Thursday 31 March 2022

Siya na nga ba ang bagong nagpapatibok sa puso ni Joshua Garcia?

 

Usap-usapan na ngayon sa social media ang larawan ni Joshua Garcia kasama ang isang babae na basketball player sa Ateneo.

Ang nasabing basketball player ay si Trina Guytingco. 

Mas lalong naging mainit ang usap-usapan sa dalawa matapos ibinahagi ni Joshua ang larawan ni Trina sa kanyang instagram story habang nasa beach trip ito sa naganap na birthday celebration ng actress na si Kathryn Bernardo.


Ngunit sa ngayon ay tikom parin ang bibig ng actor tungkol sa totoong namamagitan ng dalawa.

Sila na nga ba? Ano sa tingin niyo mga katabloid?






John Lapus sinopla si Marcoleta matapos ipinagmalaki nitong naipasara niya ang ABSCBN

 

Di mapigilang banatan at tinawag na 'Dem*nyo' ni John Lapus si Rodante Marcoleta matapos ipinagmalaki nito sa campaign rally na naipasara raw niya ang ABSCBN.

Sa kanyang twitter, ay nirepost niya ang isang tweet ng Philstar na kung saan ibinahagi nito ang video ni Marcoleta sa campaign rally sa Carmen, Davao del Norte.

Kapansin-pansin ang sinabi ni Marcoleta sa nasabing video ang linyang :"Isinara ko po ang ABS-CBN," 


Panoorin dito:


Birthday Message ni Ion sa 'asawa' niyang si Vice kinakiligan ng maraming netizens


Kinakiligan ngayon ng maraming netizens ang sweet na birthday message ni Ion Perez para sa kanyang "asawang" si Vice Ganda.

Sa Ig story ni Ryan Bang ay ibinahagi nito ang pagbati ni Ion kay Vice.

 Sabi ni Ion: "Araw-araw naman niyang naririnig sa akin ito kasi sa tuwing magdarasal kami, lagi kong ipinagdarasal talaga na bigyan pa kami ng mahabang panahon para magsama.


“At siguro, ang masasabi ko sa 'yo, babe, paulit-ulit kitang pipiliin. Kahit sa kabilang-buhay, baka ikaw yung piliin ko pa rin.

“Ang maipapangako ko lang, yung buong pusong pagmamahal ko sa 'yo at tapat.

"Yun lang, babe.Thank you, babe, I love you."

Si Vice ay nagdiwang ng kanyang ika-46th birthday ngayong araw.


Aj Raval tapat na inaming nakilala na niya ang dalawang anak ni Aljur Abrenica

 

Tapat na inamin ng actress na si Aj Raval na nakilala na niya ang dalawang anak bg actor na si Aljur Abrenica kay Kylie Padilla.

Ayon kay Aj mga matatalino at mabait bata raw ang dalawang anak ng actor. 

Ayon pa kay Aj nagka-usap na raw sila ni Kylie at wala raw problema sa kanila. Yung mga tao lang daw ang madalas nangne-nega.

Sabi pa ni AJ, parang normal na lang sa kanyang pamilya ang mga atensiyon na ito ng tao sa kanya. Aniya, kahit anong gawin niya ay may masasabi pa rin ang mga tao sa kanya kaya napag-isip-isip niyang gawin na lang ang magpapasaya sa kanya.


 Komportable na rin umano siya sa mga pinapagawa sa kanyang mga eksena sa kanyang ginagawang pelikula dahil mga propesyonal naman daw ang mga nakakatrabaho niya at alam nilang trabaho lamang ang kanilang ginagawa. 

Panoorin dito:


Wednesday 30 March 2022

Angel Locsin sinasabing wala raw kawalan kung siya ay malaki ngayon

 

Ibinahagi ng actress na si Angel Locsin sa isang interview ni Ogie Diaz ang tungkol sa kanya ngayong pangangatawan.

Sa nasabing interview ay tinanong siya ni Ogie: "What can you say na parang big deal sa kanila kung gaano kalaki si Angel, tapos na-viral siya,"  

Inamin naman ni Angel na lumalaki siya ngayon peru wala raw siyang paki rito.

"I'm acknowledging, yes, malaki ako. Eh ano naman ngayon? Bakit? may kawalan ba? Minsan kung makalait pa yung iba, tinitignan ko pa yung profile picture, 'Excuse me naman sayo ha!'"  


Tanong uli ni Ogie: "But you're trying to lose weight?"  

