilang na dito ang dating showtime host na si Kuya Kim. 

Sabi niya: "It's your passion! All the joy and happiness inaanak in a show I once called family. Love you and the rest anne! Enjoy,"  


Narito ang post ni Anne Curtis. 


Maalala na matagal rin nawala si Anne sa nasabing show. Ito ay dahil sa pagbubuntis niya sa kanyang panganay na anak na si Baby Dahlia. 


Paring nagkasal sa kapatid ni Maine Mendoza nadistract sa kagandahan ng actress

 

Nadistract raw ang pari na si Rev. Fr. Joseph Fidel Roura sa appeal ni Maine Mendoza sa naganap na kasal ng kapatid nitong si Coleen Mendoza. 

Ang nasabing Pari ang nagkasal sa nasabing kapatid ni Maine kamakailan lang. 


Si Maine ang Maid of Honor. sa kasal ng kanyang kapatid. 

Ayon kay Fr. Joseph, marami na raw siyang ikinasal ngunit ngayon lang siya nadistract sa isangmaid of honor

"Napakarami ko nang ikinasal pero ngayon lang ako nadistract sa maid of honor. Iba din kasi talaga ang appeal ni Maine Mendoza. " sabi ng Pari sa kanyang post sa Facebook

Dagdag pa niya: "'Yong pwede namang 'di na tawagin ang best man at maid of honor dahil nasa harap ko na 'yong arrhae and rings pero tinawag ko pa rin haha. Para-paraan lang 'yan" 

Narito ang kanyang post:


Kumpirmado! Liza Soberano si James Reid na ang bagong manager

 

Kumpirmadong si James Reid  na ang bagong manager ni Liza Soberano.

Kinumpirma ito ng kanya dating manager na si Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

Ayon kay Ogie hanggang May 31 nalang daw ang kontrata nila ni Liza. 

Ngunit nilinaw naman ng komedyante na maayos na nagpaalam sa kanya ang kanyang alaga.


"May bago na siyang management. 'Yun ay walang iba kundi ang team ni James Reid." sabi ni Ogie 

Maalala na kamakailan lang ay spotted sina James at Liza na magkasama sa isang event na kung pinanghihinalaan ng iba na may namamagitan sa kanila.

"Kaya pansinin mo, magkasama sila sa gala. Hindi lang si James ang kasama ni Liza kundi 'yung mga kapartners nila. Kasi parang meron silang business group, kasama doon si Liza. At the same time, yun na rin ang maghahawak ng kanyang career" sabi ni Ogie 

Panoorin dito ang kabuuang pahayag ni Ogie Diaz: 

Si Liza Soberano ay isang sikat na actress dito sa Pilipinas. Si ay ang reel at real life partner ng actor na si Enrique Gil.



Thursday 26 May 2022

Freddie Aguilar proud na ibinida ang kanyang "bhabe" mga netizens napa "Sana All"

 

Maraming netizens ngayon ang napa "Sana All" matapos ibinida ng batikang singer na si Freddie Aguilar ang kanyang "bhabe". 

Ibinahagi ni Freddie sa kanyang social media account ang luch date nila na kuha sa isang restoran sa isang mall sa Quezon City noong ika-14 ng Mayo.  


“Lunch date kami ni bhabe kanina lang sa Italiannis UP Town Center. Love you bhabe ko,” sabi ni Freddie sa caption ng kanyang post 

Sa pagkakasulat na ito, ay umabot na sa 11k reactions, 1.4k comments at 7.8k shares ang nasabing post ni Freddie. 

Samantala sa latest post naman ni Freddie ay ibinahagi niya ang sweet moments nila ni Freddie sa isang kainan.

Sabi niya sa caption ng kanyang post: "Alam nyo ba na si misis ay mahilig mag joke? Pero bago nya matapos ang joke nya mauuna muna syang tumawa! " 


Susan Roces inihatid na sa huling hantungan katabi si FPJ

 

Hinatid na sa kanyang huling hantungan ang beteranang actress na si Susan Roces ngayong araw May 26. 

Ang mga labi ni Susan ay dinala sa Manila North Cemetery na kung doon rin nakahimlay ang labi ng mahal niyang asawa na si Fernando Poe Jr.

Sinaksihan ito ng kapamilya at kaibigan ni Susan.

Bago pa man dumating ang mga labi ng actress ay mapapansin na marami na ang nakaabang sa kanya. 

Panoorin dito ang video:

Si Susan Roces ay isang beteranang actress na tinaguriang "Reyna ng Philippine Movies".  

Huling napanood si Susan sa longest running TV Series ng kapamilya network ang FPJ's Ang Probinsyano na pinagbibidahan ng actor na si Coco Martin.

Si Susan ay isa sa mga original cast ng nasabing serye.