"I'm trying but I'm not trying my best. I don't really care. I'm Angel Locsin. Na-develop ko yung sarili ko nang kung ano man ako ngayon. I don't really care. What I mean is, I don't care kung ano ang opinyon ng ibang tao. Okay ako eh. Ang ganda ko sa paningin ng asawa ko. Darating din tayo diyan, kung papayat ka, papayat ka, but it's not an issue. Ang pagiging Angel Locsin ko ay hindi nasusukat kung gaano ako kabigat. Alam ko ang dami kong na-prove sa sarili ko, sa ibang tao." 

Panoorin dito:


Video ni Jhong na natisod habang nangangampanya ngunit agad na nagroll viral na

 

Viral ngayon sa social media ang video ng actor na si Jhong Hilario na natisod habang nangangampanya.

Makikita ngayon sa nasabing viral video na matapos matisod ni Jhong ay agad itong nagroll at tumayo na parang walang nangyari.


Agad naman siyang niyakap ng isang nanay at natawa na lamang si Jhong.

Panoorin dito:

@showbiznews19 #politics #jhonghilario #showtime #celebrity #cong#celebrity #abscbn #abs ♬ original sound - MARITESOFFICIAL☑️

Tuesday 29 March 2022

Xian Gaza nagreact sa larawan ni Joshua kasama ang isang babae

 

Agaw pansin ngayon sa social media ang kumakalat na larawan ni Joshua Garcia kasama ang isang babae na umanoy miyembro ng Ateneo Basketball Team.

Sa post ng self proclaimed Pambansang Marites ng Pinas na si Xian Gaza, ay ibinahagi nito ang nasabing larawan ng babae kasama si Joshua.

Tinanong niya si Joshua sa kanyang post kung bakit magkamukha raw sila ng kasama ng actor na babae.


"shuta Joshua ba't kamukha ko siya"sabi niya sa kanyang caption 

"akala ko ako tanqinyeam"hirit pa niya sa comment section ng kanyang post 

Sa ngayon ay kasalukuyan pang inaalam ng aming team kung sino ang nasabing babae.



Monday 28 March 2022

Angelica Panganiban proud na ibinida ang kanyang baby bump

Proud at masayang ipinakita ng kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa publiko ang kanyang baby bump.

Maalala na kamakailan lang ay ginulat ni Angelica ang publiko matapos niyang inanunsyo ang kanyang pagbubuntis.



"Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako. Opo, may matres ako mga baklaaah!" sabi ni Angelica sa kanyang post 


Marami namang sa kanyang nga kaibigan sa showbiz at lalo na ang kanyang taga-hanga ang tuwang-tuwa sa masayang balita ng actress.


Karen Davila nagreact sa ginawang pananapak ni Will Smith kay Cris Rock sa live tv

 

Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon ang kapamilya broadcaster na si Karen Davila sa ginawang pagsapak ni Will Smith kay Cris Rock sa global tv.

Naganap ang nasabing pagsapak matapos hindi nagustuhan ni Will ang joke ni Cris sa kanyang asawa.

Sabi ni Karen na tila hindi nagustuhan ang ginawa ni Will "This was TERRIBLE. Will Smith hits Chris Rock on stage - physically assaults him, humiliates him on global TV, shouts expletives at him… 


and then in his acceptance speech says “I want to be a VESSEL OF LOVE” What a disconnect! "


Sunday 27 March 2022

Ogie Diaz umalma sa kumakalat na pekeng poster ni VP Leni

 

Inalmahan ng talent manager na si Ogie Diaz ang kumakalat ngayon na pekeng poster ni VP Leni Robredo na kung saan tila ginawa itong santa.


Ayon kay Ogie, mga peke umanong supporters ni VP Leni ang gumawa nito.

Ipinost ni Ogie sa Facebook ang mga larawan ng mga umano'y nagpapanggap na kakampinks.

"GANITO BABUYIN NG KALABAN SI VP Leni Robredo," caption niya.


"GAGAWA NG PEKENG LARAWAN PARA MAGALIT ANG MGA TAO KAY VP," dagdag niya.

 "JUICE KO, BAKIT DI NYO NA LANG ILATAG ANG ACHIEVEMENT NG KANDIDATO NYO?"


Saturday 26 March 2022

Melai pinapahanap ang basher na tinawag siyang magnanakaw at dinamay ang kanyang anak

 

Pinapahanap na ngayon ni Melai Cantiveros ang basher na kung saan tinawag siyang magnanakaw at dinamay pa nito ang kanyang mga anak.


Base sa screenshot ni Melai, inakusahan ang tv-host na magnanakaw at galing rin daw sa nakaw ang kinakain ng kanyang mga anak.

Kaya naman sa kanyang post sa instagram ay nanawagan ang actress na ipahanap ang nasabing basher.

"Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun, Paki PM po ako, Maraming Salamat, Matigil na ang mga pang haharass na tu.”  