Wednesday 25 May 2022

Naku po! Ex PBB housemate Alyssa Valdez hiwalay na sa kanyang boyfriend na si Kiefer Ravena

 

Hiwalay na ang volleyball star at dating PBB housemate na si Alyssa Valdez sa kanyang boyfriend na si Kiefer Ravena. 

Kinumpirma ito sa sa management ni Alyssa na vmanagementgroup sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang official statement sa kanilang social media account.


Sabi sa post ng nasabing management:

"A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party. Let us avoid making up stories & spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private.

"Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her. 

"This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining any interviews or questions. Thank you for your understanding." 

Samantala ayon kay Alyssa, huwag daw magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanilang paghiwalay.

"please avoid making up stories & spreading false rumors. thank you for all the love. " Sabi ni Alyssa sa kanyang post sa Facebook 

Marami naman sa kanilang fans ang nalungkot sa hiwalayan ng dalawa.



Tuesday 24 May 2022

Lolit nagreact sa tsismis na umanoy gustong maging artista ni Angeline ang kanyang boyfriend

 

Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon ang ang beteranang columnist na si Lolit Solis sa tsismis na umanoy gustong maging artista ni Angeline Quinto ang kanyang boyfriend. 

Aniya tumatayo raw ang kanyang balahibo ng mabasa niya ito. 

"Parang tumayo balahibo ko Salve ng mabasa ko na gusto daw ni Angeline Quinto na mag artista iyon non showbiz father ng kanyang naging anak. Sa nabasa ko na mga nasulat, may 3 ng anak sa 2 pang ibang babae iyon BF ni Angeline. Naanakan niya si Angeline Quinto, at ngayon may pangarap siyang pumasok ng showbiz." sabi ni Lolit 

Dagdag pa niya na hindi madali maging celebrity at tinawag pa niya itong feeling pogi.

"Bongga di ba ! Parang ganuon kadali lang puwede na siyang maging celebrity ? Parang nagka anak ka sa 3 babae, puwede ka ng matinee idol?"Feeling pogi at yummy dahil may mga babae na nagpa anak sa kanya ? Iyan ilusyon dapat may realidad din." sabi ni Lolit 

Inabisuhan rin niya ang boyfriend ni Angeline kung bagay ba raw ito sa showbiz.

"Check mo muna sa salamin o ikaw mismo sa sarili mo kung babagay ka ba sa mundo na papasukin mo. Porke pinatulan ka at nagpa anak ang isang Angeline Quinto, pang showbiz ka na ? Puwede ka ng artista ? Naku, dapat siguro magkaruon ng reality check pati si Angeline para naman iyon ulap sa mga mata nila mawala. Nagka anak na sa 2 magka ibang babae, pumayag kang anakan ka, tapos ngayon bibigyan mo ng ilusyon maging showbiz." sabi ni Lolit

May advice din si Lolit kay Angeline.

"Naku, sana na lang ang isipin mo ang magiging kinabukasan ng iyong anak Angeline, huwag mo ng pasukin ang trabaho ng pagiging talent scout. Baka maghanap lang ng iba pang babae na aanakan iyan BF mo sa showbiz kaya gusto pumasok, stop , look, listen ka muna." sabi ni Lolit 




Sunday 22 May 2022

Zeus Collins nagpropose sa kanyang girlfriend sa naganap na Star Magic Games

 

Nagpropose na ang hashtag member na si Zeus Collins sa kanyang girlfriend na si Pauline Redondo.

Nagpropose si Zeus sa naganap na Star Magic Games 2022 kahapon May 22. 


Ang mga masayang kaganap sa nasabing proposal ay ibinahagi sa online post ng kilalang photographer na Nice Print Photography and Exige Weddings. 

"While we were covering the Star Magic Games 2022, we witnessed the wedding proposal of @hashtag_zeuscollins for Pauline Redondo  Congratulations! @starmagicphils" sabi ng nasabing photograper 

Check out their photos here:

Si Zeus Collins ay isang dancer at actor dito sa Pilipinas. Siya ay miyembro ng sikat na dance group ng It's Showtime na Hashtag. 

Si Zeus ay dati ring Housemate sa sikat na bahay ng bansa ang Pinoy Big Brother.

Saturday 21 May 2022

Coco Martin naiyak sa pagpanaw ni Susan Roces

 

Naging emosyonal ang actor na si Coco Martin sa pagpanaw ng beteranang actress na si Susan Roces.

Nagpost siya sa kanyang facebook ng kanyang pagkalungkot dahil sa nangyari kay Susana na nagplay ng role na Lola Flora sa Fpj's Ang Probinsyano.


Maikli lang ang post ng actor ngunit punong-puno ito ng pagmamahal.