Ibinandera din ni Melai ang picture ng nasabing basher: "At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN.”  

"Nananawagan dn ako sa mga #LawyersForLeni " dagdag pa ni Melai 

Narito ang kanyang post ni Melai( Swipe left para makita ang screenshot na sinasabi ng basher)


KD Estrada sinupalpal ang basher na kinumpara si Alexa sa Gasul

 

Di mapigilang supalpalin ng actor na si KD Estrada ang isang basher na nagkokompara kay Alexa sa isang tank ng Gasul.

Sa Twitter, nag-post ang netizen ng side-by-side na mga photos ng aktres at ng tangke ng LPG na may caption na, “GASUL KA GHORL @alexailacad.”

Agad namang sinagot ni KD ang basher. 

“Kapal ng mukha neto ganda ka?” tweet ng young actor.


>

Binura na ng netizen ang post at nag-private na rin ito ng account.


Friday 25 March 2022

Anne Curtis spotted kasama ang Its Showtime family; babalik naba sa Its Showtime?

 

Spotted ngayon ang actress na si Anne Curtis kasama ang kanyang Its Showtime Family.

Makikita sa larawan na todo smile sina Anne at ang kanyang dating kasama sa nasabing noontime show.

Kaya maraming netizen ang tila naexcite dahil tila tila nagpahiwatig ng babalik na ang actress bilang host sa Its Showtime.


"Reunited with my @itsShowtimeNa family!!! Super na-miss ko sila!" sabi ni Anne sa kanyang tweet post 

Babalik ba kaya si Anne sa Its Showtime? Ano sa tingin niyo mga kapamilya.




Thursday 24 March 2022

Jeric Raval kinumpirma ang relasyong AJ-Aljur; nasasaktan pag tinawag na kabit ang anak

 

Kinumpirma na ng actor na si Jeric Raval ang relasyon ng kanyang anak na si Aj Raval sa actor na si Aljur Abrenica.

Kamakailan lang ay nakapanayam ng Pep.ph si Jeric at ibinunyag niya ang tungkol sa pag-uusap nila ni Aljur ng lalaki sa lalaki. 

"Basta nasa ayos lang ang lahat. Nagkausap na naman kami. Una ko siyang nakausap sa PDEA office.

"Lalake namang kausap yung tao, mabait naman. 

"Tinanong ko lang naman sa kanya kung siya ba ay hiwalay. 'Opo.' 'Ano ba ang plano mo sa anak ko?' 

"Sabi niya, nagmamahalan daw sila. 'E, di magaling,' sabi ko. Yung tipikal na tinatanong ng isang ama." 


Aminado rin ang actor na nasasaktan siyang tinawag na kabit ang kanyang anak.

"Una kong reaksiyon, ama ako, e, siyempre gusto natin lagi sa anak natin yung the best, di ba?

"You will have a better life kung iba ang manliligaw sa iyo. Hindi ka mapipintasan ng tao, hindi ka maba-bash. Hindi ka tatawaging 'kabit.'

"Kaya lang, that's life. Tao lang ang mga iyan, nagmamahalan.


"Masakit, siyempre, nasasaktan ako. Siyempre, inaalagaan ko ang anak ko, pinalaki ko nang maayos. 

"Pag naririnig ko ang mga yun, pasok na lang dito, labas na lang dito," paliwanag ng actor  




Lolit Solis nagreact sa kasalang Erich Gonzales at Mateo Lorenzo

 

Nagreact na ang beteranang columnist na si Lolit Solis sa balitang ikinasal na ang actress na si Erich Gonzales sa anak ng bilyonaryo na si Mateo Lorenzo.
Sabi niya: "Ikinasal na pala sila Erich Gonzales at Mateo Lorenzo, Salve. Bongga noh! Talagang natuloy sa altar ang pagmamahalan ng dalawa.

"Talagang ipinaglaban ni Mateo Lorenzo ang pagmamahal niya kay Erich Gonzales. Medyo conservative ang pamilya Lorenzo kaya siguro hindi kaagad nila matanggap na isang mula sa showbiz ang magiging in law nila. 


"Pero para naman sinasadya, dahil iyon isang kapatid daw ni Mateo si Claudia Barretto naman ang GF. Mukhang mga taga showbiz ang magiging dagdag pamilya sa mga Lorenzo. 

"Maipapakita naman ni Erich Gonzales na karapat dapat siya ipagmalaking asawa ni Mateo Lorenzo. Congrats and best wishes sa dalawang bagong kasal, live forever happily. Bongga"

Wednesday 23 March 2022

Kris Aquino may matinding pasaring sa kanyang ex na kumandidato ngayon sa uniteam

Sa kabila ng kanyang karamdaman ay dumalo si Kris Aquino sa campaign rally ng Leni-Kiko Tandem sa Tarlac.