"Mahal na mahal at sobrang mamimiss ka po naming," sabi niya sa kanyang post na may kasamang broken at crying emoji. 

Samantala si Susan Roces ay pumanaw nito lamang nito May 20 2022 ng gabi. Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Grace Poe. 

"With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces," sabi ni Grace sa kanyang mensahe

"She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends," dagdag pa nito 

Friday 20 May 2022

Cute! Angeline Quinto ipinakilala na sa publiko ang kanyang baby boy

 

Sa wakas ay ipinakilala narin sa publiko ng singer-actress na si Angeline Quinto ahg kanyang baby.

Sa kanyang post sa instagram, ay ibinahagi niya ang larawan sa kanyang unang baby na si Sylvio.


"Everyone, meet our little bundle of love Aziel Sylvio Quinto Daquina @babysylvio #BabySylvio" sabi ni Angeline sa kanyang post 

Samantala ipinost rin ni Angeline sa kanyang YouTube Channel ang behind the scenes ng kanilang Photoshop.

Tingnan dito:

Isinilang ni Angeline ang kanyang unang baby noong April 27 2022 ng gabi. Maalala na kinumpirma ni Angeline na siya’y nagdadalang-tao sa panayam sa kanya ni Boy Abunda last December, 2021. Ngunit tumanggi siyang pangalanan kung sino ang tatay ng bata. 

Si Angeline Quinto ay isang sikat na singer dito sa Pilipinas. Unang nakilala si Angeline ng manalo siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. 

Thursday 19 May 2022

Payo ni Julia kay Joshua: "Huwag ka munang maggi-girlfriend"

 

Isiniwalat ng actress na si Julia Barretto na pinayohan niya ang kanyang dating boyfriend na si Joshua Garcia na huwag raw muna itong maggi-girlfriend.

Magiging sagabal raw ito sa showbiz career ng actor.

"I tell him, 'How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang maggi-girlfriend. Sabi niya sa akin, 'Ba't ba ayaw mo ako magka-girlfriend?' Sabi ko, 'Basta, huwag ka muna magka-girlfriend. Enjoy what you have now.' sabi ni Julia 


Ayon kay Julia, gusto raw muna nito na ma-enjoy ni Joshua ang kanyang career sa showbiz.

"Because he's young and he's in his prime and he's a brilliant actor. It's not the time to be limited right now. I want him to really enjoy his time."sabi ni Julia 

Sabi pa niya, isa raw sa na-appreiate niya kay Joshua ay dahil nirerespeto raw nito ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

"I think one of the things I really appreciate about it is he respects Ge a lot, and that says a lot about Josh as well and how much he has grown and matured. He respects Ge, and that means a lot to me."sabi ni Julia 

Si Julia Barretto ay isang sikat na actress at model dito sa Pilipinas. Siya ay anak ng actress na si Marjorie Barretto at ng komedyanteng si Dennis Padilla. 

Lalong nakilala si Julia dahil sa tambalan nila ng actor na si Joshua Garcia.

Wednesday 18 May 2022

Julia Barretto tapat na inaming handa na niyang pakasalan si Gerald Anderson

 

Tapat na inamin ng actress na si Julia Barretto na handa na siyang pakasalan si Gerald Anderson.

Sa isang interview ni King of Talk Boy Abunda niyo lamang May 18, kay Julia sa kanyang  YouTube channel ay napag-usapan nilang ang tungkol sa kasal.


Sa isang parte ng video ay tinanong ni Boy si Julia ng "Are you scared of the prospect that one of this years, you're going to get married?"  

Ayon kay Julia hindi raw siya natatakot kundi na-eexcite pa raw ito at naku-curious.

Matapos marinig ni Boy ang sagot ni Julia ay tinanong niya ulit ito.

"Hypothetical, one of these months, Ge asks you to marry him. Would you say yes?"prankahang tanong ni Boy kay Julia 

Walang kaduda-duda ay sumagot si Julia ng "Yes".  

Panoorin dito ang video:


Si Julia Barretto ay isang sikat na actress at model dito sa Pilipinas. Siya ay anak ng actress na si Marjorie Barretto at ng komedyanteng si Dennis Padilla. 

Lalong nakilala si Julia dahil sa tambalan nila ng actor na si Joshua Garcia. 

Wow naman! Anne Curtis magbabalik na sa Its Showtime

 

Magbabalik narin sa wakas ang actress at host na si Anne Curtis sa noontime show ng kapamilya network na Its Showtime. 

Sa inilabas na teaser ng ABSCBN PR sa kanilang Instagram, ay inilahad nila ang pagbabalik ng isang host. 


Hindi pa man nila ito pinangalanan ay halatang si Anne Curtis na ito dahil maririnig ang boses nito.


Maalala na matagal din nawala ang actress sa Its Showtime matapos itong magleave dahil sa kanyang panganak.

Si Anne Curtis ay isang sikat na artista at host sa Pilipinas. Si Anne ay binansagan bilang Diyosa sa balat ng Telebesyon.

Tuesday 17 May 2022

AJ Raval ibinahagi ang snapshot sa videocall nila ni Aljur Abrenica

 

Viral agad sa social media ang ang ipinost ni AJ Raval sa kanyang social media account na kung saan ibinida niya ang pag-video call nila ni Aljur Abrenica.

Makikita sa nasabing post ni Aj sa kanyang Ig stories na tila nagpahinga na si Aj sa kanyang kama samantalang si Aljur naman ay sakay sa kanyang motor na may sout oa itong helmet.

Maaalala sa mga nakaraang interview na nag-umpisa umanong manligaw si Aljur kay AJ matapos naghiwalay sila ng kanyang asawang si Kylie Padilla.

Nilinaw naman ni Kylie sa isang interview na hindi si Aj ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Aljur.

Si Aj Raval ay isang sikat na actress dito sa Pilipinas. Siya ay anak ng action star Jeric Raval.



Monday 16 May 2022

Kris Aquino tapat na inaming life threatening ang kanyang sakit; may mensahe sa basher

 

Tapat na inamin ng Queen of All Media na si Kris Aquino na "life threatening" ang kanyang sakit. 

Sa kanyang post sa instagram, idenetalye ni Kris ang tungkol sa kanyang kalusugan.


“Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.

“I’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na makalipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nag darasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH.

"3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the πŸ‡ΊπŸ‡Έ- meron po akong vasculitis, to be very specific – late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA.

“My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City). They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest. Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids" sabi ni Kris 

May pakiusap rin si Kris tungkol sa mga nang-iintriga sa kanya at huwag idamay ang kanyang mga anak 

“Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak n’yo pong mambastos or mag-comment ng masakit o masama, sa mga sarili n’yo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin," sabi ni Kris.

“Hindi n’yo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish Kuya & Bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan," aniy pa.

May mensahe rin siya sa kanyang mga basher.

“Hello everyone… yung chismis na na-confine ako, na nasa ICU, na nag-aagaw-buhay… masyado kayong advanced,” mensahe niya.

“Para klaro ang lahat…. dahil gusto n’yong patay*n na ‘ko… well.. I’m not yet de*d.. okay… so… I’m going to fight.”


Xian Lim at Barbie Imperial viral matapos maispatan sa isang hotel

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan nina Xian Lim at Barbie Imperial na naispatan sa isang hotel. 

Makikita sa post ng Hotel Rosario Mati na masayang nagpapicture ang dalawa.


Sabi sa post ng nasabing Hotel: "Thank you so much, Mr. Xian Lim & Ms. Barbie Imperial for staying at Hotel Rosario Mati " 

Hindi pa ngayon malinaw kung ano ang ginawa ni a Barbie at Xian sa nasabing lugar. 

Baka merong ginagawang show or project ang dalawa.  

Ano sey niyo dito mga ka Philtabloid?

 Si Barbie Imperial ay kilalang artista dito sa Pilipinas. Siya ay unang masilayan sa telebesyon ng siya ay pumasok bilang housemate sa Pinoy Big Brother.

Si Barbie ay lalong nakilala ng mabigyan siya ng lead role na Araw Gabi sa ABSCBN na kung saan nakatambal niya ang actor na si JM de Guzman.

Sunday 15 May 2022

Sharon Cuneta humiling ng respeto, pagmamahal at pag-uunawa

 

Nagpost si Sharon Cuneta sa kanyang social media account ng isang maikli peru makahulugang mensahe. 

Walang binanggit na pangalan si Sharon sa kanyang post kung para kanino ito.


Sa kanyang maikling mensahe, ay humiling siya ng pagmamahal, respeto at pag-unawa.

"Respeto, Pagmamahal at Pag-unsawa lang sana" ani Sharon sa kanyang post 

Ipinost niya ang nasabing mensahe ilang araw makalipas ang eleksyon.

Maalala na tumakbo sa pagka-bise presidente ang asawa niyang si Kiko Pangilinan ngunit natalo ito sa kanyang katunggali na si Sara Duterte. 

Samantala sa naganap na thanksgiving event ay naging emosyonal sina Sharon at Kiko. Makikita sa video na ipinost ni Frankie Pangilinan na di mapigilang tumulo ang luha ng dalawa. 



Si Sharon Cuneta o tinaguriang Megastar isang sikat na singer at actress dito sa Pilipinas. Kasalukuyan siyang mapapanood ngayon sa longgest running tv series ng bansa na Fpj's Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...