Sa kanyang speech ay pinasaringan niya ang kanyang ex na kumandidato ngayon sa uniteam ngunit hindi na niya ito pinangalanan.

Aniya wag raw nila itong iboto dahil hindi raw ito tumutupad ng pangako.


"Sinabi mo [Angel] ‘yong may karelasyon. 'Di ba ‘yung isa, nasa Uniteam, ‘yung ex?.sabi ni Kris

 "Oh, ‘wag niyo iboto ‘yon ah, sayang ang boto dahil hindi marunong tumupad sa mga pinangako. Dedma please," dagdag pa niya 



Kris Aquino walang prenong sinabi na nakakabwisit raw ang mga taong walang utang na loob

 

Walang prenong inilahad ng queen of all media Kris Aquino sa naganap na campaign rally ng Leni-Kiko Tandem sa Tarlac na nakakabwisit raw ang mga taong walang utang na loob.

Hindi man niya pinangalanan kung sino ito peru aniya ay alam na raw ito ng madla kung sino ito.

"Hindi niyo kami pinabayaan, well at least kayo, except for you know who. 


pasensya na ha.sorry sinabihan akong wag makipag-away, pero nabu-buwisit po talaga ako. I'm sorry dahil hindi ako yung mabait na Aquino...dahil nakakabwisit talaga yung walang utang na loob..." sabi ni Kris 

Sino kaya ito?

Panoorin dito:



Nakakalokang birthday greetings ni Joshua Garcia kay Ria Atayde viral na

 

Viral ngayon sa social media ang nakakalokang birthday greetings ng actor na si Joshua Garcia kay Ria Atayde.

Ngayong araw, nagcelebrate si Ria ng kanyang ika-30th birthday.

Sa instagram story ni Joshua ay binati niya si Ria at tinawag niya itong "rumored girlfriend".

Kasabay ng kanyang pagbati ang larawan ni Ria na nasa beach.

q

"Happy Birthday rumored girlfriend!" pagbati ni Joshua kay Ria 




Congrats! Erich Gonzales at Mateo Lorenzo ikinasal na

 

Ikinasal na ang kapamilya actress na si Erich Gonzales ngayong araw sa kanyang boyfriend na si Mateo Lorenzo.

Maalala na nagviral kamakailan lang ang Marriage Banns ni Erich kung saan nakasaad doon na March 23 ikakasal ang actress sa Saint James The Great Parish sa Muntinlupa City.

Photo Credits: Fashion Pulis

Sa deleted Ig story ni Andres Lorenzo ay ipinost nito ang larawan ng isang babae at lalaki na ikinasal.


Ayon sa Fashion Pulis website, sina Erich at Mateo raw ang mga ito.

Congrats po Erich and Mateo.

Image courtesy of Instagram: andresdeleonlorenzo/Via Fashion Pulis





Tuesday 22 March 2022

Angeline Quinto ipinakita na ang buong mukha ng ama ng kanyang pinagbubuntis

 

Proud na proud ang kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto na ipinakita sa publiko ang buong mukha ng kanyang boyfriend.

Kamakailan lang ay naganap ang baby shower Angelica na dinaluhan ng ilang artista.

Sa photoshoot na kuha ng Nice Print Photo makikita ang buong mukha at klarong klaro na ito hindi kagaya sa ilang mga larawan na naunang ipinost ni Angeline.


Nauna nang nabanggit ni Angeline sa mga nakaraang interview na gusto nilang gawing pribado ang kanilang relasyon.

Tingnan dito ang mga larawan. Swipe left para makita ang mga ito.



Sana All! Sarah Lahbati niregalohan ni Richard Gutierrez ng malaking bouquet ng rosas

 

Kinilig at abot langit ang saya ni Sarah Lahbati matapos siyang sorpresahin ng kanyang asawang si Richard Gutierrez ng malaking bouquet ng bulaklak .

Kwento ni Sarah, bago raw siya pumunta ng trabaho ay sinorpresa siya ng kanyang asawa ng 150 na piraso ng bulakak.

Kaya labis ang pasasalamat niya sa actor dahil sa regalo na ito.

"before heading to work today, i was surprised by my love @richardgutz with 150 roses 


thank you for always making me feel loved, for making me feel special & for treating me like a queen. je t’aime, my king!!!"sabi ni Sarah sa kanyang post



Sarah Geronimo kumasa na sa Maybe This Time challenge

  Kumasa narin sa wakas si Popstar Royalte Sarah Geronimo sa Dance Craze ngayon na "Maybe This Time" na hango sa kanyang sarili...